Wednesday, December 8, 2010

Para Sa'yo!

Ei...

Halos mag iisang taon na din pala ang nakalipas. Isang taon na din nung uwi ka dito sa Pinas. Madami na din ang nagbago sa atin. Sa pakikitungo mo sakin, sa pakikitungo ko sayo. Matapos ang nangyari sa atin nung bago ka umalis at nung nagkausap tayo sa chat nung ikaw ang nagbalik diyan sa kinaroroonan mo. Madami na nagbago.
Tinatanong ko nga sarili ko kung nagsisisi ba ako sa nangyari sa atin eh. Yeah, medyo. Nagsisisi at the same time nanghihinayang. Nagsisisi kasi, bakit ganun ang nangyari sa atin. Hindi naging successful ang ugnayan nating dalawa. Nanghihinayan kasi, hanggang doon lang pala matatapos ang ating pagkakaibigan. Kung hindi sana tayo natapos last year eh di sana mag  6 years na sana tayong magkaibigan ngayon. Well siguro ganun lang talaga ang buhay at hanggang doon lang talaga tayo.

Ngayon, malapit na naman ang Pasko, for sure maalala mo ako.. at ngayon nga naalala kita. Pero wala eh. hanggang alaala na lang tayo. Hindi nga natin magawang magkamustahan man lang eh. Alam ko nakikita mo ako lagi na naka online. pero di mo magawang batiin man lang ako. Pero ok lang naiintindihan ko.. somehow its my fault. Kasalanan ko din eh. Pero alam mong may fault ka din. Kilala kita.. ma pride kang tao. Pero yun nga.. hindi mo man lang akong magawan batiin man lang. (asa pa ba ako?)

Anyway, wherever you are, whatever you are doing, i just hope masaya ka at you're doing fine. Ingats ka na lang lagi, at huwag mong pabayaan ang sarili mo.  Merry Christmas na lang sayo..

Kaibigan...


Fox


6 comments:

  1. this is sad..
    it really is not just we want someone to stay but also if that person feels the need to..

    ReplyDelete
  2. this is sad..
    friends not choosing to stay.

    ReplyDelete
  3. awwwwwwwwww. :(
    sana one of these days kamustahin ka na nya, or ikaw ang mangamusta. hehehe

    ReplyDelete
  4. para sa akin, mas nakakahinayang ang nawalang pagkakaibigan kesa sa nawalang pagibig.
    .
    .
    *hugs* kay papa fox!;)

    ReplyDelete
  5. hmm parang sharon cuneta at aga mulach ang drama niyo. hahahahahaha sana like kay mega at kay aga eh magkaayos kayo. kasi sayang din ang friendship.

    and malapit na ang pasko at ang pasko ay dapat magpatawad na

    ReplyDelete
  6. sinetch itechie dadi fox? wiz ko ba sya? hahaha baklang bakla ang tagay

    ReplyDelete