Tuesday, July 20, 2010

Ang "straight" kong kaibigan....(muling pagkikita)

After the first meet up akala ko yun na ang first and last. Ugali ko kasi na kapag nakipag meet ako, hindi ako yung unang nag tetext para mangamusta. Kahit pa sabihing trip ko yung tao never akong nagtetext agad para mangamusta. Baka isipin niya atat na atat ako sa kanya no.. In the first place hindi ako ang unang nag message sa kanya sa site na yun. And after ng meet up, it will serve a test din yun kung trip din niya ako. Pag di na siya nag text.. that's the end of it!

Pero kinabukasan, while I was on my work, tumunog ang cp ko. When i looked at it kung sino nag text. It was from him... ang "straight" kong kaibigan. " pre musta? ano gawa mo? nakauwi ka ba ng maayos? putcha! ang sakit ng ulo ko.. sa cr na ako nakatulog! hahaha." Oh well.. nag text siya.. ibig sabihin tuloy pa din ang uganayan para sa aming dalawa. "Uu pre.. nakauwi naman ako ng maayos, halos wala pa din akong tulog, 3am na ko nakauwi sa bahay" reply ko sa text niya.

Nasa work ako that time kaya sabi ko sa kanya later na lang kami nag text. Then when i was about to go home, nagpatuloy ang aming text text mode.. kulitan.. asaran sa text.. ganun naman siya kahit sa personal.. makulit.. mapang asar.. mapang lait.. hahaha..

"May lakad ka ba sa friday night?" biglang text niya sakin.

"Wala naman.. pero di na kasi ako lumalabas ng friday night eh, usually saturday night na.. why ask?" tugon ko sa tanong niya..

"Tagay tayo ulit?..

"Huh? nanaman? wala pa akong budget pre.. sabi ko naman sayo.. pag tumagay ulit tayo ako naman ang taya.. pero not now.. wala pa talaga akong budget"

"Ok lang yun no.. ako bahala.. tsaka.. i need to go out.. may bisita tita ko dito sa bahay.. wala akong pwesto dito.. at kung pwede pre diyan na lang ako sa place mo tumuloy after natin tumagay"

"naku pre.. di pwede dito.. wala ding pwesto tsaka di ako nagdadala ng strangers o ibang tao dito sa bahay namin.. dami silang tanong.. mahirap magsinungaling hahaha".

Sa totoo lang di ko ugaling magdala ng taong nakilala ko lang dito sa cyber para patulugin or kahit ano dito sa bahay namin. Mahirap na.. delikado. Pero sa isang banda na isip ko.. may halong pagtataka, kung sinasabi niyang straight siya. bakit gusto niyang makitulog sa bahay namin at natural na magkatabi kami ng higaan. what if.... alam naman niya kung ano ako at anong klaseng sekswaliad meron ako.

"pre Hindi tlaga pwede.. if you want mag check in ka na lang sa hotel overnight, mgakano lang naman yun wala pa yatang P500 yun." suggestion ko sa kanya

"Nyek! wala akong idea at di ko pa na try yun pre.. ayaw ko" reply niya.

"ikaw bahala, sino ba walang tutulugan ikaw ba o ako? hehehe " pabirong sagot ko

"ihatid mo na lang ako sa hotel tapos uwi ka na lang" tila yata nagbago ang isip ni mokong.

" mas mabuti pa nga.. tsaka di rin ako pwede ng overnight kasi maaga pa pasok ko kinabukasan" tugon ko sa kanya.

Lumipas ang ilang araw... nagpatuloy ang aming pag titext.. kamustahan... lokohan.. biruan.. paminsan minsan nag uusap din kami sa YM kapag pareho kaming online.

Thursday ng hapon.. habang magkausap kami sa YM..

"pre, tuloy tayo bukas ah".. sabi niya sakin sa YM habang naka open ang webcam niya. Iba hitsura niya sa webcam kesa sa personal..

"Uu pre.. usapan na yun eh.. yeah tuloy tayo, pero agahan na lang natin para maaga din tayong matapos" reply ko sa sinabi niya..

