Friday, February 22, 2008

Ihip ng Malakas na Hangin....

him: sex tayo tom. may place ka ba?

me: huh? bakit biglaan naman?

him: Luwas kasi ako bukas diyan Manila. Uwi din ako sa gabi.

me: hindi ako pwede ngayon. May importante akong lakad eh.

hiim: ganun ba?

me:. gusto mo luwas ka na ngayon para makarating ka dito ng 6pm.

him: cige bukas na lang.

me: bakit nga pala biglaan ang uwi mo dito manila

him: magpapa pedos ako eh?

me: what pedos?

him: Pre Departure Orientation Seminar.

me: ahh... oo nga pala... lapit ka na pala umalis... kelan nga pala alis mo? yung flight mo?

him: sa feb 26 na. kaya kailangan muna akong umattend ng pedos.

me: sige.. text ka na lang pag dito ka na manila. bast ang off ko mga 6pm.

kinabukasan... 5pm

him: eh... tuloy ba tayo? lapit na matapos seminar ko

me: yup tuloy!

him. teka.. san ba tayo meet?

me: san ka pa ba manggagaling niyan?

him: dito ko makati ngayon.

me: sa farmers cubao na lang tayo meet. sakay ka na lang ng MRT.

him: tapos nun sa tayo punta.

me:. maya na lang nati pag usapan. sige... text ka na lang pag paalis ka na.. lapit lang naman ako ng cubao eh.


the rest is history..... hehehe
= = = = = = = = = = = = = = = =

Palitan namin ng text message ng isang kaibigan na nakilala ko sa g4m. Matagal tagal na din kaming nagpapalitan ng SMS ng taong ito. Ngunit hindi lang kami mabigayan ng pagkakataong magkita. Kanina lang kami nabigyan ng pagkakataon. Lumuwas siya dito sa Manila upang umattend ng seminar na kakailanganin niya sa kanyang pag alis patungong ibang bayan.

Nung pumasok ako sa g4m. pinanindigan ko sa sarili ko na hindi ako makikipag kariran sa mga taong nagiging kaibigan ko. Pero dala na rin ng katagalan at kapalagayan ng loob ko sa taong ito. hindi ko din naiwasan ang mga ganitong bagay. Kunsabagay. hindi naman ako ang nag aya. Pinagbigyan ko lang naman siya. Matapos ang aming enkwentro.. "Salamat at bago man lang ako umalis ay nagkita muna tayo. at karangalan ko ang makasex ang isang Pinuno". bigla niyang sambit. Hindi ko alam kung flattering ang kanyang sinabi. Pero naisip ko, pareho lang naman kaming maswerte. Hehehe. Wish ko lang na sana ang nangyari sa amin ay hindi magiging dahilan ng pagkaputol ng aming pagkakaibigan. Kahit na nasa ibang bansa na siya.

Wednesday, February 20, 2008

joke time muna...

Kanina sa previous post ko.. nakakalungkot... ngayon medyo masaya naman... hehehe

================================================

BF: alam mo love, ikaw ang first girl na dinala ko dito.
GF: sinungaling. Sabi nila lagi ka dito!
BF: oo, pero ikaw lang talaga ang girl!

AMO: Inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay.
(nilabas ni Inday)
INDAY: Off you go! Under no circumstance would this house relent to such unabashed display of vagrant destitution!
PULUBI: Oh! I'm so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!

(nakakuha na ng katapat si Inday!) NOSEBLEED!!


BOB: Nakaka magkano ka sa 1 araw?
PULUBI: Nag-uumpisa kasi ako ng 8am. Ngayon 9am na. Naka 80 na ko.
BOB: Hindi din masama noh? Ano mabibili mo niyan?
PULUBI: Pwede na tong isang espresso macchiato sa Starbucks!


In a Miss Gay pageant...

HOST: How can we uplift our economy today even though we are under economic crisis?
BAKLA: (namutla) Mga bakla! Akala ko ba miss gay ito? Quizbee pala!


1. Trulalu.
2. eklavu
3. eklavu.
4. trulalu
5. eklavu
6. trulalu
7. trulalu.
8. eklavu
9. trulalu
10. trulalu

-batang bading nagsasagot ng true or false na quiz.

Sa ospital....

