1. Lapit na matapos ang March, and of course, dami na namang paper works. Very busy na naman. Pati sa Masteral, submission na naman ng mga requirements. I have only two subjects enrolled this semester. Pero potek ang mga requirements. Good thing is doon sa isang subject ko, wala kaming final exam. Tapusin na lang daw ang reporting and our profession will sum up all the reports. At ako pa ang isa sa mga last reporters, 2nd to the last. And yung isang subject ko naman, may final exam, pero take home exam naman. Pero grabe ang mga questions, kailangan talagang mag research. Dagdag trabaho ito bukod sa paper works ko sa school. haays...
2. Tatlong out of town trips ang naka schedule sakin this coming Vacation. First week of April, i'll be in Iloilo City with my co-workers. Side trip namin ang Bacolod City and Boracay. Good thing is may nagsponsor ng plane tickets namin at nakabili na ng ticket. Pocket Money lang ang kailangan. Kaya wala na atrasan ito. This coming Holy week naman,(Last Week of April) baka (di pa kasi sure kaya Baka pa lang) i'll be in Camarines Sur, (Virgo Island) with some good friends (with the Engkantos). Hoping na sana Matuloy!! And lastly, First week naman ng May, i'll be in Baguio (seminar again for the 3rd time). Since this will be my last term as President ng aming Association. Kaya last year ko na din ito sa pag attend ng ganitong seminar. Good thing with this seminar, all expense paid!! Sagot ng local government ng Quezon City. Kaya wala masyadong gastos (pocket money lang din ang kailangan) At baka doon na din ako mag spend ng aking special day, my birthday.
3. I did not go to work today. Sinamahan ko ang father ko magparehistro ng aming sasakyan sa LTO. As usual, driver na naman ako! at wala naman kasing mag dadrive eh kundi ako lang. Grabe ang daming tao. Daming nagpaparehistro. Pati sa Smoke Emission Test ang daming nakapilang sasakyan. Since ang last last digit ng plate number ng sasakyan ay 3, kaya ngayong March naka schedule ang registration. Registration fee, smoke emission test fee, car insurance fee, almost 4K din ang inabot.
4. As I was looking for my wallet kanina, May 2011 pala mag eexpire na ang Driver's License at PRC license ko, Potek!! Magkasabay pa pala! I need to prepare money for this. Drug Test na naman ito para sa Driver's License. At sa PRC license have to wait na naman for 3 months bago makuha ang License ID.
5. On other issues, Laman ng Balita ngayon sa TV at sa Radio pati ng sa mga Newspapers, mukhang matindi na ang kaguluhan sa Middle East. Kelan lang, sa Egypt, tapos hindi pa tapos sa Libya, ngayon, sa Yemen naman, at nagbabadiya na din ng kaguluhan sa Saudi Arabia. Ano na nangyayari sa mundo? Na inspire yata sila sa EDSA People Power Revolution natin at ngayon nagsisipag gayahan na sila. Ang Middle East pa naman ang sentro ng pinagkukuhanan ng langis ng Buong Mundo. Paano na ang supply ng langis? Lalo pat isa ang Pinas sa oil dependent countries. At madaming pinoy ang nagtatrabaho sa Middle East. Ipagdasal na lang natin na sana matigil na ang kaguluhan.
6. On the lighter issues. Mukhang isang kakilala na naman ang mawawala. Hindi ako ang iniwanan.. ako ang nang iwan. May matinding dahilan kung bakit ko siya iiwan. (Huwag nang magtanong kung ano man yun) Ayaw ko nang makasagabal sa kanyang kaligayahan. Sana lang, hindi siya nagkamali ng landas na kanyang tatahakin. (Huwag na ulit magtanong kung sino siya). Goodluck na lang sa kanya. At naway maging masaya ka. Salamat din sa time na spend niya sa akin. Sa text, sa tawag, sa chat lahat yun pinahahalagahan ko. Maraming salamat.
So there,, ang aking Random Thoughts...
At sinex itong vhoilet na papakawalan ng aming diyosa! Abangan ang kanyang pagkanta sa susunod na tagayan!!
ReplyDeleteAte Bianca
punong puno ng travel ah! pictures po ha! :D
ReplyDeleteBakit naman yung number 6 eh me goodbye issue? anyway, sometimes, its good to let go. :)
ReplyDeleteang tanong ng madlang people kilala ba namin ang vhoilet ng dyosa na kanyang pinalaya? hehehe
ReplyDelete