Been busy lately.. daming ginawa.. daming nangyari.. pero good thing.. i still manage to keep myself composed. Daming inisip, daming pinag kaabalahan, daming taong nakasalamuha. Here are some ramdon thoughts (again) na pwede kong balik balikan if ever..
1. Lapit na ang christmas, pang ang bilis bilis ng takbo ng panahon. kelan lang, nag UNDAS (November 1), ngayon.. patapos na ang buwan ng nobyembre. (Bonifacio Day na nga Bukas ,Nov. 30)Sabi nga nila pag tapos daw ng UNDAS, Christmas naman ang pagkakaabalahan ng mga tao. Maagang naibigay ang aming BONUS, ayun... awa ng Diyos.. Paubos na! hahaha.
2. Nag start na ulit akong pumasok sa Graduate school. 6 units lang ang kinuha ko (2 subjects) kaya medyo petiks lang. Hindi ako kumuha ng full load (9 units) sigurado yan pag dating ng march, sasabay ang finals sa activities namin sa work. Ngarag na naman ako nito pag nagkataon. Kaya ayun, 2 subjects lang kinuha ko. And good thing, when i was given the topic to be reported in class, ayun.. sa March 12, 2011 pa ako mag rereport. Oh diba, tagal pa, dami pang time mag research.
3. Inspired akong mag patuloy ng aking Graduate Studies, lalo pat nakakuha ako ng flat 1 sa isa kong subject. Ewan ko lang sa ibang subjects. hahaha.. Pero confident naman ako na maganda din grades ko. Sana!.. hehehe
4. Dalawang bagong nilalang from cyberworld ang naging kaibigan ko at naging part ng barkadahan. Si Jc, at si Karps short for Karpentero (ayaw pabanggit ang name niya eh). They are good naman. Madaling nakagaanan ng loob. I just hope we could have more time with them. Lalo na si Karp na medyo malayo pa ang pinaggagalingan.. at sana mag enjoy sila sa company namin.
5. Hindi all the times laging masaya sa barkadahan, may times din na medyo nagkaproblema kami. Isang issue ng pagkakaibigan ang naging dahilan. Pati ako nadamay, though naintindihan ko naman kung bakit naging ganun. At mabuti na lang, naagapan ko agad at napagpaliwanagan ng mabuti. Konting time pa and later on, maayos din ang lahat.Natural lang siguro sa magkakaibigan ang pagkakaroon ng samaan ng loob. But sooner or later everything will be alright. Pasko na.. dapat magmahalan ang lahat diba?
6. Last night i had the chance na makasama/makabonding si bunso. For a long time medyo matagal na yung last time na kami ay lumabas.. na dalawa lang kami. We had joy, we had fun, we had season in the sun!.. (ay kanta pala yun! hehe). Two nights ago pa kasi nag aaya ng inuman yung bunso namin.. kaso mga busy busyhan ang mga kuyas niya. Kaya ayun.. sinamahan ko na lang. Kakatuwang isipin, si bunso na matagal ko na ding nakasama.. And i considered him already at my younger brother. (wala kasi akong kapatid na lalaki na mas bata sakin) kaya mahal na mahal ko yang bunso namin.
7. Kanina, i had the chance also na maipasyal sa mall ang parents ko. (dakilang driver ako btw! hehe) We went to a newly opened SM City Novaliches. Though di naman kami masyadong nag tagal, kain lang ng medrienda, ikot ikot, Observe observe, and i realized, maliit lang pala ang mall na yun. Walang sinabi sa SM Fairview na madalas naming puntahan. So yun, enjoy naman kami sa pamamasyal kahit paano.
8. Bukas, pasok na naman, tapos na ang LONG WEEKEND ko. Pahirapan na naman sa pag travel nito. Kailangan maaga akong umalis ng bahay kundi, abutin na naman ako ng trapik nito. Ganito lagi ang eksena sa lugar namin tuwint start ng week. Parang lahat yata ng tao at mga sasakyan ay lumuluwas papuntang manila. Ang laki ng volume ng mga vehicles ang bumibiyahe tuwing start ng week.
so there, and random thoughts ko... bow!!