"what if kung samahan mo na lang ako sa hotel.. doon ka na din matulog? magdala ka na lang ng extra tshirt mo at dumercho ka na lang doon sa pupuntahan mo.. kakahiya naman kasi sayo kung dahil lang sakin mali late ka sa pagpasok" ...

Patay... sabi ko na nga ba eh.. mukhang kaduda duda talaga itong "straight" kong friend na ito. Ano naman kaya naisip nitong mokong na ito at biglang naiba ang usapan?..

Ano na naman kayang dahilan ang sasabihin ko sa bahay nito? Bakit di ako uuwi? Saan ako makikitulog?... Sa kagustuhan kong malaman kung anong level talaga ang pagka "straight" nitong mokong na.. naku curious talaga ako.. ayun napapayag niya ako. Ahh teka.. ano nga bang magandang dahilan? esep esep.. ahh alam ko na...

Friday... pagkatapos ng work ko.. sakto ay meeting akong pupuntahan.. aabutin ng 5pm.. kaya ok lang.. usapan naman namin ay magkikita kami ng 6pm sa Megamall... saktong oras lang. pagkatapos ng meeting ay direcho na agad ako sa megamall. Nagtext ako sa bahay.. nagdahilan.. kung ano ano..di ko na inaasahang mag reply sila.. alam naman nila na kaya ko sarili ko.. kaya direcho na agad ako sa aming tagpuan.. hahaha..

Sa megamall.. nauna akong dumating. Ang mokong paalis pa lang daw ng bahay.. nampotah.. 6pm ang usapan.. mag si six na paalis pa lang daw siya ng bahay.. eh san ba siya manggagaling? sa tanya ko aabutin ng isang oras ang biyahe niya.. haaays.... ano pa nga ba gagawin ko kundi mag hintay..

Dumating si mokong almost 7pm na.. naikot ko na yata buong megamall. nilibang libang kesa naman tumunganga ako sa kakahintay sa kanya. Nag text si mokong.."dito na ko.. saan ka na?"..

Nagkita kami sa main entrance ng building B... kakaiba sa una naming pagkikita.. na naka maong at poloshirt siya at may cap, this time naka longsleeves ang mokong.. "galing kang binyagan? ninong?".. pag aasar ko sa kanya.. hahaha.. "wala na kasi akong maisuot. puro nasa labahan ang mga damit ko kaya eto na lang isinuot ko" pangagatuwiran niya..

INaya ko muna siya na mag dinner... imbes na sa megamall kami kumain.. doon ko na siya inayaa kung saan malapit ang aming pag iinuman... sa likod ng starmall... dinner dinner.... napag alaman kong mahilig pala siya kumain ng gulay.. especially.. talong.. hahaha... (hmmm... napaisip na naman ako)..

tapos naming mag dinner nagtungo agad kami doon sa place kung saan kami iinom.. Kung nung una.. redhorse ang aming binanatan.. this time.. iba... Zombie daw ang tawag.. siya ang umorder. Parang gin pomelo lang ang lasa.. pero vodka at pomelo daw ang combination nun.. hmmm.. masarap naman.. para ka lang umiinom ng juice.. di masyado lasa yung alcohol.. sige shot lang ng shot..


May isang engkanto ang nag text.. "dadi.. nasan ka?"... bago pa man kami mag meet nitong mokong na ito.. may usapan na din kasi kami nitong engkanto na ito na tatagay kami... para pareho kong mapagbigyan. pagsasabayin ko na.. meaning.. handa na kong ipakilala itong mokong na kasama ko sa mga engkantos..

"dito ako sa likod ng starmall... punta ka na lang dito".. reply ko sa nag text..

"antay ko pa si papa T.. punta na kami diyan... si papa Jc tinext ko na susunod daw.."

" ahh sige.. text na lang pag dito na kayo".. reply ko sa kanya..


After mga 30 mins.. dumating ang dalawang engkantos.. magkasabay silang dumating.. di gaanong familiar sa lugar.. na tila nangangapa.. bukod tanging ako lang kasi ang nakakaalam ng lugar na iyon kaya kailangan pa nilang manghingi na direction.

