Thursday, December 30, 2010

Happy New Year!!!


Let's welcome the New Year with a bang!!!

Thursday, December 23, 2010

Merry Christmas Everyone!!!

2 days to go, it's already Christmas!!! Una na akong babati sa mga taong naging bahagi ng aking buhay dito sa Blogsphere. Yung mga dati ko nang kakilala na patuloy ko pa ding nakakausap at yung mga bago ko pa lang nakilala.


Unahin ko siyempre ang mga kapatid ko sa Engkantadiya! ang mga laman lupa at mga kutong lupa. Na nagiging inspirasyon ko kaya andito pa din ako sa blogsphere.


1. Pilyo/Rain Darwin
2. Mugen
3. Marhk
4. Tagay
5. Bloigg/Trench
6. Maxwell
7. Popoy
8. Shoti
9. Don Cholo
10. Jc Bunso
11. Silent Boi
12. Lukayo
13. Johnny Cursive
14. Dark Knight/Dingding

At yung dalawang bagong engkantos

15. Jc/wimpy kid
16. Karps

Yung mga dati ko na kakilala

1. Insang Dabo
2.  YJ
3. Xallperce
4. Wandering Commuter
5. Curiouscat
6. Mksurf8

Yung mga bago kong kakilala dito sa Blog

1. Papa Soltero
2. Maginoong Bulakenyo (Peace!!)
3. Bleeding Angel
4. hard2getxxx
5. Alter
6. Dominic_St Michael

yung mga sinusundan kong blogs.
7.. Nimmy
8. Ms Chuniverse
9. Desole boy
10. Trista tales
11. carabrant/shoti2
12. Eternal Wander
13. Ex Jason
14. John Stanley
15. Iurico/Comforting Oblivion
16.AboyNamedXander

At pati na din doon sa mga hindi ko pa nabanggit...

MERRY CHRISTMAS SA INYONG LAHAT!!!




Wednesday, December 22, 2010

Random Thoughts # 3 (at 1:00am)

Haays, di ako makatulog, natulog kasi ako kanina hapon.  kaya eto para lang zombie. dilat na dilat pa din kahit madaling araw na. Nagpapa antok kaya gawa muna ako ng blog, kung ano ano lang maisip sulat lang nang sulat.

1. Bago pa man magsimula ang aking Very Very Long Vacation, naka gawa na ako ng sked at itineraries. 3 reunions ang naka sked kong pupuntahan, I just hope maattendan ko mga ito. Nakakahiya naman invited na nga ako at nag effort pa talaga yung mga organizers na contact ako thru FB tapos dedmahin ko pa. hehehe. I would love to see them again for how many years din kaming di nagkikita kita. 

2. Kanina before lunch, i went to mall with my father, bumili kami ng Hot-Cold Water dispenser. Luma na kasi ang defective na yung dating dispenser namin. Ayun.. nabasan na naman ang aking kayamanan. Mahal pala ang dispenser huh. Pinakamura yung 5k. Pero maganda naman yung nabili namin. Sabi nung pinagbilhan 5 hours daw muna bago gamitin kasi yung compressor medyo naalog, para daw kasi ref yun. so nung gabi na.. ayun, ginamit na agad.

3. Excited much na ako sa nalalapit na Christmas Party ng engkantadiya, sana maging masaya ang lahat. Dalawang galing abroad ang dumating. Yung isa galing ng Indonesiya, yung isa kakadating lang galing ng Europe. Sayang nga lang yung isa nasa SG pa. At mukhang di talaga makakapunta. Pero kahit wala siya, parang kasama na din namin siya.

4. Mukhang nagalit sa akin ang isang kaibigan.. sana tampo lang yun.. di niya ako kamuhian. Biruan lang naman yun, burautan lang.. at wala akong malicious intent. Tawa nga ako ng tawa nung ginagawa ko yun eh. Kung napikon man siya, sensiya na lang.. wala akong masamang intension. At the end of the day, magkaibigan pa din kami. Love you!!!. mwaah.

5. Haays, for the 4th time nasira na naman yung ATM card ko. Di na mabasa ng ATM machine. Defective na yung black strip sa likod. Lagi kasing nadidiinan pag nasa wallet ko, ayun parang nabura na yata yung black strip. One week na naman ang replacement. Haaays. Ang layo pa naman ng main branch kung saan ako naka register at kailangan mag over the counter para makakuha ng pera. Tapos madami pang holidays, sarado ang bank. haaays talaga..

6. Nag start ang simbang gabi last dec 16, never ko pa yatang na kumpleto itong simbang gabi na ito. Usually, hanggang umpisa lang ako. Dec 16, nag simba ako, pag dating ng dec 17, di na ako nagising. hahaha. Next simba ko. dec 21 na, tapos eto di pa ako natutulog, makakapag simba kaya ako mayang 4am? hahaha. gudluck na lang sakin. hahaha Potah!, 2am na hyper pa ako. hahaha

yan lang muna...