NARS: Doc, bat tinanggihan nyo yung pasyente?
DR: Alin, yung bakla?
NARS: Opo. Baka sabihin namimili tayo, porke bading siya.
DR: Ano naman raraspahin ko sa kanya?


Kung nag GAY LANGUAGE sana sila GMA at GARCI eh di walang SCAM!

GMA: hallow gracia!
GARCI: uy mother ever! Na chenilyn de kimberlyn ko na po yung mga chuva ek ek.
GMA: bonggacious! Eh yung mga chenes chenes, carry na ba?
GARCI: flatshoes! Winnie santos mama, wiz na wori eclavou na ever. Na chorva na!
GMA: ang tarushki! Maldita ka talaga vruha ka! Eh di windra na naman watashi?!
GARCI: anufi ate.
GMA: oshah ba.


Sa Math Class...

Teacher: Banong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
Banong: 2 po mam!
Teacher: At kung hnati ko pa pareho?
Banong: 4 na piraso po!
Teacher: Hinati ko ulit.
Banong: 8 piraso po.
Teacher: Hinati ko pa.
Banong: 16 po mam.
Teacher: Hinati ko pa?
Banong: 32 piraso na po!
Teacher: Kung hinati ko ulit?
Banong: 64 po! (nakangiti)
Teacher: At hinati ko pa? 2 beses ko pang hinati?
Banong: Ay susmaryosep mam! GINILING na po! GINILING!!!


Sa Bakery...

Pulubi: Palimos po ng cake.
Ale: Aba, sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto pandesal!
Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?





ANAK: Tay mag-ingat kayo sa DANKTRAK!.
TATAY: ano ung danktrak?
ANAK: Yun pong trak na 10 ang gulong na karga buhangin?
TATAY: Tanga inde danktrak un...TEN MILLER!!!


Honeymoon...

BRIDE: Kinakabahan ako. Baka di ko makaya.. Parang natatakot ako.
GROOM- Kaya mo ito. Di ba dati may alaga kang ahas?
BRIDE- Oo nga, pero takot talaga ako sa UOD!!


BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro mali! Lagi nalang ako mali!!! Di 'nyo na ako mahal!
AMA: Nagkakamali ka anak?
BOY: Shet! Mali na naman ako!!!


Nanay: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak: Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga ang anak mo, ako o ung baboy? Umayos ka nay! Wag ganun!


BF : May ibibigay akong gift sa iyo, pero hulaan mo muna!
GF: Sige, clue naman...
BF: Kailangan ito ng leeg mo.
GF: Kwintas?
BF: Hindi... PANGHILOD!


Sa loob ng Mall...

GUY: Love, yan ang dati kong girlfriend.
JOWA: Ang pangit pangit naman!
GUY: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko eversince...


JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
ERAP: ? (di nagsasalita)

sulat ni tatay at ni nanay sa atin....

Share ko lang.... wala kasi akong bagong maisip na topic eh.
================================================


Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan

o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,

huwag mo sana akong kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda.

Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.


Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan

ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan

ng "binge!" paki-ulit nalang ang

sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.


Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong

tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo

noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.


Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay

nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.

Basta pakinggan mo nalang ako.

Huwag mo sana akong pagtatawanan o

pagsasawaang pakinggan.


Natatandaan mo anak noong bata ka pa?

kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,

maghapon kang mangungulit hangga't

hindi mo nakukuha ang gusto mo.

Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.


Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.

Amoy matanda, amoy lupa.

Huwag mo sana akong piliting maligo.

Mahina na ang katawan ko.

Madaling magkasakit kapag nalamigan,

huwag mo sana akong pandirihan.


Natatandaan mo noong bata ka pa?

pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama

kapag ayaw mong maligo.


Pagpasensyahan mo sana kung madalas,

ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.

Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.


Kapag may konti kang panahon,

magkwentohan naman tayo, kahit sandali lang.

Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.

Walang kausap.


Alam kong busy ka sa trabaho,

subalit nais kong malaman mo na sabik

na sabik na akong makakwentohan ka,

kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.


Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?

Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin

ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.


At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit

at maratay sa banig ng karamdaman,

huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako

man ay maihi o madumi sa higaan,

pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga

huling sandali ng aking buhay.

Tutal hindi na naman ako magtatagal.


Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,

hawakan mo sana ang aking kamay

at bigyan mo ako ng lakas ng loob

na harapin ang kamatayan.