Kung kanina ay panay ang kwento ni mokong.. nang dumating ang dalawang engkantos ay bigla itong natahimik.. nag mamasid.. nakikiramdam.. na tila inoobserbahan ang dalawang dumating..
"Hoy, natahimik ka na diyan.. ok ka lang ba?" paniniguro ko sa kanya.. dangan kasing kung kelan parating na ang dalawang engkantos ay tsaka ko lang siya nasabihan na may makakasama kaming dalawa sa inuman na mga ka tropa ko.. though aware naman siya na mga kadugo ko ang mga makakasama ko, at sinabi din naman niya na sanay na siya sa mga katulad ko.. kaya ok lang siguro na makilala niya ang mga ito.

sa takbo ng usapan.. mukhang nakaka jive in naman si mokong.. nakikipag kwentuhan na siya sa dalawang engkantos na kaharap niya.. Yung nga lang.. itong isang engkanto na katabi niya ay sadya yatang matanong.. mahilig mag interview.. kaya ayun.. todo interview ang ginawa sa kanya hehehe... di ko lang masyadong pinansin at inalam kung ano naging takbo ng kanilang usapan. Maya maya ay dumating na din ang isa pang engkanto.. si bunso.. at tinext ko na din ang isang engkanto na nag wowork around the vicinity lang.. at dumating...

Umiral na naman ang pagka embudo nitong isang engkanto na ito ang nag order na naman ng sandamak mak na San mig Light.. though.. red horse talga ang gusto ni mokong.. pero no choice siya kundi makinom na din ng SML..

Isang dahilan na kaya din nag aya ng inuman itong engkanto na ito ay parang despedida na pala niya... mangingibang bansa at doon na mangwowork.. biglaan daw.. kaya di niya niya nagawang magtawag pa ng ibang mga engkantos. at nataon pang doon sa lugar na iyon niya na i announced.. kasama si mokong.. kakalungkot lang at isang engkanto na naman ang mawawala pansamantala.. pero i know in his heart.. engkantadiya will always have a very special place in his heart.. (tama na drama.. lasing lang ako... tuloy tayo sa kwento)..


Matapos ang aming inuman.. mga around 1am na yata yun.. sakay kami ng taxi patungong cubao.. kung saan kami mag checheck in. Shit!!! super dyahe na pala ngayon mag check in!!.. hinahanapan na pala ng ID ngayon ang mag checheck in.. No choice.. wala akong ibang ID.. kaya drivers license na lang ipinakita ko. Kailangan siguro gumawa ako ng Fake na ID.. just in case. Sabay kaming nakaharap sa reception area.. sakin ang ID siyempre sa kanya ang pambayad. Pagkaabot ng susi ng room.. Punta agad kami sa elevator.. Ting!... 6th floor... lakad lakad... sa bandang kaliwa.. nakita agad ang room na nakasulat sa labas ng pinto.

Lasing ako that time.. umiikot ang aking paningin.. naghubad lang ako ng aking pants at tshirt.. since naka boxer shorts naman ako.. sumalampak agad ako sa kama. "Pre.. alis muna ako.. puntahan ko lang mga tropa ko.. magpapakita lang ako sa kanila saglit"... sabi ni mokong habang nag aayos na sarili sa harap ng salamin..Di ko na masyadong pinansin ang kanyang sinabi... antok na antok na ako.. Di ko na nga namalayan na umalis na pala ang mokong..

Mga isang oras yata ang lumipas.. nakadinig ako ng kaluskos... si mokong.. dumating na pala. at busy sa pag kain ng balot.. "pre.. kain ka ng balot oh.. dami kong binili." Medyo naalimpungatan ako.. at nasa tamang katinuan na.. nawala na din ang pagkalasin ko. "san ba nag iinom mga ka tropa mo? sabi mo sandali ka lang? ang tagal mo ah" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya na kumakain pa din ng balot.. 3 balot na daw ang nakain niya. "dyan lang sa malapit pre.. kainin mo na itong isa oh habang mainit pa."

