Saturday, October 11, 2008

Life's Reality - getting old..

"one day, all of us will get busy with our lives.. no more drinking sessions, long hours of talk, or even SMS.... Some will get married, wont have time... At such a day, you'll look outside your window and see good old memories flash you by and you'll get a smile with a tear in your eyes and thinking "i wish i could go back..." I sent u this msg because I want to thank you for the memories you left in my life. Thank you for the friendship"
===========================

Isa itong SMS na natanggap ko mula sa isang kaibigan.. Bigla akong nalungkot sa katotohanang "nothing is permanent in this world" Maging sa pagkakaibigan, na "even best of friends part ways".
Sa buhay natin. Samut saring klase ng mga taong dadating sa buhay natin. May dadaan lang, may magtatagal ng konti at may mananatili. Pero yung mga taong mananatili at magiging kaibigan, darating din ang panahon na mawawala din sila. Pero wag naman sana sa lalong madaling panahon. At kung dumating man yung time na yun. Sabi nga sa quotes.. you'll remember the memories with tears in your eyes.

Ngayon sa buhay PLU ko, 3 silang kagaya ko ang malapit sa puso ko. Ayaw kong isipin na dadarating ang time na magkakahiwa hiwalay kami ng landas. Nagkataon lang na ako ang pinaka unang ipinanganak sa kanila. At siguradong sa aming apat. Ako ang unang makakaranas ng ganung eksena. Nasabi ko tuloy, bakit kasi huli na kayong ipinanganak? at nauna ako sa inyo?

Sana lang, pag dumating na yung time na yun, sana, i will smile with tears in my eyes nga. Remembering those happy moments together. Habang naka upo na lang ako sa rocking chair. And i will thank them also for the friendship they shared with me.

3 comments:

  1. May kaibigan ako, pangalan niya ay dodong. Pitong taon na kaming magkatropa. Hindi man kami magkita at magkausap madalas, alam namin sa isa't isa na habambuhay ang aming samahan.

    Ganun din sana ang maging paniniwala mo pinuno.

    ReplyDelete
  2. mugen..

    hope ko naman yun.. na magiging ganun tayo.. yung grupo natin.. kaso.. pag naiisip ko.. hindi ko maiwasang malungkot..

    ReplyDelete
  3. kakahiwalay lang din ng team namin sa work..kahit nagkikita parin kami sa office, malungkot parin kasi iba parin yung dating samahan...

    ano poh yung PLU?

    ReplyDelete