Monday, May 9, 2011

Ang makulit at malungkot na batang si FOX Part II

 part I


Pansamantalang na lay off si Nanay sa work. Kulang ang sweldo ni Tatay pantustos sa pag aaral naming limang magkakapatid. Naisip ni Nanay mag negosyo. Ang pagtitinda ng gulay. Hindi lang basta pag titinda, inilalako pa. Nakalagay sa isang bilao at inilalako sa kung saan saan. Katulong ako ni Nanay bitbit ang isang bayong na puno ng gulay at si Nanay at isang bilao na nakapatong sa kanyang ulo. Nagbabahay bahay kami aming lugar para maubos ang mga gulay na inangkat pa namin mula sa Balintawak na sentro ng bagsakan ng gulay mula sa Baguio. Sa maghapong maglalako ng gulay, sapat na yun kita para sa pambaon naming magkakapatid sa school. Kapag hindi nagtitinda si nanay, tumatanggap din siya ng labada para dagdag na kita din yun para sa amin.

Bata pa lang ako, nasanay na ako sa gawaing bahay. Pati na ang pagluluto natutunan ko agad. Tuwing may pasok sa school, ako lang ang naiiwan sa umaga. Lahat ng mga kapatid ko ay pang umaga ang pasok at sila Tatay at Nanay naman ay pumapasok din sa pabrika na malapit lang sa amin. Ako lang ang naiiwan sa bahay, pang hapon kasi ang schedule ng pasok ko sa school. Bago ako pumasok, handa na ang lahat. Ang kanilang tanghalian, idadaan ko pa sa pabrika ang lunch na kakainin ng aking mga magulang bago pumasok sa school.

Sa murang edad, natuto na ako mag survive. Gumawa ng paraan para mabuhay. Dahil nga sa kakulangan ng pera, lingid sa kaalaman ng aking mga magulang, nag iipon ako ng mga lumang diyaryo at mga bote garapa na hinihingi ko sa aming mga kapitbahay na siyang ibinibenta ko sa junk shop. Sapat na iyon lang makaipon ng pambaon sa school sa buong isang linggo. Mahirap ang buhay noon. Mura nga ang pamasahe at bilihin, pero mura din ang minimum wage na nakukuhang sweldo ng aking mga magulang. Sapat lang talaga para makabuhay ng isang pamilya. Ang tanging bilin saming magkakapatid ng aming mga magulang ay pagbutihin ang pag aaral, wala man silang material na bagay na maipamamana sa aming magkakapatid pero ang edukasyon ang tanging mahalaga na maipamamana nila sa amin kaya pinag sisikapan nilang maiahon kami sa aming pag aaral. 

Grade 5 lang ako sa elementary, bakasyon, inihabilin ako ng aking mga magulang sa aking kamag anak. Doon ako pinatira, hindi para maging kasambahay ngunit para mayroon makakasama ang aking mga pinsan na higit na mas matatanda sa akin. Dalawa silang babae (kambal) pareho pang mga nag aaral ng kolehiyo. Dahil sa kagustuhan nilang magkaroon pa ng bunsong kapatid at lalaki ang gusto nila. Napag desisyunan nila na akoy ampunin. Agad na pumayag ang aking mga magulang. Paghahanda nila siguro sa nalalapit na pasukan, Na sa tingin nila.. hindi nila kakayanin na ako'y papag aralin sa high school. Graduating sa highschool ng aming panganay at 2nd year high school naman ang aking kuya, Tiyak na malaking gastos ang kanilang kakarapahin pag pumasok na sa kolehiyo ang aking ate, ang aming panganay. 

Noong mga unang buwan, hindi ko na isip na ang pag pisan ko sa aking mga kamag anak ay isang pagpapa ampon. Sa totoo, nag enjoy naman ako, dahil doon ko naranasan ang magkaroon ng medyo maluwag na pamumuhay. Nakakakain ako ng masasarap na pag kain, nabibilhan ako ng mga laruan. Pero may mga gabing umiiyak ako dahil sa kalungkutan. Namimiss ko ang aking mga kapatid. Ang aking mga magulang. Wala ako sa piling nila. Ako, na nagpapasasa sa medyo maayos na buhay samantalang ang aking mga kapatid ay patuloy na nakikibaka sa kahirapan ng buhay. Dumating ang pasukan, pareho ding school ang aming pinapasukan, Grade 6 ako noon, Grade 4 at Grade 3 naman ang aking dalawang kapatid na babae, magkaiba lang kami ng inuuwin. Sa school lang kami nagkikita kitang magkakapatid. Kapag may sobra, bibigyan ko ng extrang baon tuwing nakikita ko ang aking dalawang kapatid sa school. Sa kanila ko kinakamusta sila nanay at tatay.

==================

may kadugtong pa....


1 comment:

  1. I can't wait for the next part, Kuya. Isa kang matapang na tao. Nakarelate ako dito. Hanga ako sau. :)

    ReplyDelete