Tuesday, February 5, 2008

BOSO BOSO....

Kaninang hapon... dumaan ako sa mall upang magbawas ng sama ng loob.. na karaniwang ginagawa ko bago uwi ng bahay. Sa haba ng aking biyahe sakay ng bus, hindi ko maiwasan o mapigilan ang hindi mag CR para umihi o mag defecate. Kesa naman sa jeep ako nabutan.. mabuti na yung dumaan muna ako sa mall para doon ko ilabas ang dapat ilabas.

Sa loob ng CR ay may tatlong cubicles na katapat lamang ng mga urinals. Sa totoo lang... hindi ako kumportable umihi sa urinals. Ewan ko ba... naiilang lang siguro ako umihi ng may kasabay. Siguro sa takot din na masilipan. Minsan kasi ay nangyari na sa akin, na habang ako ay umiihi sa urinal ay may lalalaking tumabi sa akin. Pilit niya tinitingnan ang akin na pilit ko namang tinatago. Lokong mama yun! Meron naman siya at kung bakit gustong gusto niyang makita yun akin. Hahahaha!

Anyway... kakaibang experience ang nangyari sakin kanina. Habang ako ay nasa loob ng ikalawang cubicle at nakaupo sa trono. Napansin ko ang na may pumasok sa kabilang cubicle. Na normal lang kung tutusin kasi nga CR yun. Pero napansin ko yung nasa kabilang cubicle ay panay ang yuko na halata sa kanyang anino na nag re reflect mula sa makintab ng flooring. Hindi siya mapakali at pilit niyang sinisipat ang katabing cubicle kung saan ako ay nakapwesto. Minatyagan ko siyang mabuti mula sa reflection ng kanyang anino sa flooring. Na realize ko na hindi karaniwan ang kanyang ginagawa. At nahalata ko na ako pala ay binobosohan. Nakita ko ang kanyang ulo na nakasilip sa bandang likuran ng toilet bowl na aking inuupuan. Alam kong binobosohan niya ako. Pero dahil sa ayaw ko ng eskandalo. minabuti ko na lang tumahimk at tapusin ang aking ginagawa. At dahil na rin sa curiosity ko... gumawa ako ng paraan para malaman ko kung ano talaga ang nagyayari sa kabilang cubicle. Matapos kong mag flush ng bowl at mag taas ng aking underwear at pants. Tumuntong ako ng bowl at dinungaw ko siya mula sa itaas ng cubicle ko... at nakita ko siyang nakayuko at sumisilip mula sa ilalim. Doon ko napagtanto na may kakaiba pala siyang ginagawa. Habang ako ay kanyang sinilip ay naglalaro siya ng kanyang sarili. Nakita ko siyang hubot hubad at ang kanyang mga damit ay nakasabit sa likod ng pinto. Hindi ko nakita ang kanyang mukha. Sapagkat sandali ko lang siyang sinilip. At isa lang ang sigurado ako.. habang siya ay naglalaro ng kanyang sarili ay binobosohan niya ako.

Lumabas ako ng cubicle. direcho sa harap ng salamin. Inantay ko talaga lumabas yung taong nasa loob ng cubicle upang malaman kung ano ang itsura niya. Mga ilang minuto lang ang lumipas, lumabas na ang taong kanina sa akin ay namboboso.. Laking gulat ko na isa pala siyang gwapong nilalang. Mula sa reflection ng salamin. Hindi mo aakalaing siya pala ay isang mamboboso. Gwapo siya... makinis ang kutis.. artistahin ang dating. Pero hindi ko akalain na ang taong nakita ko mula sa salamin ay ang taong namboso sa akin. Tsk Tsk tsk... sayang... gwapo ka pa naman...


5 comments:

  1. Aw...ba't kaya sa akin walang namboboso...Wakekeke...
    Lumalabas na naman ang pagka-showboy ko. hahahahah

    ReplyDelete
  2. sino at ano yung korni mugen? yung blog ko o yung namboso sakin?

    ReplyDelete
  3. yung namboso sayo? Gwaping naman pala eh, boso-boso lang siya. Dapat yung ganun lumulusob ng harapan. Hehe.

    ReplyDelete
  4. Sa susunod kasi na tatae ka sa mall wag mo ng isarado ang pinto para di ka na mabobosohan.hehehe...

    ReplyDelete