Part I
Part II
Bago matapos ang CMLI Seminar/Workshop, sa huling gabi ay nagkakaroon ng tinatawag na LITMUS or Literary Musical. Kanya kanyang presentation. Bawat School ay may inihandang presentation. Pwede Choral Singing, Dance Interpretation, Choral Recitation, Drama Play at kung ano ano pa. Sa uri ng bawat presentation, makikilala mo kung taga saan panig ng bansa naggaling ang mga nagsisipag present. May Muslim inspired number at mula ito sa Mindanao. Mayroon namang Igorot inspired number na nagmula naman sa Kalinga Apayao. Kami bilang taga NCR, siyempre hindi papatalo. Isang Choral singing with matching dance interpretation ang aming ginawa.
Pero bago nagsimula ang LITMUS, nag pre selection na ang committee at isa sa bawat region ang kanilang napili. Bukod tanging ang NCR lang ang may 5 schools ang nag present. Siyempre kasama ang school namin. Ay hindi din papatalo ang teacher delegates sa presentation. Since konti lang naman ang kasamang teacher delegates, at hindi naman talaga kasama sa contest, ginawa na lang itong special number.
Si Adora, kasama kong teacher delagate ng aming school, na naging chaperon din ng mga girls ang isa sa mga namuno para mag conceptualize ng magiging presentation ng mga teacher delegate. Very creative si Adora pag dating sa mga ganyang bagay. Kahit na sa School namin siya pa din ang mostly nag oorganize ng mga school events. Program Coordinator siya actually. At siya din ang Adviser ng CMLI at Student Government. Palibhasay matalino at graduate siya ng Communication Arts sa FEU, Magaling din siya sa Music and marunong din siyang kumanta. In fact tinagurian siyang "Doxology Queen" Born Again Christian by religion kaya madami siyang alam na Christian Songs. At basta pag dating sa mga ganitong concepto, maasahan at lagi siyang on the go.
Abala ang lahat para sa gabi ng LITMUS. Lahat ng mga delegates ay ipinatawag na at mag uumpisa na ang presentation. Exactly 8pm dapat andun na lahat ng mga delegates sa Session Hall at dumating na din ang mga Visitors na galing pa ng Manila. Ang President ng CMLI, hindi ko lang maalala kung ano name niya.
"Fox (siyermpre hindi yun ang name ko), samahan mo nga ako sa dorm namin.Magpapalit lang ako ng costume." pakiusap niya sa akin. Habang ako naman ay abala sa paghahanap at pag aasist sa mga batang kasama namin. Since ready na naman ang school namin para sa aming presentation at naghihintay na lang ng kanilang number, nagpaunlak naman ako sa kanyang pakiusap.
"Tara na Ate Dora, para makabalik agad tayo " tugon ko kay ate Adora.
Biglang sumagi sa isip ko ang naging experience ko sa pagbalik namin sa dorm. Madilim at makipot na daan na naman ang aming lalakbayin.
Mas nakakatakot ito sa isip isip ko. Bukod tanging kaming dalawa lang ang tao sa Dorm pag nagkataon. Lahat ng mga delegates at nasa Session Hall na.
Ang Magsaysay Hall ay isang two storey building na kung saan ang room ng mag girls at nasa 2nd floor pa, pero banda sa kaliwa at dulong bahagi ito ng floor. At at CR sa ay hindi functional kaya kailangan bumaba pa ng 1st floor at ito ay nasa dulong bahagi din pero sa kaliwa naman.
Umakyat muna kami ng 2nd floor para kunin ang naiwang Costume ni Ate Dora. Madilim ang hall way, walang ilaw. Hindi niya kabisado kung saan ang switch ng ilaw kaya pareho kaming nangangapa sa aming paglalakad.
Matapos kunin ni ate Dora ang kanyang mga gamit, paglabas namin mula sa room ay naglakad kami pakaliwa, patungo sa dulong bahagi ng building at doon matatagpuan ang hagdan patungong CR na nasa first floor. Kataka takang bukod tanging ang CR lang ang may ilaw sa buong building. At pagtapat pa lang namin sa hagdan paibaba ay tapat agad ang CR. Maliwanag ang CR. Pakiramdam ko ay para kaming galing sa karimlan at ang pinto ng CR ay parang pinto ng kalangitan na buong ningning na nagliliwanag. Kakaibang ang liwanag, Kakaiba din ang aking pakiramdam nung mga time na iyon.
"Fox bantayan mo ako diyan sa pinto, magbibihis lang ako" pakiusap ni ate Dora sa sakin at direcho siyang nagtungo sa loob at habang ako naman ay nag aabang sa kanya sa pinto.
Maliwanag ang loob ng CR, samantalang sobrang dilim naman sa labas. Malaki ang CR. Makipot ang unahang bahagi ng CR. Pag pasok sa pinto sa may limang lababo agad sa kanan at may nakatapat na mahabang salamin na medyo nakayuko ng bahagya. Paglagpas mo ng lababo, sa kanang bahagi makikita mo ang 5 cubicles at 5 shower rooms na magkakatapat Siyempre, ako na habang nagbabantay kay ate Dora, mas pinili kong mag antay na lang sa loob na maliwanag kesa sa labas na madilim.
