Sa limang magkakapatid, pangatlo ako. Babae ang panganay, sunod ay lalaki, tapos ako, tapos dalawang babae na ang mga sumunod sa akin. In other words, gitna ako. Sabi nila, may kakaibang ugali ang nasa gitnang pwede. Mid-child syndrome daw ang tawag dito. Well sa totoo, naisip ko nga, kakaiba nga talaga ako sa aming limang magkakapatid. Bukod sa pangatlo akong anak ng aking tmga magulang, hindi ako nakaranas ng pagiging bunso. Hindi ko na enjoy masyado ang pagiging bunso. Hindi pa man ako natututong maglakad at magsalita eh may kasunod agad akong kapatid. Meaning, wala pa akong isang taon, may ipinagbubuntis na agad ang aking ina. Kaya ayun, yung atensiyon na dapat para sa akin ay napunta agad sa sumunod sa akin.
Since dalawa lang kaming lalaki sa magkakapatid, at 2 taon lang ang aming pagitan, taliwas sa inaasahan, hindi kami naging close ng aking kuya. Opposite ang aming ugali. Yung mga bagay na ayaw niya, ay gusto ko, at yung mga gusto niya ay ayaw ko naman. Sa madaling salita, kontra pelo kaming dalawa. Ewan ko, siguro dahil na din sa inggit. Pinalaki kasi kami ng aming magulang na sa tingin ko ay hindi pantay ang pag tingin nila sa amin ng kuya ko. Porke consistent honor student ang kuya ko, naramdaman ko ang pagiging favorite niya ng tatay ko. Kaya habang lumalaki ako ay unti unti akong nakakaramdam ng pagkamuhi sa aking kuya. Kaya din siguro, kahit anong pilit niya maging close kami, malayo ang loob ko sa kanya.
Lumaki kami sa hirap. Kahit gustuhin man ng aking parents na maibigay sa amin ang mga material na bagay ay hindi nila magawa dahil na din sa kakapusan. Mas uunahin pa nila ang mabigay kami ng pambaon sa eskwela kesa ibili kami ng mga laruan. Naalala ko, grade 3 na yata ako nagkaroon ng sarili kong laruan. Bigay pa sa akin ng aking pinsan. Isang toy car na maliit na inenjoy kong paglaruan, nilagyan ko ito ng tali at tuwang tuwa na ako kapag hinihila ko ito at buong pagmamalaki kong pinapakita ito sa aking mga kalaro. At nung nasira ito ay sobra kong iniyakan.
Sa mga damit naman, since dalawa lang kaming lalaki, lahat ng mga pinagkalakihan ng aking kuya ang madalas na napupunta sa akin. Sapatos, damit, pati na din laruan na kanyang pinagsawaan ay sa akin napupunta. Isa na din siguro yun sa mga dahilan kung bakit unti unti akong nagkaroon ng pagkamuhi sa akin kuya. Parang 2nd rate , 2nd hand na lang ako lagi sa kanya. Lumaki kaming hindi magkasundo. Pinamulat din sa akin ng aking magulang ang hindi pantay na pagtingin sa mga anak. Naalala ko pa, tatlong graduation days ang dumaan sa aking buhay pag aaral., Elementary, High School, at College, kahit isa hindi man lang nakadalo ang aking ama. Katuwiran niya ay may trabaho daw siya. Samantalang ang lahat ng Graduation days ng aking kuya ay kanyang pinuntahan. Bukod tanging ina ko lang ang kasama ko sa pinakamahalagan mga araw na iyon.
Noong nag aaral pa lang ako sa elementarya, Grade I, Unang araw lang ng klase ako inihatid ng aking magulang. Hindi pa requirement noon ang pumasok sa Kinder. 5 years old pa lang ako at maalam na akong magsulat at bumasa. May isang ritwal na ginagawa noon ang mga magulang. Ipapatong ng bata ang kanyang kanang kamay sa kanyang ulo at kailangan abutin niya ang kaliwang tenga. Kapag naabot na ito ng bata ito ang magiging basehan na pwede nang pumasok ang isang bata sa eskwelahan. Katatawa diba? pero ganun kami pinaniwala na ang bata ay ready nang mag aral kapag nagawa na ang ganung ritwal.
============================
to be continued..
ang lalim ng simula fafa! cant wait for the next post! :-)
ReplyDeletesame here cant wait for the next post. ako ganyan din kasi lahat ng damit ko noon 2nd hand mula kay kuya kulang na lang pati brief niya eh suotin ko na din. pero i dont mind at all
ReplyDeleteand yeah ang mga panganay usually ang spoiled at pati ang parents sumusunod sunuran sa panganay nilang anak.