Noong una tayong nagkakilala sa blog, ang angas mo! Pictures mo pa lang na lantad ang pagmumukha mo, angas na angas ako sayo. Nagback read ako ng mga blogposts mo, napansin ko agad na may kakaibang attitude ka. Confidence is the name of the game!! ang mga pictures mo, ang mga kwento mo, ang mga ginawa mo, yung pagiging teaser mo! Lahat yun nagpapakita na sobrang taas ng confidence mo sa sarili mo. In fairness humanga ako sayo. Kahit minsan nayayabangan ako sayo.
I still remember isang blog post mo ang tumatak sa isip ko na hindi ko makalimutan. Yung nagpeprepare ka ng balikbayan box. Then after that, i stopped following your blog. ewan ko kung bakit. Basta nawala atensyon ko sa blog mo. Ahhh.. tama.. i stopped blogging that time pala.. kaya hindi na din ako nag blog hopping. I stopped following blogs na din. Then nung bumalik ako... at ginanahan na naman akong gumawa ng blog. Hindi kita agad naalala. Until a friend told me, mentioned your blog. Dumating ka na pala sa Pinas. And active ka ulit sa blogging. Pero i did not knoww kung nasan na yung blog mo. Nagbasa basa ako ng ibang blog at nakita ko yung mag comments mo. And when i opened the link, ikaw pala yun. And from there i started following your blog again. Hindi ka pa din nagbago ng style mo. Maangas ka pa din. And that made me more become curious about you. Gustong gusto kita ma meet. Hindi naman ako pala meet ng mga bloggers lalo na walang connections sa mga blogger friends ko.
And we had a chance na magkausap sa YM chat. That was the start. Unti unti kitang nakikilala. Atig mo pre! you used to call me "tsong" and i used to call you "pre" Astig lang diba? Dami kong tanong sayo, dami mo ding tanong sakin. From there unti unti tayong nagkakilala. And finally, we got that chance to meet. Actually kasama na sa napag usapan natin yung planong meet up natin. Hindi ko lang tanda kung sino ang unang nag aya ng meet up, ikaw ba o ako. But ireggarless kung sino ang nag aya..basta ayun finally nag meet din tayo.
Four o'clock in the afternoon ang usapan nating meeting time. Siyempre excited! Quarter to 4pm andun agad ako sa meeting place natin. I stick to what you have said na hindi ka after sa looks ng ka meet mo. Though ikaw, nakita na kita sa pic, pero ikaw no idea ka kung ano hitsura ko. I wanted to show you my face pic pero ayaw mo. Sabi mo kasi wala naman sa hitsura ang frienship. Ok fine! So there, nung meet up natin, since una akong dumating, at ako naman, hintay sayo, panay ang text mo na malapit ka na, eto na.. naglalakad ka na papunta sa meeting place natin, at sinabi mo sa text mo na huwag akong mag expect na gwapo ka sa personal at pangit ka kamo. Sa totoo, the more you tell those things, lalo akong nagiging curious sayo kahit nakita na kita sa pic.
Medyo napapatagal na ang paghihintay ko sayo, sabi mo kasi malapit ka na, at dumadami na din yung tao na nakapila sa ticket booth. Maya maya naka receive akon ng text mula sayo, "chong! dito na ko sa harap ng ticket booth, im wearing eyeglasse, black T shirt and black faded jeans. san ka na?" When i was about to go to your place at hanapin kita, tumawag ka pa. Actually.. bago ka pa nag text, nakita na kita sa malayo. Same description na nakita ko na guy na naglalakad ng mabilis papuntang ticket booth doon sa description mo na sinabi sa text. Habang papalapit ako sayo, i was thinking, ikaw ba yan? Ikaw ba yung kachat ko at katext ko? Sa totoo nag alinlangan ako kung ikaw nga yun. Pero ikaw nga! wala naman kasing ibang tao sa paligid na same description na sinabi mo. Nag iisa ka lang! Then lumapit ako sayo, nagulat ka pa nung inakbayan kita.
