Thursday, March 20, 2008

My DSL...


Kaninang hapon, ikinabit yung dsl ng pc ko. Matagal na din akong naghahangad na magkaroon ng mabilis na connection ng internet. Nakakaburaot lang kasi sa dial up. Sobrang bagal ng connection. 50.6 kbps na ang pinakamabilis na connection ng dial up. At kung minamalas, 16 kbps lang. Pero ngayon na naka dsl na ako... wow, nagulat ako sa bilis ng connection. 500 kbps. Ang bilis diba? Totoo nga pala yung promo ng My DSL. Sobrang bilis talaga.

Kaya eto, sinamantala ko ng pagkakataon. Nagdownload at ng streamline ako ng mga videos, MP3 at siyempre... porn. hahaha. Sa youtube.com... naaliw akong panoorin ulit yung interview ni Janina San Miguel, yung nanalong Bb. Pilipinas-World 2008... Grabe... nakakatawa talga ang interview portion niya. At yung mga mp3 music na naka tengga sa limewire ko... ayun.. ilang segundo lang downloaded na. hehehe Ang dami ko na naman collections ng mga mp3, pandagdag sa mp3 ko sa phone.

Yung nga lang... alam kong dagdag gastos na naman ito. Tumataginting ng P999.00 per month ito. Sabagay, laking satisfactions naman ang dulot sakin ng My DSL, worth it naman.

Sana lang hindi ako magsawa sa kaka internet... hehehe


3 comments:

  1. nako mapapadalas na ang internet mo niyan. Ehehe.

    ReplyDelete
  2. oo nga eh mugen.. these past nights... inuumaga ako sa internet... hehehe

    ReplyDelete