Sunday, March 30, 2008

Tagay mo Par ( Extension)

And so the adventure continues.....

After na magkasama kami nito kaibigan ko na mag inuman kami sa isang lugar bandang fairview. Nakakatuwang isipin na nakatagpo ako ng isang "anak". My eldest "son", na sa tuwing may bagong updates sa buhay niya, lagi niya akong tinitext. " Daddy, ang gwapo ng katapat ko ngayon dito sa MRT, super gwapo talaga" text niya sakin. Ako naman ay all out support sa kung ano mang bagong updates sa kanya. at ganun din siya sakin.

Naaalala ko noong bago pa lang kaming magkakilala, first time naming mag meet noon sa isang semi GEB na naganap sa cubao nang dumating ang isang pang kakilala mula sa Italy at nag aya ng biglaang GEB. Lima kaming nagkita kita noon. Naalala ko pa itong taong ito ng una kaming magkaharap ay tumatak agad sa isip na na may taglay na kapilyuhan ang taong ito. Minsan nga naitanong ko sa kanya kung bakit noong una kaming magkaharap ay panay ang ngisi ( ngiting may halong kapilyuhan) niya sakin. At mula noon, panay na ang text mode namin. At one time inaaya ko siyang mag "bonding" kami, as in inuman, kaming dalawa lang. Dahil sa taglay niyang kapilyuhan, pagkaminsan ay napipikon ako pero, inisip ko na lang na talaga yatang ganun ang taong ito. Na nagdadalawang isip daw siya sakin sumama kasi baka daw may pagnanasa daw ako sa kanya at ma rape ko pa daw siya pag lasing na daw siya, Mantakin mo! pag isipan daw ba ako?!! hehehe. lokong bata to! hehehe

At any rate, since nagkasama na nga kami last week, it was the start. Naging mas "close" kami ngayon, mas "bonded", at medyo, next level na ang dealing namin sa isa't isa. It's more like a "father and son" set up. well.. sana nga lang, hindi siya mag bago. I'm also hoping a lifetime friendship with this guy.

2 comments:

  1. Kung alam lang niya na sikat siya sa mga blog natin. Hehehe.

    At least sayo hindi mahalay ang mga wento mo. Nung bli-nog ko siya, he literally rocked my world. Hahah.

    ReplyDelete
  2. OO nga mugen... Kung alam lang niya... but seriously... na realized niya siguro na it will be his lost pag iniwan nya tayo ng lubusan and not ours... .. hehehe

    ReplyDelete