Wednesday, August 26, 2009

Ang Blog...

Matagal tagal an din akong blogger, since 2007 . I was just encouraged by a friend who is a ablogger too since 2004 pa. At first, since it was new to me, madalas akong nag boblog I write many things from simple experience to a more exciting one. But lately, i find it boring na. Or maybe because wala lang akong maisip na bagay na pwedeng i blog.

Minsan, naitanong ko sa isang kaibigan, ano nga ba purpose bakit tayo nagbo blog? Mag papansin? Maka catch ng attention ng ibang blogger? Ipangalandakan ang mga experiences natin sa buhay na dapat sa atin na lang? Sabi ng isang kaibigan, kaya daw tayo nag boblog eh para daw humingi ng simpatiya sa ibang bloggers na nagbabasa ng blog mo. At isa pang kaibigan ang nagsabi na ang blog daw ay para lang daw sa mga emo. Dito kasi sa blog nailalahan ng mga emo ang kanilang mga damdamin. At isa pa ding kaibigan, dito daw sa blogworld makikita ang sandamakmak na mga pekeng tao. Na ang mga sinusulat mostly ay mga blog na nagbibigay ng good impression sa pagkatao nila. Sa bagay, may point siya. Ikaw ba naman susulat ka ng blog na ikakasira mo? I mean.. mag poproject ka ba ng bad image? Hindi siyempre. Hanggat maari pa good shot ka sa mga readers mo.

Pero ano nga ba ang purpose natin sa pagsusulat dito sa blog? Sa ganang akin, ang pag susulat ko ng blog ay isang libangan lamang. Sinusulat ko kung ano ang kasalukuyang nilalaman ng utak ko. Yung laman ng puso ko. Aminado ako.. minsan emo din ako. Pero hindi para manghingi ng simpatiya or magpapansin. Inilalahad ko lang ang mga bagay bagay.. parang tipong nagkukwento lang. Hindi ako humihingi ng opinyon or suggestion kahit kanino. Basahin niyo mga comment ng blog entry ko. Bihira lang akong mag react sa mga comments ng readers ko. Minsan nakakatawa, minsan, nakaka flatter pero... wala lang.. no comment na lang ako.

Lately, hindi na ako masyadong nagsusulat ng blog entry.. parang nakakatamad na din kasi. Usually.. puro basa na lang gingagawa ko. Minsan, nakakatamaran ko na ding magbasa. Madami akong sinusundang mga blogs, pero sa dami nila, iilan lang ang mga binabasa ko. Mostly kasi, pare pareho lang din ang mga tema ng blogs nila. Palipas oras na lang. walang magawa eh.. kaya basa na lang ng basa..


==================

Disclaimer:

Ang blog na ito ay opinion lamang.. wala sino man ang pinatatamaan. Mag react kayo kung gusto niyo.. Ako ay nagsusulat lamang..

Monday, August 24, 2009

Repost lang... walang maisip na storya..

Liham ni Bebeng



Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak)gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Ro lex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.
Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng


====================

Copy paste ko lang ito sa isang thread ng g4m..

Nakakaaliw basahin. Sa isang simple storya... inilalarawan ang ugali nating mga Pinoy. Gagawin ang lahat ng paraan para lang mapasaya ang mga mahal sa buhay. (close family ties ika nga). Nakakaaliw.. nakakatawa pero totoong nangyayari. Dinaan lang sa isang kakatuwang kwento. Ganyan tayong mga Pinoy. Resourceful, creative at unique!!!

Sunday, August 16, 2009

back to gym..

Halos 3 years na din ang nakararaan ng tumigil akong mag buhat ng bakal. Isang dating kaibigan ang unang naging instructor ko. Parents niya ang may ari ng gym at nagkataon malapit lang sa aming lugar ang gym, nahikayat niya akong pumasok sa gym. Noong una, di ko ma gets ang reason kung bakit kailangan pang mag gym, eh ok naman ang katawan ko at di ko na kailangan magpalaki pa ng katawan. Tumagal ang ilang buwang pagpunta ko sa gym, medyo kahit paano na develop din naman ang mga muscles ko, lalo na sa bandang balikat at braso. Pero kalaunan, tinamad na din ako gawa ng pagka busy ko sa trabaho.

Lately, isang kaibigan (RAIN_DARWIN) ang nagbukas ng kanyang bagong negosyo, ang gym. Dahil na din sa isa siyang gym buff, bagay lang sa kanya ang pagtatayo ng ganung klase ng negosyo. Hinikayat din niya akong bumalik sa pag bubuhat. Kahit na malayo ang gym niya, isang motivation din yun para sa akin ang pumunta sa gym, bukod sa reason na gusto kong mawala ang tiyan ko, at mapalitan ng six packs abs ( how i wish sana nga mapalitan ), kaibigan din siya na pwedeng umalalay sa akin. Actually, siya nga ang gym instructor ko. San ka pa, kaibigan mo na.. gym instructor mo pa, tapos, kaburautan mo pa. hahaha o diba, all in one! Tapos yun isa pa naming kaibigan (KNOX GALEN) na gym addict din, magiging instructor ko pa. Dalawa na silang mag mo motivate sa akin na ituloy tuloy ko ang pag bubuhat.

Sa ngayon... nakaka 2 days pa lang ako, ramdam ko ang hirap lalo na mag nagsisimula ka pa lang. Masakit ang buo kong kalamnan, ang mga braso ko, ang hita ko, ang balikat ko pati na din ang dibdib ko. Pero ganun talaga, sabi nga doon sa nakapaskil sa pader ng gym, "NO PAIN, NO GAIN". Kailangan talgang maghirap ka muna para makamit mo ang inaasam asam mong bagay.

I hope, matagalan ko ito at makasanayan ng systema ko ang pagbubuhat. At sa tulong ng mga kaibigan kong sina RAIN_DARWIN at KNOX GALEN, makakamit ko ang minimithi kong ganda ng katawan. Bigyan niyo ako hanggan December, hopefully, may improvement na sa anyo at porma ng aking katawan.


Saturday, August 8, 2009

Thursday, August 6, 2009

This is funny....


*matindi galit ng writer nito kay PGMA.. lols

MANILA BULLETIN page 20 Aug. 6, 2009