At huwag kang mag-alala,

kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,

ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...

dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles

>CWL Spiritual Director

>St. Augustine Parish

>Baliuag, Bulacan



=======================

Forward message sa email ko ng isang kaibigan at habang binabasa ko ay ay nangilid talaga ang luha sa mga mata ko. Although mahal ko naman pareho ang mga magulang ko. May mga bahagi ng email na sapul na sapul talga ako. Sana mabasa niyo din at marealize natin kung gaano natin dapat mahalin ang ating mga magulang.

Sunday, February 10, 2008

Linggo....

Ngayon ay araw ng linggo. Nakaka bore. Tapos na naman ang weekend at simula na naman ng isang linggong trabaho. Haayy... kung pwede lang sanang mag bakasyon ng mahabang mahaba at tuwing kinsenas ay suweldo ka na lang ng sweldo. Sabagay malapit na naman ang bakasyon. Ilang tulog na lang at Holy Week na naman. Kapag malapit na ang Holy Week, ito'y nagbabadya din ng nalalapit na bakasyon. Summer Vacation... haaaayyy sarap..... Saan kaya ako pupunta sa Holy Week? Itong mga nakaraang araw nakakaramdam ako ng emptiness. Ewan ko ba kung bakit. Parang may kulang sakin. Hindi ko naman alam kung ano. Ganito lagi ang pakiramdam ko kapag may bagay akong ginagawa na pinag sasawaan ko. Madali na akong mag sawa sa isang bagay.

=================================================

Last night, naka chat ko ang isang kaibigan. Matagal din kaming nawalan ng communication. Nakilala ko ang taong ito sa pamamagitan ng ligaw ng SMS taong 2001. At maniwala kayo sa hindi.. ni minsan hindi pa kami nagkikita nito ng personal. Huling usap namin noong december pa. At dahil sa medyo nagkatampuhan kami at sandaling nahinto ang aming communication. Pero last night, nagkausap ulit kami. Sana magtuloy tuloy na ulit.

=================================================

Bukas pasok na naman. I hate Mondays... sino bang hindi? hehehe Karamihan naman yata eh... Sana lang maganda ang pasok sakin nitong buong linggo.


g4m.. signing off

Two nights ago, i finally decided to delete my account in guys4men.com. Maraming nag taka kung bakit bigla akong nag delete ng account. Simple lang ang reason ko. Nakakasawa din pala. Nawala na yung excitement ko. Hindi na ako nag eenjoy sa pag bisita sa site na yun. OO maraming nanghinayan. Lalo na yung mga naging members ng thread na ginawa ko. Yung Bahay Ng Mga Walang Mukha.

Noong una, natutuwa ako sa mga nangyayari doon. Nakilala ko yung mga taong gaya ko na nagtatagong tunay na pagkatao. Naging kaibigan ko naman sila. Tinuring nila akong leader. Nagpapasalamat naman ako sa tiwalang binigay nila. Yung iba nga naging textmates ko pa. And from time to time nagkakausap naman kami. Doon ako nagkaroon ng pagkakataong makakilala ng mga tunay na tao. Hindi yung puro sex lang ang laman ng utak. First time ko naka attend ng GEB o yung Grand Eye Ball na tinatawag. Yung maramihang meet up. Dati kasi.. pa isa isa lang ako makipag meet. Pero ganun yata talaga. Pag ang isang bagay na palagi mong ginagawa ay nakakasawa din pala. Wala ng excitement. Tuwing nag o online ako sa thread, yun at yun din na lang nababasa ko.. puro batian. kamustahan. wala nang excitement.

Yung mga naghihinayang. Kayo na lang magpatuloy ng thread natin. Keep it up. Pwede niyo pa namang ituloy yun kung gusto niyo eh. Doon sa mga naging friends ko sa g4m. Maraming salamat sa friendship. Especially to orbiter, rodddd, gcube, deathnote at whitelight.


Tuesday, February 5, 2008

BOSO BOSO....

Kaninang hapon... dumaan ako sa mall upang magbawas ng sama ng loob.. na karaniwang ginagawa ko bago uwi ng bahay. Sa haba ng aking biyahe sakay ng bus, hindi ko maiwasan o mapigilan ang hindi mag CR para umihi o mag defecate. Kesa naman sa jeep ako nabutan.. mabuti na yung dumaan muna ako sa mall para doon ko ilabas ang dapat ilabas.

