Thursday, July 3, 2008

Pinoy Indi Film...

Lately, nahihilig na naman ako sa panonood ng mga indi film na gawa ng mga Pinoy. At hindi lang ito basta indi film, gay related ito. Una kong napanood ang "Lihim ni Antonio" na madalas kong nababasa sa mga forum. Curiosity ang nagdala sakin sa panonood ng ganitong mga movies.


Isang kaibigan ang nakausap ko sa telepono at napag usapan namin ang mga ganung tema ng mga pelikula. Sakto.. nagkataong mahilig pala siya mangolekta ng mga ganung klaseng movie. At nagmagandang loob naman siyang mag bigay ng kopya. Kaya ayun nakapanood ako for the first time ng mga ganung tema ng movie. Maingat ako sa mga gamit kaya matinding pagtatago ng mga ganung bagay ang aking ginawa. Mahirap na mahulihan ako sa bahay na meron akong ganung klaseng VCD. Bukod sa unang title na napahiram niya sa akin.. nasundan pa ito ng mga ibat ibang movies.. na umabot na sa siyam (9) na movies. Oh diba... nahihilig talga.. hehehe

At bilang ganti sa kagandahang loob ng aking kaibigan, nag share din ako sa isa pang kaibigan na gusto ding makapanood ng ganung klaseng movie. Hindi ko din inakala na curious din pala siyang makapanood ng ganung tema. Kaya sa tuwing may bago akong movie na nakuha ko sa aking "supplier"... matapos ko itong mapanood ay agad kong ipinahihiram sa kanya. Isang tagayan lang ang kapalit. hehehe...



8 comments:

  1. Hmmm kelan kaya magkakaroon ng movie inuman trip. Haha. Joke lang.

    Seriously, nacu-curious na rin ako sa mga indie films. Ako lang kasi ang hindi masipag manood eh.

    ReplyDelete
  2. movie inuman trip... hehehe nice idea.. hehehe

    masarap yatang manood ng ganun sabay may tagayan.. hehehe pero hindi ko pa na try... gusto kong subukan.. pero ang tanong... sino ang pwede? hehehe

    ReplyDelete
  3. ive seen the movie. hapi ako sa kanya. ang husay ng akting. hindi ko lang ma-take ang ending. pero ganun yata talaga ang indie films, bihira ang happy endings.

    ReplyDelete
  4. uyy may bagong indi film sa robinson.. "kambyo" ang title..last week naman ay "hugot"

    ReplyDelete
  5. abangan ko na lang sa dvd or sa vcd... wala akong lakas ng loob manood sa moviehouse ng mga ganun.. hehehe

    ReplyDelete
  6. bigyan mo ako ng list ng mga hinahanap ko. pwede kong ipahiram mga collection ko. hehehe

    ReplyDelete
  7. Mas ok ang istorya at ang tema ng indie films. Kadalasan, mas malalim ang iniiwan nitong marka sa utak ng mga manonood nito dahil binibigyang pansin talaga ang mga pangyayari sa pelikula, hindi katulad ng mga nasa takilya na lagi na lang may sinusundang formula.

    Napag-aralan namin ito sa Fil14. Gusto ko rin nga sanang manood, kaso tamad ako o kaya nama'y walang oras.

    ReplyDelete
  8. I just discovered the world of Indie films with gay themes. So far, those that I've seen were really nice. Daybreak still haunts me still now.

    Anyway, just blog hopping. :) Have a great day!

    ReplyDelete