Sunday, December 19, 2010

Ipod Shuffle

Last night, tumagay ako kasama ng iba pang engkantos, may pumuntang mga promo girls ng marlboro lights. At first hesitant pa ako kasi may yosi pa naman ako, marlboro lights din kaya lang marlboro lights menthol. yung kulay green. Lumapit sa table namin yung mga promo girls. Nag offer ng 2 packs of marlboro lights gold for Php 100. with free lighter. Since kinantyawan ako ng mga kasama ko na bumili so i did. And surprisingly may raffle promo pala sila. Mga apple products like ipod, iphone, yung isang kasama ko ng bumunot sa bowl para sa akin. Ang Galing!!.. Nanalo ako ng Prize!!!Sayang nga hindi iphone4 ang nabunot eh. Pero ok na din. Ipod shuffle ang nabunot na prize!!! eto siya..

Galing sa promo ng Marlboro Lights!

Thursday, December 16, 2010

It's a Very Very Long Vacation!!!

December 17, 2010, tomorrow, will be our last day of report to work. And we will be back on January 3, 2011, Monday. Yeah.. it's a very very long holiday vacation!!!.. Mamatay kayo sa inggit!!!.. lols. How would I spend my very very long vacation? Hmmmm...  anything goes!!! kung ano maisip gawin bahala na. Ang budget?.. kailangang pagkasyahin. Nampucha!!! wala pa akong nabibiling gifts para sa sangkatutak kong mga inaanak!!!..  Kung magpakita sila.. may gift sila.. kung hindi.. eh di wala!.. Praktikal lang si ninong!!!.. alangan ba naman ako pa pumunta sa mga bahay nila no!!!

My eldest godson is already 22 years old.(take note!! gwapo itong inaanak kong ito ah). Pero kailangan pa ba niya ng gift? hahaha  Ang may youngest goddaughter naman is about 4 years old.. anak ng bunso kong kapatid. To sum up all of my inaanak... aabot sila ng humigit kumulang na 40+... tsk tsk tsk!!. Patay ang budget ko nito pag nagkataon..



Sunday, December 12, 2010

Mahirap...

Sa lahat ng ayaw ko yung pinapipili ako sa dalawang bagay o tao na parehong gusto ko at mahal ko. OO mahirap. Sobrang hirap mag decision. Pero kailangan. Para sa ikatatahimik ng kalooban. Para walang masaktan, wala akong pipiliin sa kanila. At narealized ko.. hindi lang pala sila ang nakapaligid sa akin. marami pa palang iba.  Oh well kung saan sila masaya bahala sila. Matatanda na sila at may sarili na silang pag iisip. 

Saturday, December 11, 2010

Sad.. but TRUE..

"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt,malandi, pa-fall o paasa." 


haaayss...

Wednesday, December 8, 2010

Para Sa'yo!

Ei...

Halos mag iisang taon na din pala ang nakalipas. Isang taon na din nung uwi ka dito sa Pinas. Madami na din ang nagbago sa atin. Sa pakikitungo mo sakin, sa pakikitungo ko sayo. Matapos ang nangyari sa atin nung bago ka umalis at nung nagkausap tayo sa chat nung ikaw ang nagbalik diyan sa kinaroroonan mo. Madami na nagbago.
Tinatanong ko nga sarili ko kung nagsisisi ba ako sa nangyari sa atin eh. Yeah, medyo. Nagsisisi at the same time nanghihinayang. Nagsisisi kasi, bakit ganun ang nangyari sa atin. Hindi naging successful ang ugnayan nating dalawa. Nanghihinayan kasi, hanggang doon lang pala matatapos ang ating pagkakaibigan. Kung hindi sana tayo natapos last year eh di sana mag  6 years na sana tayong magkaibigan ngayon. Well siguro ganun lang talaga ang buhay at hanggang doon lang talaga tayo.

Ngayon, malapit na naman ang Pasko, for sure maalala mo ako.. at ngayon nga naalala kita. Pero wala eh. hanggang alaala na lang tayo. Hindi nga natin magawang magkamustahan man lang eh. Alam ko nakikita mo ako lagi na naka online. pero di mo magawang batiin man lang ako. Pero ok lang naiintindihan ko.. somehow its my fault. Kasalanan ko din eh. Pero alam mong may fault ka din. Kilala kita.. ma pride kang tao. Pero yun nga.. hindi mo man lang akong magawan batiin man lang. (asa pa ba ako?)

Anyway, wherever you are, whatever you are doing, i just hope masaya ka at you're doing fine. Ingats ka na lang lagi, at huwag mong pabayaan ang sarili mo.  Merry Christmas na lang sayo..

Kaibigan...


Fox


Sunday, December 5, 2010

Funny Video (again)



Ive got this from Facebook. Watch this.. funny.. Lols!