Bumangon ako upang mahilamos mag mumog kahit paano.. pag labas ng CR.. binuksan ko ang TV.. nanood ng kung anong palabas.. Habang siya naman ay nagliligpit ng balat ng balot na kanyang kinain at maya maya ay naghubad na siya ng damit.. pantalon at kanyag longsleeves.. naka boxer shorts din pala ang mokong... hmmmm.. medyo chub siya.. pero broad naman ang shoulders... malaki naman ang kanyang muscles sa dibdib.. "matutulog na ko.. patayin mo na yang TV... pati na din ilaw.. di ako sanay matulog nang bukas ang ilaw".. sabi niya ...sumampa siya sa kama at nahiga.



===============================

hmmmm.... sensiya na mga readers.. di ako marunong mag kwento ng mga erotic scenes... bata eto lang ang nadiscover ko... hindi siya totally "straight" as what he claims. hehehe.. And one thing.. astig!!!!.. may piercing siya down there.. yung parang nilalagay sa tongue.. imagine niyo na lang how it looks like.. hehehe

===============================

and after that... the friendship continues... nag tetext pa din siya.. kamustahan.. kulitan.. asaran pa din sa text.. In fact.. nag aaya pa nga siya ulit tumagay...






Saturday, July 17, 2010

Ang "straight" kong kaibigan....

Last sunday morning while doing my habitual thing.. ang pag oonline, nakadaupang palad ko sa isang site ang lalaking ito. Nakalagay sa kanyang status is "friend" so expected na yun lang talaga ang hanap niya. Di ko nakaugalian na may message sa kung sino sino. kaya madalas sa hindi.. wala akong nakakausap kung wala akong imi message. Pero sa kadalasan na sila ang unang nagme message sakin.. na sa kasamaang palad eh usually SEX lang ang gusto.

Isang kakaibang intro sa message ang aking natanggap mula sa isang lalaki na ayun sa kanyang status na bukod sa friends lang ang hanap ay may nakalagay na "NEW".. ibig sabihin ay bago lang siya sa site. Ganito ang intro ng kanyang message na pinadala sa akin. "Umiinom ka ba?"

Gusto kong burautin at sagutin ng ganito.. "uu naman.. natural umiinom ako.. eh di sana patay na ako kung di ako umiinom!" hahaha Pero nasa katinuan naman ako kaya sinagot ko siya ng maayos at nagets ko naman agad ang ibig niyang sabihin. Kung umiinom daw ako ng alak. Kaya sinagot ko ng maayos.. Sabi ko "oo.. umiinom ako.. why ask?"

Sa kalaunan.. napunta kami sa Yahoo messenger.. at doon pinalawig ang aming usapan. Tanong ng kung ano ano.. tungkol sa kung saan saan. Sa takbo ng aming usapan.. napag alaman kong isa daw siyang "STRAIGHT".. ano daw? straight daw siya? Haller!!.. nasa isang GAY ORIENTED SITE siya.. tapos sasabihin niyang straight siya? Anyways.. mahabang kwento pa ito...

Umaga ng sunday kami unang nagkakilala sa chat.. then.. pag dating ng hapon ay nag aaya na siya ng inuman. Tinanong ko siya kung bakit niya ako inaaya ng inuman. Gusto lang daw niya lumabas at nabuburo na siya sa bahay. Wala ang ibang mga katropa niya at nasa work daw lahat kaya wala siyang makasama sa inuman. Tinanong ko din siya kung bakit sinasabi niyang straight daw siya at bakit doon siya sa site na yun tumatambay. Ayun sa kanya.. hindi daw siya ang gumawa ng account niya doon. Cousin daw niyang babae ang gumawa.. na itong cousin niya ay madaming friends na bi or gays. Binigay lang daw sa kanya ang account name at password at kaya siya nag online doon. Hmmmm... parang di nman acceptable ang kanyang explanations..