Para malibang libang at ma divert din ang aming attention ni ate Dora sa ibang bagay, nagkwentuhan kami kahit siya na nasa loob na bahagi ng CR at ako na nasa bandang pinto lamang. Medyo makwento si ate dora habang siya ay nagbibihis sa loob. Tawa siya ng tawa kasabay ng kanyang mga kwento ng mga nangyari sa Session Hall. Habang nakikinig sa kanyang mga kwento, nakikitawa din ako.
Sa aming kwentuhan, medyo napapatagal ang kanyang oras na pag stay sa loob. Since ako lang ang nasa bahaging pinto na nag aantay sa kanya, humarap ko sa mahabang salamin. Nag hilamos ng mukha. tamang tama, may nakaiwan ng sabong mabango na tila bagong gamit pa lang. Naghugas ako ng aking kamay, naghilamos ng aking mukha. Habang kinukuskos ko ang aking mukha, at gawa ng sabon na medyo pumasok sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng pagkahilam, napapapikit ako dahil sa hilam mula sa sabon.
Patuloy pa din si Ate Dora ng kanyang pagkukwento. Ako habang naghihilamos ng mukha sa harap ng mahabang salamin. At pag pikit pikit ng aking mata, biglang akong kinilabutan sa akin nakita. Mula sa reflection ng mahabang salamin, may nakita akong isang anyong tao na nakasuot ng belong kulay itim na naglakad sa aking likuran. Naka Side View siya. Hindi ko nakita ang kanyang mukha. Nanlaki ang aking mga mata, at bigla akong napatingin sa likod. Wala akong nakita kahit ano. Dali dali akong naghilamos upang makasiguro kung ano yung aking nakita sa reflection na mahabang salamin. Baka akala ko ay isang malikmata lang ang aking nakita. Kumakabog na ang aking dibdib dali dali akong nagpunas ng aking mukha gamit ang aking panyo. At muli akong napatingin sa mahabang salamin. Putang ina!! ang anyong taong nakita ko na nagdaan sa likod ko at bumalik at naglakad uli patungo sa kabilang direction.
Nung mga time na iyon.. hindi ko na naririnig ang boses ni ate Dora, pero ang totoo, kanina pa ako tinatawag ni ate Dora kung andun pa daw ba ako. Tawag siya ng tawag sakin at bakit daw hindi ako sumasagot.
Saktong kakatapos lang ni Ate Dora sa kanyang pagbibihis at tila yata nagtaka din siya kung bakit hindi ako sumasagot sa kanyang tawag, nang biglang lumabas si ate Dora ay nakita niya akong nakatulala at hindi kumikibo. Saktong nawala ang imahe ng babaeng nakabelong itim na nakita ko mula sa reflection ng mahabang salamin.
"Fox, anong nangyari sayo? Bakit di ka kumikibo diyan. Kanina pa kita tinatawag akala ko iniwan mo na ako." " At bakit parang namumutla ka at pinagpapawisan?"
"Kasi Ate Dora.. Kasi. may, may nakita ako.... Tara na alis na tayo dito.."
Nagtataka man si ate Dora, hindi na niya nagawang magtanong pa at dali dali kaming lumabas ng CR at ng Building. At nagtungo na kami ng Session Hall.
========================================
Ilang buwan din ang lumipas bago ko naikwento ng buong buo kay Ate Dora ang nangyari sa akin sa Baguio..
Mga ilang pangyayari na din ang naikwento ni Ate Dora tungkol sa kanyang sariling karanasan sa Baguio City. Isa na dito yung time na nag CR din siya isang beses na maliwanag pa at habang nagsoshower daw siya ay may biglang naghagis ng buhangin sa kanya mula sa bintanang maliit na katapat ng shower. Nagtaka siya kung saan nanggaling ang buhangin at bakit may may hagis mula sa bintanang maliit. Nang tingnan niya at silipin niya ang bintana ay isa bangin ang katapat nito. Kaya kataka taka daw na may aakyat dito para lang hagisan siya ng buhangin.
=======================================
Year 2010, August... Na stroke si Ate Dora at hindi na siya nakarecover from comatose, SLN.
The Case of the Abandoned Hotel by Will
Casaroro by Claudiopoi
Joshua by Louie
The Horror Story Challenge by Glentot
The Spirit of the Glass by Jap_nishi
Casaroro by Claudiopoi
Joshua by Louie
The Horror Story Challenge by Glentot
The Spirit of the Glass by Jap_nishi
Nung nagdormitoryo rin ako sa Baguio noong college, may nakita rin akong babaeng nakaitim na belo at naka-side view, parang madre, habang nagsasalamin ako sa malaking salaman sa hallway mga around 2AM (ginabi kasi kami sa panonood ng Finding Nemo). Napatakbo ako sa room namin at pagpasok ko, bummigay ang tuhod ko sa nerbyos at naluha ako nang walang dahilan.
ReplyDelete@glentot
ReplyDeletebaka one and the same lang yung nakita natin... waaaaahhh!!
Waaaaahhh! Kinilabutan ako dito, sobra. This is one of the few na nabasa ko about those black ladies. Kailangan ma research sila, on daytime. Waaaahhh!
ReplyDeletesi kamatayan ang nakita mo....ghosts/spirits don't have reflections
ReplyDelete