Tuesday, November 29, 2011

Salisi Gang!!!

"pwede ka ba tonight 9pm. i have place. ako lang mag isa dito sa apartmet" unang text message na natanggap ko mula sa kanya tapos naming magpalitan ng numbers. 

"hmmm.. teka tol.. ang bilis naman.. di pa nga tayo nagkakausap ng matagal eh" reply ko sa kanya.

"ano ka ba. eh di tsaka na tayo mag usap ng matagal tapos nating mag sex"  mukhang libog na libog na ang mokong at nagmamadali. " ano tol, punta ka ba? sige na alis ka na diyan, antay kita".


"sige wait mo ako, ligo at bihis lang ako"...


Sa totoo, parang tinatamad ako pumunta, pero mukhang napasubo yata ako, pero bahala na.

Naligo ako at nagbihis, nagpaalam dito sa bahay na pupunta lang ng 7eleven at may bibilhin. Wala naman akong magandang maisip na dahilan eh. Pero mabuti na yun kesa magsabi ng " alis lang ako sandali.. makikipag sex lang!!" eh di nagulantang mga kasama ko dito sa bahay pag ganun ang sinabi ko. hahaha

Sakay ng jeep, mga 10 mins away lang naman. Nag text siya.. "san ka na tol? bilisan mo!" wet na wet na ko" (joke lang yun huli) hahaha.

"nasa jeep na. wait lang"

"ok, pag malapit ka na text ka ha".


Nang dumating ako sa lugar, nag text ako.. "dito na me, where na you?" (jologs ng message lol! pero di yan ang text ko no!! " dito na ko.. san ka na?"

"wait lang tol, antay mo ko diyan sa waiting shed labas na ako"

Habang nag hihintay sa kausap, napansin ko ang lugar. familiar siya, parang nakapunta na ako dito sa lugar na ito. Hindi ko lang maalala kung kelan. Ahhh matagal na.. pero natatandaan ko pa itong lugar na ito. Tinext ko ang aking kausap at tinanong kung nasaan na siya. Hindi naman nag rereply. Pero habang nakatayo ako sa waiting shed , may napansin akong guy na parang may hinihintay din. Hawak ang kanyang cellphone, at tila may hinihintay na kausap. Hindi kaya siya ang ka meet ko? Hmmm.. In fairness, ok siya, kung siya nga, jackpot ako. Moreno, matangkad, may hitsura, panalo! Pinakikiramdaman ko kung siya nga ang aking kausap.

Biglang tumunog ang aking cellphone, text message mula sa aking kausap. "Tol, san ka na? andiyan ka na ba?"

"Oo, kanina pa ko dito" reply ko sa text niya

Napansin kong tumunog ang cp ng guy na katabi ko. Kinabahan ako, mukhang siya nga yata ang kausap ko. Binasa niya ang message, at nag tatype siya sa keypad ng kanyang cp.. Maya maya, tumunog ang CP ko. Syet!! siya nga yata! Binasa ko ang message.. "Ano kulay suot mo?"

"Im wearing brown shirt.. ikaw?"

Pag send ko ng message, maya maya umalis yung guy, tiningnan ko siya papalayo,, tumawid ng kabilang side ng kalsada at biglang sumakay ng jeep. Ano ito one way? At mukhang di niya ako trip kaya bigla na lang siyang umalis at di man lang nagpakita or nagpakilala bago umalis? Ok, not my loss!!

Maya maya, tumunog ulit ang cp ko.. Message sa kausap ko.. "im wearing white tshirt and shorts.. wait ka lang diyan.. papunta na ko"

Oh.... samakatuwid.. yung guy na inakala kong kausap ko at kameet ko.. HINDI pala siya.. iba pala..

That guy was wearing maong and jersey sando.. so Hindi talaga siya ang ka meet ko.

Later, may nakita akong guy na paparating... this guy is wearing white sando and shorts.. to my surprise.. he's HOTTER compared dun sa guy na inakala kong kameet ko.. Homaygash!!! much better pa pala... di hamak na mas gwapo at uber astigin.. walang trace. Jackpot talaga!

"tol sensiya na ha... natagalan ako... nag ligpit pa kasi ako ng mga gamit ko eh" nakangiti siya habang nagsasalita..

"hmmm.. ok lang" ang tanging nasambit ko habang nakatingin sa kanya.

Pero teka, kinabahan ako.. yung sinasabi kong familiar yung lugar.. totoo nga.. nanggaling na ako sa lugar na ito.. same apartment.. howsyit!! mukhang kasama ito sa bahay nung dati kong na meet.

"teka lang tol, tingna ko lang kung may tao sa labas, baka may makakita satin eh"

Naiwan ako at nagbalik ulit siya sa apartment.. Sa isip ko.. mukhang tama ng ang hinala ko.. same place ulit ang pupuntahan ko.. pero sure ako.. hindi ito ang taong dati kong nameet...

Biglang nag text "tol, sige punta ka na dito, direcho ka lang.. unang pinto pasok ka agad, bukas itong pinto"

Habang naglalakad ako papunta ng apartment, sakto... totoo nga.. same apartment.. pero this time.. hindi siya yung guy na nameet ko.. yung neighbor niya.. LOL... sa unang pinto lang siya nakatira... samantalang yung dati kong na meet ay sa next door lang.

Sana di ako makita nung guy na nasa kabilang door lang.. pero sabagay, sarado naman.. at nasa next door pa... Unang pinto ang papasukin ko. Hindi na ako kumatok, at gaya ng sabi niya bukas daw ang pinto kaya direcho na agad ako sa loob.


=========================

itutuloy..

4 comments:

  1. Sarap ng kwento ah. Gusto ko niyan. Sige pa! Hahaha

    ReplyDelete
  2. Excited na kong malaman kung ano ang nasa likod ng title =)

    ReplyDelete
  3. naging suki ka na nga apartment na un :) cant wait for the continuation :)

    ReplyDelete