Sunday, May 31, 2009

Close Encounter with a CB...(2nd Part)

"Madalas ka ba dito?" tanong ko sa kanya.

"Bago lang po ako dito kuya. Mga 2 months pa lang po. Galing po kasi ako ng Iloilo" tugon niya bago kumagat ng hamburger na kanyang kinakain.

"Ahh ilonggo ka pala.. pano ka napadpad dito? relative mo ba yung kasama mo sa bahay?"

"sumama po ako sa kaibigan ko, stokwa po kasi ako, gusto kong makipagsapalaran dito sa Manila"

"Bakit nag stokwa ka? Anong napala mo ngayon dito sa manila? " tanong ko habangpinagmamasdan siya.. pansin kong talgang gutom na gutom siya.

"mahaba pong istorya.. basta gusto ko lang po talaga umalis sa amin".

hindi man niya tinukoy kung anong dahilan ng kanyang paglalayas, batid kong may matinding dahilan kung bakit siya napadpad dito sa manila. Tipical na kabataan na naghahanap ng tamang diskarte sa buhay, yun ang nakikita ko ka kanya.

" so sabi mo 2 months ka pa lang dito sa manila, eh di 2 months ka na ding nag ko callboy?" pabiro kong tanong.

"hindi naman po, last week ko lang po sinubukan yung ganitong diskarte. nahihiya na po kasi ako sa kaibigan ko. nagiging palamunin na kasi ako. wala naman akong makitang trabaho, kaya dumidiskarte na lang ako kahit paano"

"so pano ka ba dumiskarte?" ganitong style ba ang pag diskarte mo? gaya ng ginawa mo sakin kanina?" tanong ko habang nagyoyosi.. this time.. naging interesado na ako. Gusto kong malaman kung paano nila ginawa yung diskarte na sinasabi niya.

"dinadaan ko pa sa tingin, pag nakipag titigan sakin... inaasume ko na na gusto niya ako. gusto niya ng trip"

"ganun? bakit nakipag titigan ba ako sayo? saglit lang naman kitang tiningnan ah. Nagulat nga ako sayo eh.. akala ko umalis ka na.. sinundan bumalik ka pa ulit sa CR kanina"

"desperado na kasi ako.. kanina pa akong 3 pm dito, paikot ikot.. wala namang madiskartehan.."

"so nung nilapitan mo ako.. akala mo jackpot ka na?"

"mukha ka po kasing disente, gusto ko po kasi yun mga tipo mo.. yung hindi halata at hindi obvious. nagdadalawang isip nga po ako kung lalapitan kita. kasi baka nagkakamali lang ako.. takot din po ako baka bigla mo na lang akong sapakin eh. hehehe"

"hahaha, natawa naman ako dun.. takot ka pala eh.. bakit nilapitan mo pa ako.. eh what if kung nagkamali ka nga at bigla na lang kitang sapakin?"

"hehehe.. sorry po.. "

"anyway.. matanong ko lang.. magkano ba naman ang presyo mo?" curious na tanong ko..

base kasi sa mga nababasa o nadidinig kong mga kwento tungkol sa ganitong diskarte.. hindi bababa saP1000 ang presyo, lalo na kung may hitsura o gwapo ang callboy.. eh sa tingin ko sa batang to.. ok naman.. may dating naman siya

" ok na po sakin yung pakainin lang ako, tapos kahit pamasahe lang pauwi, abutan mo na lang po ako ng kahit P200 tapos ikaw na po bahala sa place."

bigla tuloy akong napaisip, ang mura naman nitong bata. Kung ikukumpara siya sa ibang callboy, pwede siya presyuhan ng P1500.

"teka, ano naman ang kaya mong gawin sa kama?"

"kahit ano po, basta wag lang akong ibobottom"

"magaling ka bang mag romansa? magaling ka ba sa kissing? nagsasuck ka ba?

"opo, ginagawa ko din yun, para di naman ako mapahiya sa kasex ko"

sa totoo lang.. natetempt ako na subukan siya... pinagpapawisan ako ng malagkit, pero sa kabilang banda, natatakot din ako.. ayaw kong pagsamantalahan ang kanyang kahinaan, batid kong matindi ang kanyang pangangaialangan, pero nainsip ko, hindi ko siya matutulungan sa ganung paraan. at hindi ko maimagine sarili ko na pumatol sa mga kagaya niya para lang magbayad. Desperate move na yun para sakin. Dami naman diyang libre eh bakit pa ako magbabayad, kahit sabihin pang mura lang ang presyo niya. kaya...

