Friday, February 25, 2011

LDR...

Got this from a friend who is into LDR... And  he's a straight.. he misses his gf so much.. this poem applies to all kinds of relationships. here it goes..
===========================================


Naniniwala ba kayo sa "long distance Relationship"?
Yung tipong dagat ang inyong pagitan…
At langit na lang ang inyong tinitingnan…
Kung saan Oras… Araw.. at Taon..
Ang lilipas na hindi kayo magkasama..
Sisikat at lulubog ang Araw at Buwan…
Na hindi niyo kapiling ang isat isa….
At sangkap ay telepono..
Sa matamis nyong pagmamahalan..
Internet naman ang tulay..
Sa milya milya niyong pagitan..
At ang mga kuhang litrato..
Mga kwento sa  bawat pangyayari sa buhay niyo..
Na nagsasabi sa puso niyo..
Sana andito ka. Nakasama kita…
Sa madaling salita.. ang lagi niyong sandalan..
Ay ang pagmamahalan, pagtitiwala, at pangako..

Marahil isa ka sa sasagot ng HINDI..
Dahil iba na ang panahon at ang mundo..
Na ating ginagalawan ay nababalot ng Tukso..
Dahil mahirap bang sumugal ng hindi mo alam..
Kung karapatdapat ba siya sa pagtitiwala mo..
O takot kang umasa at sa huli ikaw lang ang masasaktan..

Sadyang maraming kinakatakutan ang tao..
Takot masaktan.. takot matalo..
At takot umasa..
Kaya ang ganitong klaseng relasyon..
Unti unti lamang nagiging alamat..
Hindi pinaniniwalaan at kathang isip lamang…

Hindi ba sapat na sandata ang Pagmamahalan?
Para labanan ang tukso at magtiis?
Hindi ba karapatdapat itaya?
Ang buo mong pagtitiwala?
Para sa iyong taong minamahal?
At higit sa lahat…
Di ba tama na humawak ka sa pangako….
Na magsisilbi mong gamot…
Sa takot, lungkot, at sakit na iyong nadarama?

Sadyang nilikha ang mundo na Balanse..
Lahat may kakambal at hindi nag iisa..
Ang saya may kakambal na lungkot..
Ang ginhawa ay may kakambal na hirap..
Ang panalo ay may kakambal na pagkatalo..

At ang puso natin, masasabi kong may kakambal..
Hindi isang Kabiyak.
Dahil tumitibok ang puso natin ng Buo..
Hinahanap lang nito ang magpapabalanse sa kanya..
Paano  kung ang taong iyon ay malayo?
Hindi ka ba susugal?
Handa ka bang maghintay?
Handa ka bang masaktan?
Handa ka bang umasa?
Bakit hindi mosubukan?

Sa ngayon.. sakit, lungkot, at hirap..
Ang iyong nadarama..
Pero darating ang araw na babaligtad ang lahat ng iyan..
Sa tamang panahon at pagkakataon..
Kung saan ang mga kamay niyong dalawa…
Ay muling maglalapat..
Ang init ng kanyang yakap..
At ang ngit sa yong labi ay muling mabubuo..
At ang iyong puso ay muling titibok
Kasabay ang kakambal nito
Dahil masarap yung..
Sumubok, sumugal at maniwala..
Kaysa sumuko at mag walang bahala.

2 comments: