Thursday, May 19, 2011

Usapang Multo!! part 2

 Part I

First day of actual activities,

Tuwing may general assembly ng mga delegates, lahat nagpupunta sa session hall ng Teachers' Camp. Medyo malayo sa Magsaysay Hall kung saan kami nag stay ng mga boys. Bago mag start ang sesssion, at 7am we would go to the Mess Hall para mag breakfast then 8am punta na sa Session Hall para sa kanilang first activity of the day. Ako bilang  chaperon ng mga bata.. may activity din kami together with other teacher delegates at nagkikita kita na lang kamin ng mga bata sa Mess Hall pag Lunch,  at tapos ng activity for the day, doon ko na sila sa quarter namin nakikita.

Busy lahat ang mga delegates sa kanya kanyang mga activities, pati na din ang mga teacher delegates. Kanya kanyang mga lugar, merong sa Session Hall, meron sa Field, meron sa garden  at kung saan saan pa. Isa sa mga activities ay ang pagpaplano ng mga gagawing prresentation para sa LitMus or tinatawag na Literary Musical. Para itong isang Culminating activity sa ginagawa ng mga school delegates at ipipresent ito on the last night of the Seminar workshop.

Madalas sa minsan, almost 8pm na natatapos ang activity for the day, depende sa mga groups, may mga groups na maagang natatapos, may mga groups din na late na natatapos ng kanilang mga activities. Ganun din ang mga teachers delegates, may mga activities din kaming gabi na natatapos. Kaya minsan pag uwian na, at balik na sa kanya kanyang quarters ay kailangang umakyat baba ng hagdan at pasikot sikot at madilim na daan patungo sa aming quarter.


Nang unang gabi na matapos ang whole day activity. May ilan sa mga kasama kong boys ang hindi pa bumabalik sa aming quarter. Usually dapat by 8pm nasa kanya kanyang quarter na lahat ng delegates at may curfew time ng around 10pm. Almost 9pm na ay may 2 delegates pa ang hindi bumabalik sa aming quarter.

Noong mga panahong iyon di pa naman masyadong uso ang cellphone at wala akong way para makontak ang dalawang bata na nawawala.


Siyempre ako ang kanilang chaperon, kargo ko sila kung ano man ang mangyari sa kanila. Kaya nag pasama ako sa isa sa mga alaga kong boys at pumunta kami sa Session Hall kung saan andoon ang office ng mga namumuno ng Seminar Workshop at tanungin kung may mga groups pa ding naghohold ng kanilang activities.


On the way to the Session Hall, aakyat baba ng hagdan at malayo layo din naman ito sa Magsaysay Hall. May mga daan na walang ilaw, kaya kailangan mong mangapa at baka sa maling hakbang ay siguradong sa mabangin na bahagi ang bagsak mo. Kasama ang pinaka leader ng group of delegates, binagtas namin ang daan patungo sa Session Hall. Dala na din ng experience ko nung unang gabi, aminado akong may takot ako kaya nagsama ako ng isang bata.

Nililibang namin ang isat isa sa pagkukwentuhan habang kami ay naglalakad. Pansin ko na medyo palingon lingon ang batang kasama ko habang kami naglalakad. Sinabihan ko siya na direcho lang ang tingin niya at baka may makita siyang kakaiba na ikatakot namin pareho.

Naka akbay ako sa bata habang kami naglalakad at patuloy ang aming kwentuhan na naka focus sa ibang bagay para madivert ang attention namin.  Mga ilang sandali pa ay narating namin ang Session Hall. At sa aming pagtatanong, na ayon sa mga organizers ay wala na daw mga delegates na nag hohold ng activity sa ganung oras. Inireport ko na din na may two boy delegates from our school and hindi pa bumabalik sa aming quarter. Kaya wala din kaming nagawa kundi ang bumalik sa aming quarter. Sa loob ko.. eto na naman ang aming struggle, tatahakin na naman namin ang daan pabalik sa aming quarter. Kaming dalawa lang ulit ng aking kasama ang babalik pababa sa aming quarter.

Same way ulit ang aming tinahak. this time naman.. pababa, sa parehong hagdan na aming inakyat. Dadaan ulit kami sa mga parteng madidilim. Bago pa kami umalis sa Session Hall, may tila kumakabog na sa akin dibdib. Kahit alam kong may kasama naman ako pero kakaiba ang aking pakiramdam. Pero no choice kailangang bumalik din kami at dumaan ulit sa aming dinaanan patunong Session Hall.

Sabi ko sa sarili ko, kailangan lakasan ko ang aking loob at huwag magpakita ng takot sa aking kasama. Umalis na kami at ganun pa din ang strategy na ginawa ko. Makipag kwentuhan sa batang kasama ko at ifocus sa ibang bagay ang kwentuhan para malibang.

May maliit, makipot at madilim na bahagi ng daan na kung saan ay may dalawang malaking Pine trees na halos magkadikit. Mga isang dipa lang ang pagitan. Madilim ang bahaging iyon at kailangan ng maingat na kilos at paglalakad. Dangan kasing hindi ito nilagyan ng kahit man lang maliit na ilaw para makita ang dadanan.

Pinauna ko ang batang kasama ko. Medyo nangangapa din siya sa kanyang pag lalakad. Hindi pa man siya nakakalayo nang biglang namalikmata akong nakita siya na may isang puting bagay na kung ano ang nakasunod sa kanya. Putang Ina!.. White Lady! Nakatalikod ito at sinusundan niya ang batang nauuna sa akin. Napahinto ako ng aking paglalakad at gustuhin ko mang humakbang ay parang may pumipigil sa aking mga paa. Tinatawag ko ang bata, pero walang lumalabas na boses sa aking lalamunan. Hindi rin ako napapansin ng bata na unti unti siyang napapalayo ng distansiya mula sa akin. At habang siya ay papalayo, nakikita ko pa din ang White Lady na nakasunod sa kanya. Kitang kita ng aking dalawang mata!. Nung napansin na nung bata  na hindi na ako nakasunod sa kanya ay bigla itong lumingon at sabay nawala ang puting imahe na nakasunod sa kanya.

Tinawag ako ng bata. Maski siya parang nag alala na hindi na ako nakasunod sa kanya. Bumalik ang bata at tsaka lang ako nakakilos at nakapagsalita ng nawala na sa paningin ko ang White Lady. Hindi ko ipinahalata at kinuwento sa bata ang nangyari. Baka matakot at bata at magtatakbo ito at akoy tuluyan iwan. Sinabi ko na lang na nahirapan akong mangapa ng daan dahil sa madilim nga ang parteng iyon.

Kabog ang aking dibdib at medyo napansin ng bata na ako'y pinagpapawisan samantalang malamig naman ang panahon nang mga oras na yun. Nakabalik kami sa aming quarter nang hindi nalalaman ng bata ang aking kakaibang experience.






4 comments:

  1. Ayaw ko talaga ng white lady kahit kailan. Nakakatakot sila, nakakatakot sila at nakakatakot sila. Waaaaaah! Hehe.

    ReplyDelete
  2. Waaah!!! Namiss ko talaga yang CMLI dahil sa post mo na ito. Favorite activity ko sa buong linggo eh yung sa Mess Hall, pag kainan na! Hahaha! Actually, during the same event, our teachers also arrange a soiree with an all girls school. all boys kasi yung HS ko. So side event namin to. ito naman yung least favorite event ko. Wahahahah!!! most of the time tinatakasan ko mga activities. either gumagala ako sa session road or nag hohorse back riding sa wright park. =)

    ReplyDelete
  3. waaaahhhh I had the same experience din. At sa Baguio din ito nangyari!

    ReplyDelete
  4. Tumayo ang balahibo ko sa experience mo ah!

    ReplyDelete