"o eto, pamasahe mo.. uwi ka na lang medyo madilim na, hintayin mo na lang yung friend mo, wag ka na gumala at dumiskarte pa" sabay abot sa kanya ng P50.

"Bakit po, ayaw niyo ba?"

"sensya na bro, di ko kaya eh, gusto kitang tulungan, pero hindi sa ganitong paraan"

medyo napahiya yung bata, pero pinipilit pa din niya maging maayos ang pakikipag usap niya sa akin.

"ganun po ba, sige po salamat po dito sa pera, pati na din sa merienda. Pwede po bang makuha number niyo?"

"naku wag na.. malay mo, magkita pa ulit tayo sa ibang araw. Pero i hope pag nagkita tayo, hindi sa ganitong sitwasyon ah"

"nahiya po tuloy ako sa inyo, sige po salamat po ng marami"

lumayo ako sa kanya at sumakay ng jeep pauwi. Sa totoo, hindi ako nanghinayang na walang nangyari sa amin. Naging magaan ang aking pakiramdam at naisip kong nakatulong pa ako sa kanya kahit paano. Nacontrol ko ang sarili ko sa tawag ng laman. Pero masaya akong napaglaban ko ang tukso. Sandali man kaming nagkausap, sigurado akong hindi niya ako makakalimutan.

Habang papalayo ang jeep na aking sinasakyan ay nakatingin pa din sa akin ang binata na kumakaway.


Monday, May 25, 2009

Close Encounter with a CB...

Last week i had this experience, hindi ko expect na mangyayari, though i've been dealing with PLU for almost five years na din.. and i've never encouter this thing.

Madami na akong nababasang kwento ng mga pakikisalamuha ng mga kagaya kong PLU sa kapwa PLU.. san lugar man, especially sa mga malls. Yung tipong pag nagkatitigan ng 3 seconds ang dalawa guys, may ibig sabihin na yun. Ako, tumingin man ako sa isang guy, it doesnt necessarily mean na may pakay ako sa kanya, split second lang, ok na sakin. Makita ko lang o maapreciate yung kagwapuhan niya ok na sakin. Pero minsan, talgang mapanukso ang tadhana, yung tipong pag may tinitigan ako, tila lumalaban ng titigan yung taong tinititigan ko. Pero hanggang doon lang naman ako.. takot din kasi ako sa mga ganung encounters.

Last week, before i went home.. dumaan ako sa mall malapit dito sa amin. the usual thing i do is to go to comfort room para jumingle. Then may nakasalubong akong guy, mestisuhin ang dating, matangkad lang ng konti sakin, matangos ang ilong at maganda kanyang tindig., nagkatinginan kami, palabas siya ng CR ako naman papasok. Direcho agad ako sa cubicle para jumingle..

Pag labas ko ng cubicle para manalamin, nakita ko yung guy na nakasalubong ko sa hallway. Nagkatinginan ulit kami from the mirror. Then after kong maghugas ng kamay, labas na agad ako ng CR.

Pag labas ko ng mall, lakad lakad hanggang makarating ako sa antayan ng jeep. I looked back, nakita ko ulit yung the same guy na nakita ko sa CR na papalapit sa akin. Medyo kinabahan na ako. Hindi kasi ako sanay ng sinusundan ng tao. Experience ko na ito dati, sinunandan ako ng taong mukhang holdaper at suspicious looking guy.

Maya maya, sasakay na sana ako ng jeep then may nagsalita sa likod ko.

"Ei, uwi ka na ba?" sabi nung guy na sinasabi ko.

"huh? bakit? bakit mo natanong kung uwi na ako?" tugon ko

"Trip tayo?" sabi niya

hindi na ako baguhan sa ganung salita, ang ibig ipahiwatig sakin ay kung gusto ko daw ba ng sex, kaya nag pretend akong hindi ko alam.

"Anong trip? anong ibig mong sabihin?" tungon ko na may pagkukunwari..

"sensiya na ha.. nagkamali yata ako ng nilapitan, hehehe" sabi niya na sabay kamot sa ulo.

Bigla ko siyang dinirecho. " Callboy ka ba?"

nakitaan ko siya ng pamumula ng mukha..

