Sunday, August 16, 2009

back to gym..

Halos 3 years na din ang nakararaan ng tumigil akong mag buhat ng bakal. Isang dating kaibigan ang unang naging instructor ko. Parents niya ang may ari ng gym at nagkataon malapit lang sa aming lugar ang gym, nahikayat niya akong pumasok sa gym. Noong una, di ko ma gets ang reason kung bakit kailangan pang mag gym, eh ok naman ang katawan ko at di ko na kailangan magpalaki pa ng katawan. Tumagal ang ilang buwang pagpunta ko sa gym, medyo kahit paano na develop din naman ang mga muscles ko, lalo na sa bandang balikat at braso. Pero kalaunan, tinamad na din ako gawa ng pagka busy ko sa trabaho.

Lately, isang kaibigan (RAIN_DARWIN) ang nagbukas ng kanyang bagong negosyo, ang gym. Dahil na din sa isa siyang gym buff, bagay lang sa kanya ang pagtatayo ng ganung klase ng negosyo. Hinikayat din niya akong bumalik sa pag bubuhat. Kahit na malayo ang gym niya, isang motivation din yun para sa akin ang pumunta sa gym, bukod sa reason na gusto kong mawala ang tiyan ko, at mapalitan ng six packs abs ( how i wish sana nga mapalitan ), kaibigan din siya na pwedeng umalalay sa akin. Actually, siya nga ang gym instructor ko. San ka pa, kaibigan mo na.. gym instructor mo pa, tapos, kaburautan mo pa. hahaha o diba, all in one! Tapos yun isa pa naming kaibigan (KNOX GALEN) na gym addict din, magiging instructor ko pa. Dalawa na silang mag mo motivate sa akin na ituloy tuloy ko ang pag bubuhat.

Sa ngayon... nakaka 2 days pa lang ako, ramdam ko ang hirap lalo na mag nagsisimula ka pa lang. Masakit ang buo kong kalamnan, ang mga braso ko, ang hita ko, ang balikat ko pati na din ang dibdib ko. Pero ganun talaga, sabi nga doon sa nakapaskil sa pader ng gym, "NO PAIN, NO GAIN". Kailangan talgang maghirap ka muna para makamit mo ang inaasam asam mong bagay.

I hope, matagalan ko ito at makasanayan ng systema ko ang pagbubuhat. At sa tulong ng mga kaibigan kong sina RAIN_DARWIN at KNOX GALEN, makakamit ko ang minimithi kong ganda ng katawan. Bigyan niyo ako hanggan December, hopefully, may improvement na sa anyo at porma ng aking katawan.


5 comments:

  1. Basta andito lang kami kuya kung gusto mo ng tips sa paggy-gym. See you later. Habol ako pagkatapos ng meeting ko sa work.

    ReplyDelete
  2. basta ako simple lang ulet No PAIN , NO PAIN...hihihihi

    ReplyDelete
  3. kuya, sali naman ako sa group niu.. discreet naman po ako at mabait.. tnx

    ReplyDelete