Monday, March 17, 2008

Isang Tagay Pa Par!!

Last night, nagpaunlak ang isang dati nang kaibigan sa aking paanyaya na makipag inuman. Matagal tagal na din mula ng makilala ko ang taong ito. Mula siya sa g4m na dati kong sinalihan. September 2007 ko siya nakilala at mula noon ang patuloy pa din kaming nagkakausap sa pamamagitan ng palitan ng SMS. At isa siya sa mga unang PLU mula sa g4m na na meet ko.

Muntik pa ngang hindi matuloy ang inuman na ito. Paano ba naman... usapan namin ay 8pm... pero dahil sa matinding trapik na dinaanan ko patungo sa lugar na usapan naming magkikita kami ay inabot yata ng topak at pag kainis ang taong ito. Sa kalagitnaan ng trapik ay nag send siya ng message na wag na lang daw akong tumuloy ay siguradong tutubuan na daw ako ng ugat bago makarating sa lugar na aming usapan. Pero ganun pa man... inisip ko na lang na andun na rin lang naman ako sa ganung sitwasyon... tuloy ko na lang... mahirap na din naman para sa akin ang bumalik... dahil nga na ipit na din ako ang trapik. Pero nang mag text ako sa kanya na malapit na ako... medyo nabuhayan ako sa reply niya.. "sige daddy... ( daddy kasi ang tawag niya sakin.. hehehe)... antay na lang kita doon... saan ka na ba eksaktong andoon?"

Saktong 9pm na kami nagkita.... at mula doon sa meeting place namin.. binagtas na namin ang daan patungo sa lugar na kung saan kami mag iinuman. Habang nasa biyahe pa lang kami... pansin ko ang pagka ilang niya sa akin... natural lang yata talga na maging ganun siya... sapagkat sa chat at text lang naman talaga kami halos nag uusap. Ako habang nakatingin sa dinadaanan namin habang nag da drive ay paminsan minsan tumitingin sa kanya... habang nagpapalitan kami ng mga tanong at kamustahan.. kung ano na ang mga latest sa amin.... hawak niya ang cellphone niya at tila may katext siya na hindi niya maiwasang mag reply... Later.. sinabi din niya na sister daw niya ang katext niya na tumuloy daw sa night swimming kahit di daw niya pinayagan....

Mga 9:30pm nang kami at dumating sa lugar. Hindi siya gaanong familiar sa lugar kaya habang papalapit kami sa lugar ay nagmistulang tourist guide ako na tinuturo ang mga lugar na aming nadadaanan. Saktong may bakante lugar na paparadahan ng aming sasakyan... pagkababa namin sa sasakyan ay naghanap agad kami ng mapupuwestuhan. Sa bandang gitna at may bakanteng lamesa. Iniwan ko muna siya ay nagpunta na ako sa counter upang umorder ng aming inumin.

Tig tatlong bote ng San Mig Light ang aking inorder na may kasamang pulutan..Sa gitna ng aming kwentuhan... Narealize ko.. masaya pala siyang kasama.. Makwentong tao. Dami naming napagkwentuhan.. mga bagay bagay tungkol sa PLU life... Mga common friends namin... mga kakilala... Tama nga pala talaga ang kaibigang joms...na ok pala talaga kasama ang taong ito. Medyo parang bitin pa at umorder pa kami ng tig isang bote..

Nang medyo nakaramdam na kami ng medyo pagkahilo.. nag aya na siyang umuwi... Nag aala siya na kung ok lang daw ba ako.. since ako daw kasi ang driver... baka hindi ko na daw kayang mag drive pa... Na kung tutuusin... hindi pa ako nagkaproblema sa pag dadrive kahit medyo nakainom ako.. kaya nag assure ako sa kanya nag wag siyang mag alala at kaya ko pang mag drive.

Along the way ay nabanggit ko sa kanya yung nangyaring problema sa min noong bago pa lang kaming magkakilala... Isa kasi siya sa mga taong nang iwan sakin sa ere. Na noong una ay inakala kong tapat at totoong kaibigan. Na mas pinili niyang makisama sa mga ka age level niya. "Lam mo Vin, yung nangyari satin noon... wala na sana akong planong makipag usap pa sa inyo eh" Habang nag da drive... " Pero inisip ko na lang... ganun talga ang buhay... lahat naman tayo may choice sa buhay... eh nagkataong choice niyong mamimili ng kakaibiganin... pero... kung magtatanim ako ng sama ng loob wala ding mangyayari eh. ang mahalaga... ok naman tayo ngayon... sila marhk at justin...." "Sus naman si daddy... wala yun no... Hindi naman plinano yun eh.. nagkataon lang... tsaka... hindi naman tayo nawalan ng communication diba? andito pa naman ako... eto nga magkasama tayo diba? wag mo na isipin yun..past na yun"... tugon niya... Sabagay may point siya...

Dumating kami sa lugar kung saan siya nagpababa... "Oh pano daddy... dito na lang ako sa kanto... Salamat ah... Next time ulit... Sana meron pa... " Sana nga meron pa... Salamat din sayo sa pagpapaunlak mo sa aking paanyaya.... sa susunod na pagkikita...

Habang binagtas ko ang daan pauwi... nakatanggap ako ng SMS mula sa kanya... "Thanks daddy... ingat"..






3 comments:

  1. Sabi sayo, isa siya sa mga taong bumali sa history ko. Ehehe. Ayus yang binatang yan.

    ReplyDelete
  2. @whitleight....
    nagkataon lang na magkalapit lang kami ng lugar kaya madaling nagkaayaan.. heheh

    @mugen
    marami akong nadiskubre sa kanyang pagkatao... hehehe

    ReplyDelete