"sensiya na kuya, akala ko kasi..." sagot niya

"anong akala? teka mukha ba akong bading? mukha ba akong namimick up?" sabi ko..

"hindi kuya.. tiningnan mo kasi ako eh"

"asus sandali lang naman tayo nagkatinginan eh"

"wala lang... nagbabakasakali lang ako sayo kuya"

medyo namapinsin kong napapahiya na siya sa aming usapan.

"sige kuya, sensiya na po.. " sabay talikod at lumakad papalayo..

"teka, wait lang" pahabol kong salita..

lumingon siya at nakakitaan ko ng pag asa ang kanyang mukha.

"halika nga dito" sabay kaway ko sa kanya.

dinala ko siya sa gilid ng waiting shed at doon kami nag usap

"taga saan ka ba?" tanong ko sa kanya.

"taga bulacan po ako" tugon niya.

"o malapit lang bulacan dito ah"

"oo nga po, hinihintay ko po kasi yung kasama ko sa bahay, diyan po kasi nagwowork sa SM, 9pm pa po ang labas niya"

" 9pm? eh5pm pa lang ah, aga mo yatang naghihitay sa kanya"

" nabobored din po kasi ako sa bahay kaya lumabas na lang ako"

"asus style mo din ah.. sabihin mo naghahanap ka ng customer, sabi ko na nga ba eh callboy ka no?"

"hinde po.. nagugutom na po kasi ako eh wala po akong pamasahe pauwi kaya hinihitay ko kasama ko para sabay na kaming umuwi"

kita ko sa kanyang mata na nagsasabi naman siya ng totoo, mukha nga siyang nagugutom at malamlam ang kanyang mga mata, naisip ko, gusto ko siyang interbyuhin at magtanong ng mga bagay bagay kaya nagpasiya akong ayain siya mag merienda. Saktong may burger machine malapit sa kinatatayuan namin. Inaya ko siya at umorder kami para itake out.

Matapos maka order, umupo kami sa gilid at nagpatuloy ng aming kwentuhan.

------------------------
to be continued








Tuesday, May 19, 2009

Bitter Ocampo

Bitter Ocampo - salitang kolokyal (gay linggo) na ang ibig sabihin ay bitter feeling. Yung bang pakiramdam na ewan.. mahirap i explain.. pero hindi ka aware na nararamdam mo ang ganung feeling pag ikaw ay isang talunan. At kadalasan pag nasa ganito kang feeling, usually puro bad thoughts ang naiisip mo o sinasabi mo.

Saang bagay ba usually na aassociate ang word na ito? Siguro ang best example ay pag galing ka sa isang relasyon na hindi maganda ang wakas. Yung tipong ang isa ay sobrang nagmahal at nasaktan. Then kapag dumating ka sa stage na nag uumpisa ka pa lang na mag move on then, yung partner mo dati ay nakahanap na na ibang karelasyon, doon ka na magiging bitter ocampo. You say bad things about your former partner and to the partner of your former partner.. parang ganun.

What about sa friendship? pwede mo ring bang i associate ang word na ito? Kapag nagkaroon ka ng isang kaibigan, tapos nagkagalit kayo, can you be a bitter ocampo towards him? Pwede diba? Or the other way around, you dati mong kaibigan ay pwede rin maging bitter ocampo towards you.

I have this friend, let's just say.. presently, we're still friend, pero we usually argue on things, usually, about him. Lagi kaming nagdidiskusyon sa mga bagay bagay na maling ginagawa niya, pinangangaralan ko lang siya lagi, itinatama ang mga maling bagay. To the point na nagiging negative na ang dating ko sa kanya... does that mean bitter ocampo na ako kanya? I dont think so.. Kahit kelan, hindi ko ako nakaramdam ng pagiging bitter sa kanya. Kung maging negative man ang dating ko sa kanya, ang motive ko is to let him realize na mali ang ginagawa niya. at tingin ko hindi pagiging bitter yun.

Well, sabi nga ng isang kaibigan, pag ang isang tao eh polluted or corrupted na ang utak, kahit anong advice ang ibigay mo sa kanya hinding hindi na maitatama yun. Kumbaga sa computer, puro corrupted files na ang laman at kailangan na i reformat. Kung ganun lang sana kadali ayusin ang utak na tao, kung narereformat lang sana ang utak ng tao.. matagal na ko na sigurong ginawa.