Sa pag chachat namin.. nag open siya ng webcam.. and he invited me to see him on cam. Well... mukha naman siyang mabait.. at may looks naman kaya ok lang.. At sa pag uusap namin... nabanggit ko sa kanya kung ano ako.. at anong klaseng tao ako.. Tinanong ko siya kung ok lang ba sa kanya na kahit "straight" siya ay magkaroon siya ng friend/tropa na gaya ko. Sagot naman niya ay ok lang daw.. sanay na daw siya sa mga tulad ko. Katunayan ay madami daw siyang mga friends na may malala pa kesa sakin. May tibursho pa nga daw eh.. at yung iba pa nga daw ay mga crossdressers pa daw... Hmmmmm.. parang lalo akong naiintriga sa pagiging "straight" niya huh..

Napagkasunduan namin tumagay nung araw ding yun. 6pm ang usapan naming magkikita. Takte!! sunday kaya yun.. nag dalawang isip ako kung papayag ba ako o hindi.. may pasok ako kinabukasan at di ako talaga usually na lumalabas pag sunday. But anyway.. since naiintriga ako sa kanya.. ayun sa kakapilit niya eh napapayag din nya ako. Siya naman daw bahala sa gastos.. gusto lang daw niya talaga uminom.. kaya... "sige.. bahala ka.. see you later.. 6pm.." lang ang naitugon ko. Nagpaalam muna ako at matutulog sandali para kapag nagkita kami maya ay may lakas ako.. inuman to.. kaya dapat may lakas.

Sa totoo lang di naman talaga ako natulog. Nag log out lang ako para makapag pahinga ng konti at mag ayos ayos ng mga bagay bagay dito sa aking kwarto. Saktong umulan ng malakas at naligo na din ako sa lakas ng ulan. Bago sumapit ang 5pm... nagtext ang mokong. "Gising na.. malapit na mag 6pm.." Sa isip isip ko.. excited ang mokong sa aming pagkikita. Mga dalawa at tatlong beses yata siya nagtext ng ganun. Sa totoo lang.. wala akong balak i meet siya. Bukod sa malakas ang buhos ng ulan.. wala talaga akong budget. Kakahiya namang lumakad na P200 lang ang dala kong pera. Pero sa kakapilit niya sa text..kalaunan nagreply ako at sinabing nag peprepare na ako at paalis na din ng bahay.

Saktong 6pm nang dumating ako sa lugar na aming usapan. Nagtext ako para ipaalam na ako ay dumating na at tanungin kung nasaan na siya. "hey, dito na ako.. san ka na?". Sa pagkakaalam ko mas nauna pa siyang dumating at nagsabi siyang antayin na lang daw niya ako pero wala akong makitang nag aabang sakin. Nagtext ang mokong.. "San ka na? ano kulay at suot mong damit?" Usual na tanong ng taong nagkikipag EB.. "Maong pants.. Poloshirt na gold" tugon ko. "hala... pwede pala kitang isangla niyan hahaha?" malokong tugon ni mokong. " Black pants at white tshirt suot ko"..

Medyo inabot na ako ng almost 15 mins wala pa akong nakikitang ganun ang suot. "san ka na ba? kanina pa ako dito wala naman akong makitang naka maong at white tshirt ah" text ko sa kanya. Mukhang nang i istir lang tong mokong na to.. "Kung may balak kang mag one way sakin.. goodluck na lang sayo.. nag aaksya lang ako ng oras sayo" matapos kong isend ang huling message ko, biglang may lumapit na isang lalaki... Nakastriped na tshirt at maong pants.. nakangiting sinabi..."eric?".. tiningnan kong mabuti ang kanyang mukha.. si mokong pala.. Sa totoo lang mas appealing siya sa personal kesa sa webcam...."white tshirt at black pants pala huh!! tsk tsk"... balak mo akong i oneway no? haaays..

Tawa ng tawa ang mokong... samantalang ako medyo seryoso.. inis ng konti. Sa lahat ng ayaw ko yung sinusubukan ako. Hindi kawalan sakin kung ako man ay i oneway.. Hindi ako manghihinayang sa taong nakipag meet sakin tapos ni anino man lang ay di ko nakita. Naniniwala naman ako sa salitang Karma.