Sa loob ng CR ay may tatlong cubicles na katapat lamang ng mga urinals. Sa totoo lang... hindi ako kumportable umihi sa urinals. Ewan ko ba... naiilang lang siguro ako umihi ng may kasabay. Siguro sa takot din na masilipan. Minsan kasi ay nangyari na sa akin, na habang ako ay umiihi sa urinal ay may lalalaking tumabi sa akin. Pilit niya tinitingnan ang akin na pilit ko namang tinatago. Lokong mama yun! Meron naman siya at kung bakit gustong gusto niyang makita yun akin. Hahahaha!

Anyway... kakaibang experience ang nangyari sakin kanina. Habang ako ay nasa loob ng ikalawang cubicle at nakaupo sa trono. Napansin ko ang na may pumasok sa kabilang cubicle. Na normal lang kung tutusin kasi nga CR yun. Pero napansin ko yung nasa kabilang cubicle ay panay ang yuko na halata sa kanyang anino na nag re reflect mula sa makintab ng flooring. Hindi siya mapakali at pilit niyang sinisipat ang katabing cubicle kung saan ako ay nakapwesto. Minatyagan ko siyang mabuti mula sa reflection ng kanyang anino sa flooring. Na realize ko na hindi karaniwan ang kanyang ginagawa. At nahalata ko na ako pala ay binobosohan. Nakita ko ang kanyang ulo na nakasilip sa bandang likuran ng toilet bowl na aking inuupuan. Alam kong binobosohan niya ako. Pero dahil sa ayaw ko ng eskandalo. minabuti ko na lang tumahimk at tapusin ang aking ginagawa. At dahil na rin sa curiosity ko... gumawa ako ng paraan para malaman ko kung ano talaga ang nagyayari sa kabilang cubicle. Matapos kong mag flush ng bowl at mag taas ng aking underwear at pants. Tumuntong ako ng bowl at dinungaw ko siya mula sa itaas ng cubicle ko... at nakita ko siyang nakayuko at sumisilip mula sa ilalim. Doon ko napagtanto na may kakaiba pala siyang ginagawa. Habang ako ay kanyang sinilip ay naglalaro siya ng kanyang sarili. Nakita ko siyang hubot hubad at ang kanyang mga damit ay nakasabit sa likod ng pinto. Hindi ko nakita ang kanyang mukha. Sapagkat sandali ko lang siyang sinilip. At isa lang ang sigurado ako.. habang siya ay naglalaro ng kanyang sarili ay binobosohan niya ako.

Lumabas ako ng cubicle. direcho sa harap ng salamin. Inantay ko talaga lumabas yung taong nasa loob ng cubicle upang malaman kung ano ang itsura niya. Mga ilang minuto lang ang lumipas, lumabas na ang taong kanina sa akin ay namboboso.. Laking gulat ko na isa pala siyang gwapong nilalang. Mula sa reflection ng salamin. Hindi mo aakalaing siya pala ay isang mamboboso. Gwapo siya... makinis ang kutis.. artistahin ang dating. Pero hindi ko akalain na ang taong nakita ko mula sa salamin ay ang taong namboso sa akin. Tsk Tsk tsk... sayang... gwapo ka pa naman...


Saturday, February 2, 2008

Gimik...

Isang gabing napakasaya
Punong puno ng ligaya
Sa east wood nag kitakita
Kasama ang mga kaibigan kong mahahalaga

Alas nueve ang usapan
Nagkita kami ni DN sa lugar na antayan
Sumakay ng taxi upang puntahan
Binagtas ang lugar na hindi pa alam

Pizza ang una naming kinain
Kasabay ng umaatikabong kwentuhan
Sumunod ang starbucks na coffee ang inumin
Nauwi sa centerstage kung saan ang gimik ay kantahan

O whitelight at deathnote
Buti na lang hindi naudlot
Ang gimik nating maganda ang naidulot
Sa pagsasamahang may kasamang tampurorot..

Sana maulit pa nating muli
Ang ganitong klaseng gimik na walang pasubali
Para hindi mawala ang dakilang mithi
Ng ating bahay ng mga walang muhang munti.