Sa ganang akin, kung sinurender mo ang sarili mo sa isang kaibigan, at tinuturing mo ang isang tao na kaibigan mo, handa kang tumanggap ng negative critisism mula sa kanya. Maging open minded ka at tanggapin ang katotohanan na mali ang iyong ginagawa. sa gayon, marerealize mo na tama ang kanyag sinasabi.

Kapag ang isang kaibigan ay pinamihasa ka sa mga magagandang salita, to the point na pinapaniwala ka na tama ang iyong ginagawa kahit ito'y mali, hindi siya tunay na kaibigan. Isa siyang kaaway. Hinayaan ka lang, kahit alam niyang mali ang iyong ginagawa. Kinukunsinte ka sa mga bagay na akala mo tama pero mali pala.

Huwag na nating gawin mas kumplikado ang mundo natin na dati nang kumplikado.

Disclaimer:

Alam kong mababasa mo ang post na ito. At alam kong negative na naman ang dating ko sa iyo. Well, wala akong pakialam, blog ko ito, ipopost ko kung ano gusto ko. Reader lang kita. Magcomment ka kung gusto mong mag comment.. bahala ka..

Sunday, May 10, 2009

para sayo inay

Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay!!!

Saturday, May 2, 2009

emo a.k.a. senti a.k.a. drama effect...

Lately, ang daming tao ang nag e emo.. puro emo na lang... well, ganun yata talaga ang mga PLU madaling tamaan ng emo feelings. Bukod siyempre sa mga problems na dumadating sa buhay buhay.. its a natural thing talaga para sa mga PLU ang mag emo.

May bago ka mang inspirasyon, i mean.. in love ka man.. emo ka pa din.. lalo na yung mga sawi sa pag ibig (gaya ko) lols.. super emo din. Haaayy.

Sino ba naman kasi ang nag pauso ng salitang "emo" na yan? Dati "senti" ang word na sinasabi pag nasa ganyang feelings ka.. Kita mo nga naman ang evolution ng words no? Emo emo pa. eh sa madaling salita eh.. nag "drama effect" lang naman lols. Gaya ng mga inlove.. kung ano ano pa mga mga kwento ang pinag sasabi.. gawa gawa pa ng kwento... kung anik anik na ka dramahan. isa lang naman ibig sabihin. in love ka lang naman.

Sabi nga ng isang kaibigan pag in love ka nagiging korni ka daw.. Sige na nga!!! pag bigyan!! in love eh.. wala tayong magagawa. hehehe pero kailangan ba talagang i post sa blog yung mga ganung kwento? (para hindi ko din ginagawa yun eh lols).

in love daw

Pansinin nyo sa mga blogs na nababasa niyo. Kundi inlove yung may ari ng blog, sawi naman sa pag ibig, o kaya feeling reject or neglected, feeling alone, walang kaibigan, haaayy.. and eemo talaga ng mga tao.
Broken hearted daw

Pag sobrang inlove ka.. pati na yata lahat ng details sa buhay mo.. ikukwento mo to the point na parang engot ka na.. korni.. lols.. pero pag broken hearted ka naman. Parang gusto mo nang tumalon sa bangin. Mag boblog holiday kunwari.. tapos sobrang emo.. hindi magpaparandam.. sosolohin ang moment ayaw naman mag share ng sentiments sa mga kaibigan.. Tapos ang mga post sa blog parang feeling niya pasan niya buong daigdig.


Align Centerreject/neglected daw...

At kung rejected ka naman. or neglected haaay sobrang bitter ocampo naman ang mga post mo. at kung ano ano naman ang kabitteran ang pinag sasabi mo sa blog mo.... Haays.. buhay nga naman. Daming ka ek ekan..

Suma tutal niya... kung ano man ang feeling meron ka ngayon. inlove man, or borken hearted, or feeling alone/rejected/neglected.. isa lang ang ibig sabihin niyan.. tao ka.. marunong kang makaramdam. may emotion ka. Wala ka lang naman sanang maging OA. lols..

Disclaimer:

Ang post na ito ay base po lamang sa obserbasyon ng nagsulat. Opinion po lamang. Walang intensyong makasakit nag damdamin ng sino man. Ika nga sa isang kasabihan.. Bato bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.. peace! ;-)