Nagtungo kami sa isang maliit na KTV bar na malapit sa lugar kung saan kami nagkita. Ayun sa kanya ay doon daw sila madalas tumambay ng kanyang mga katropa. Sa bandang sulok kami pumwesto. Isa lang napansin ko.. Sa lahat na mga taong pumapasok doon.. mukhang kami lang yata ang medyo maayos ang pananamit. Yung iba naka sando.. shorts.. at tsinelas.. na mukha doon lang yata sa tabi tabi nakatira at nagpapalipas ng oras.. Sa isip isip ko.. ok lang. nasa sulok naman kami eh. Umorder agad siya ng 2 bottles ng redhorse. Patay.... redhorse.. madali pa naman akong malasing sa redhorse... at nag umpisa na ang aming kwentuhan.

Sa pagpapatuloy ng aming kwentuhan na naumpisahan namin sa YM.. napag alaman kong siya pala ay broken hearted. Iniwan ng kanyang GF matapos ang kanilang 8 years na relationship. Ipinagpalit daw siya sa isang probinsyano na nakilala ng kanyang GF at ito ang naging dahilan kung bakitito umuwi ng zamboanga. At nagkataong hindi available ang kanyang mga katropa nung araw na iyon kaya ako ang napili niyang ayain. "Tanong lang pre.. sa dinami dami ng tao sa site, bakit ako ang napili mong ayain?" tanong ko sa kanya. "Ang daming nag message sakin kanina sa pero lahat sila puro sex lang ang gusto, bukod tanging ikaw lang ang nakausap kong matino" tugon niya. Sa totoo lang kasi di ko naman ugaling mag message sa mga tao sa site para lang maghanap ng makakasex. "Nakwento ko naman sayo kung ano pagkatao ko diba? kung ano ang sexual preferences ko. Ok lang sayo?" muling tanong ko sa kanya. "Ok lang no!! ano ka ba.. sabi ko nga sayo, sanay na ako sa mga tulad mo. Madami din akong mga kaibigan na mas malala pa sayo, may mga crossdressers at tomboy pa nga eh. kaya dont worry sanay na ko."

Matapos ang 2 bottles ng redhorse.. order pa ulit siya ng another 2 bottles... another 2 bottles.. and another 2 bottles.. Putcha!.. gusto talagang lasingin ako nitong mokong na ito. Baka totohanin niya yung biro niya sakin na pag nalasing daw ako ay sa presinto daw niya ako papatulugin. Biro man iyon pero sa totoo lang natatakot din ako. Total stranger itong kasama ko. Ngayon ko lang nakainuman. Wala akong dalang pera, what if kung wala din siyang pambayad.. Patay akong bata ako! Nagtiwala ko masyado sa sinabi niyang siya daw ang sagot. Dumating pa sa puntong bigla na lang siya nawawala sa paningin ko habang busy ako sa pagtetext sa pag aakalang iniwan niya na ako, pero yun pala ay nagtungo lang pala siya sa CR para magbawas ng tubig sa kanyang pantog. Sabagay, naiwan naman yung kanyang yosi at lighter pati na yung binili niyang DVD sa tabi tabi. Kaya pinagsabihan ko siya na magpaalam naman siya kung aalis siya.

Sa tantya ko nakaka 22 bottles na kami ng redhorse. Namputcha!!.. lasing na talaga ako.. pinilit kong tumayo at magpunta sa cr para sumuka. Pilit kong ipinasok sa lalamunan ko ang daliri ko nang sa gayon at masuka ako at mailabas ko ang alcohol na sa tingin ko ay abot na sa aking esophagus na sa isang kanti lang ay bubulwak na. Naisuka ko nga ang certain portion ng lahat ng nainom kong beer.. kaya kahit paano ay nahulasan din naman ako. Samantalang ang kasama ko na naghihintay sa aming pwesto ay busy din sa pagkanta sa videoke. Marunong din naman kumanta kahit paano ang mokong.

