Friday, March 21, 2008

Dapit Hapon....





"Tuwing dakong Dapit Hapon
Minamasdan kong Lagi
Ang Paglubog ng Araw
Hudyat ng Takip Silim"

Matagal tagal din nang huli kong nasilayan ang paglubog ng araw sa Manila Bay. Kanina, kasama ang isang kaibigan, naisipan kong dumako sa break waters ng Manila Bay at antayin ang pag lubog ng sikat ng Haring Araw. Kakatuwa nga eh, kung kelan naman Biyernes Santo tsaka ko pa naisipang pumunta sa Luneta. Pero hindi lang pala ako mag isa ang nakaisip ng ganun idea. Sa katunayan, sandamakmak ang tao kanina. Naisip din siguro nila na samantalahin ang pagkakataon, ngayong walang pasok at mamasyal. Buong pamilya, magkaibigan, mag kasintahan ang nakita ko doon kanina. Sabay sabay naming hinintay ang paglubog ang araw. Talagang napakaganda. Sa totoo lang, nature lover din ako. Kapag may nakikita akong kakaibang nangyayari sa kalikasan, naapreciate ko ito. Kung may camera lang akong dala lagi, malamang madami na akong napicturan.

Minsan, iniisip ko, ano nga ba ang kahulugan ng Dapit Hapon sa aking buhay. Lahat naman ng tao ay darating sa dapit hapon ng kanyang buhay. Kapag nakakakita ako ng paglubog ng araw, ito ay hudyat ng pagtatapos ng isang araw. Nakakatakot isipin na ang tao ,ayaw man natin, laht tayo ang iisa lang ang patutunguhan. Ang Dapit Hapon ng ating buhay. Pero ganun pa man. Mas mainam, na sa pagdating ng Dapit Hapon ng ating buhay ay may narating tayo. May na accomplish tayo sa buhay.


1 comment:

  1. Lahat ng magagandang ala-alang natatandaan ko ay nangyari tuwing dapithapon.

    ReplyDelete