So there, sabay tayong pumila sa ticket booth. And we decided to get ticket, Lower Box A. Ok na yung price na P90 each. Malapit na yun kita na yung papanoorin natin. Since 530pm pa pala ang start at 430pm pa lang, maaga pa we decide to eat muna. San ba tayo kumain? Ahhh sa Burger King pala. Ayun, kwentuhan tayo, habang kumakain. Pansin ko malikot ang mga mata mo, hindi ka masyadong tumitingin sa kausap mo. Samantalang ako, titig na titig sayo. Pasensiya na, ganun kasi ako makipag usap. Hindi naman sa gusto kitang tumawin sa titig ko, interested lang kasi akong makilala ka ng lubos. Sabi mo pa nga naalala ko nung tapos nating mag meet at nag uusap tayo na tayo sa chat, sabi mo grabe ako makatitig sayo parang may malisya. Sira ulo! malisya ka diyan! Hindi mo alam sina Psychologize lang kita. Inoobserbahan ko mga kilos mo, pananalita mo, at hitsura mo. In that way, nakikilala kita. Impression kung baga. Sabi ko pa nga sayo diba, kung natatandaan mo. you dont look like 26 yo, para ka lang 17 yo. Hindi ko alam kung flattering para sayo yun or nainsulto ka sa sinabi ko, pero yun ang tingin ko sayo that time..
Malapit na mag 530pm kaya we decide to go na. Sa totoo, hindi ako madalas manood ng ganun event. Pinagbigyan lang kita, gusto ko kasi ma enjoy yung company mo which i did naman in fairness. First meet up natin yun siyempre at nagpapakiramdaman tayo. In fairness nag enjoy naman ako kasama ka. Yung excitement mo sa tuwing nakaka score you favorite team natin, grabe! napapasigaw at napapatayo ka pa sa upuan. That's something, pati ako napapasigaw din. During break time, kwentuhan pa din ang ginawa natin. dami mo kwento. kung ano ano mga kwento mo. At nung last two minutes na, mas lalong tumaas ang level of excitement mo, lalo ng nung manalo yung favorite team natin. Napatayo tayo bigla sa upuan nung maka score at final score panalo yung team natin. Sabi mo pa sakin, bumilib ka pa sakin dahil sa pagtayo ko sa upuan nung manalo yung team in just a nick of time na nakascore ng 1 point. Ang astig ko sabi mo. Oh well, naexcite din naman ako. Yung ang tinatawag na momentum.
Natapos yung pinanood natin at i asked you kung gusto mo kumain ulit or direcho na tayo tumagay, sabi mo tagay na lang tayo. Natawa pa nga ako, ang yabang mo pa nga sa pagsabi dati na malakas kang uminom. Eh naka 2 bottles ka pa lang hilo ka na agad. Yabang mo! ako lang tuloy umubos nung natitirang 2 bottles. Habang tumatagay tayo, tuloy pa din ang kwentuhan natin. But this time, hindi na malikot mga mata mo. nakakatingin ka na sakin ng direcho habang nagkukwento. And this time also, feeling ko, naging comfortable ka na din sakin. Mabuti naman!. Napansin ko panay na tingin mo sa relo mo, bukod sa nahihilo ka na at mukhang gusto mo na umuwi. Baka hindi mo na maabutan yung last trip ng FX pauwi sa inyo kaya inaya na kitang tumayo at umalis. Sumakay tayo ng bus papunta sa terminal ng FX. Ako itong madaming nainom at ikaw halos dalawang bottles lang eh ikaw pa itong mukhang lasing. Pag dating sa terminal, mukhang hindi mo na naaubatan yung last trip. Kaya sumakay ka na lang ng bus papuntang monumento at doon ka na lang kamo sasakay ng jeep. At ako naman, hintay kitang makasakay ng bus bago ako sumakay ng fx pauwi sa amin.
===========================================
sa susunod na post... madami pa akong sasabihin.. antok na ko.. may lakad pa ako mamaya.. next time na lang ulit..
hay naku nambitin pa! kung kelan nasa momentum na ko e~!
ReplyDelete:-)
sa mata din ako tumitingin. i get insulted pag sa iba nakatingin ang kausap ko.
ReplyDelete