Pagbalik ko, medyo ok na ang pakiramdam ko.. nabawasan na din ang akong pagkahilo. Sa tingin ko kay mokong ay di na din kaya. Sabi ko sa kanya, kunin na namin ang bill namin at pasado ala una na ng madaling araw. May pasok pa ako kinabukasan. Napansin kong nagpapawis ang kanyang ilong. Kumuha ako ng tissue paper at aktong pupunasan ko na sana ang kanyang ilong nang biglang "BWAAALK!" langhiya!!! di na nakapagpigil.. sumuka ang mokong. Nagkalat ang kanyang suka sa table.. sa floor... Eeeeeew talaga!!!.. Sinenyasan ko at sinabihan ang waitress para kunin na ang aming bill at kumuha ng basahan para linisin ang sukang nagkalat.

Dumating ang aming bill.. tumataginting na almost P800 ang lahat ng aming inorder.. kinakabahan ako.. what if kung walang pera itong kasama ko na halos gumapang na sa kalasingan.. ano na lang ang mangyayari sa amin. Hindi ko yata inisip na maghugas ng plato sa KTV bar na yun.. and worse matulog sa presinto. Pinakita ko kay mokong ang aming bill at sinabing bayaran na niya nang kami ay makaalis na. Gusto pa daw niyang umorder na beer. "Langhiya. may dalawang bote pa ngang natitira oorder ka pa sumuka ka na nga eh. Bayaran mo na para makaalis na tayo." Biglang nabunutan ako ng tinik at nawala ang kaba ko nang bumunot siya ng wallet niya at inilabas ang P1000 bill... syet.. mapera pala ang mokong. Habang naghihintay ng sukli.. inayos ko ang kanyang kalagayan.. pinunasan ko ang pantalon niya sa may bandang hita..nasukahan...gamit ang isang tambak na tissue na iniabot ng waitress..

Nang dumating ang sukli.. inalalayan ko siyang tumayo.. "naks.. parang tatay na tatay ang dating mo pre ah" nakangising umakbay sa akong balikat. "siyempre naman.. alangan ba naman pabayaan kita na gumapang palabas dito" tugon ko sa kanya.. Magkaakbay kaming lumabas ng bar patungo sa kalye kung saan kami nag abang ng masasakyan pauwi.

"pre.. diba malapit ka lang dito? ihatid na lang kita tapos bahala na akong umuwi" sabi ko sa kanya habang naglalakad. "Hindi pre.. sa iba ako uuwi.. sarado na doon sa bahay namin.. tsaka masikip doon wala akong tutulugan" ...tugon ni mokong.. "ahh daming bahay ah.. san ka ba talaga umuuwi? sige para na tayo ng taxi ihahatid na lang kita" sakto along the way lang pala ang mokong kung saan ako dadaan. Sakay ng taxi habang binabagtas ang kahabaan ng congressional ave.. nakaakbay pa din ang mokong.. at hinihimas himas ang kaliwang braso ko. napaisip ako.. what if kung sa motel ko dalhin ang mokong na ito.. daig pa namin ang magjowa sa pwesto naming iyon.. ang sweet.. pero hindi.. hindi pwede. baka mag scandalo si mokong pag andun na kami.. tinitimbang ko pa siya.. di pa ako sure kung talagang may certain percentage siya ng pagka bi.. kaya hayaan ko lang muna siya. Dumating kami sa lugar kung saan niya sinabing nakatira siya. Mukhang familiar naman ako sa lugar kaya madali kong na i guide ang mamang driver. Bumaba na si mokong at hinintay kong makapasok siya ng gate ng bahay tska ko sinabihan ang driver na dumirecho naman kami sa aming lugar. at sakto yung dala kong pera na pambayad sa taxi at nakauwi naman ako sa bahay ng maayos. And it was almost 3am.. namputcha.. 7:30 ang pasok ko.. i still need to travel by 6:00am...


So there.. Unang pagkikita namin ng "STRAIGHT" kong kaibigan. Sa next blog ko ikukwento kung ano mga kaganapan. Ang muli naming pagkikita..Pagpapakilala ko sa kanya sa ibang mga engkantos.. ang pagpasok namin sa motel/hotel.. ang mga kaganapan sa loob... ABANGAN!!!