Wednesday, June 22, 2011

Random Thoughts #6

It's been a while since i last posted my Random Thoughts #5. Here I am again, woke up in the middle of the night thinking of what to do. Hindi na ako dalawin ng antok. And hopefully, after doing this blog entry, antukin na ulit ako. At bilang may pasok maya, i need to rest para may powers pa for my very stressful work.

1. It's me and my father. Just the two of us lang ngayon dito sa bahay. My mom went to province for the wake of her sis (my aunt) who died of cancer. Actually last satruday pa siya doon, the whole family went there except me because i had my satruday class and its the first day of class at hindi ako pwedeng mag absent. Nagpaiwan lang si nanay since this coming saturday pa ang interment. So para hindi na siya mahirapang mag travel, nagpa iwan na lang siya doon. She'll be back right after the interment.
2. Speaking of Masteral Class, i dont know kung makakayanan ko yung bagong class schedule ko. 3 Subjects ang inenroll ko this semester. And my Classes starts at 8:30 am and will end at 6:30 pm. The day of Saturday ito. Good luck na lang sakin. Kaya bawal na gimik pag Friday nights. I need to wake up early every saturday morning.

3. Putcha! ang bilis talga dumaan ng pera. Parang dumaan lang sa kamay ko. Bills! Bills! Bills!.. Meralco, PLDT, Maynilad!.. Sabi nga sa JokeCentral ng Twitter. " Kailangan itaas nyo sahod ko. Kung hindi, 3 kumpanya naghahabol sa kin! BOSS:Ano? JUAN:Meralco, Maynilad at PLDT! Bka putulan kami!" LOL. But seriously, isa sa mga considerations ko kaya hindi pa ako nag aasawa, mahirap ang buhay ngayon. Sarili ko nga nahihirapan akong pakainin, papakainin ko pa hindi ko naman kamag anak. Charot lang! hahaha.

4. May mga tao akong namimiss. Yung taga Bulacan, yung taga Nueva Ecija, at yung nasa USA. Kilala niyo kung sino kayo. Medyo matagal tagal ko na din silang hindi nakakausap. I dont know what went wrong between us. Bigla na lang naputol communications namin. Pero lahat sila minahal ko.. tinuring kong younger brothers.. Hindi ko sila basta basta makakalimutan. Kahit paano may pinagsamahan din naman kami. Ako kaya namimiss din nila? :-)

5. I have this weird feelings. Lately ko lang narealized ito. I get attracted by hot sexy body. Gym toned and and find it very sexy. It doesnt matter kung HIPON or not. Pero the thing is, once i get to see the tool weather in personal or in picture, nawawala attraction ko. Nawawala libog ko. At first when i see him topless, syet! parang gusto ko siyang sunggaban. Dilaan ang buong katawan. Pero pag nakita ko na yung kahubdan niya, whole nakedness niya, parang gusto ko na siyang tadyakan!. Weird diba? hehehe.


so there, my random thoughts #6.




Sunday, June 19, 2011

Para Sa'yo! 3rd version (2nd part)

First Part


In fairness, you look good naman, you're the typical ER guy na pak na pak sa panlasa ko, matangkad, moreno, chinito, at you're age na 27, mukha kang twink, lean ang katawan. Sakto! Pero kinabahan din ako. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Inisip ko lang na pwede  naman tayong mag meet na walang sex na mangyayari pero ikaw ang nag first move. I just wanted to get to know you more sana. Pero ang bilis... ang bilis talaga. And with all honesty, type din naman kita. Not because i wanted to do it with you agad. Gusto pa sana kitang makilala.


You asked me kung may alam akong private place na malapit. Sabi ko oo meron, pero the problem is, ayaw mong pumasok nang sabay tayo at siyempre, ganun din naman ako. And you decided to go first, at susunod na lang ako. You texted me the room number, after a minute, then i followed you. 

"Room 330, punta ka na!" you told me sa text mo. Kinakabahan ako. Matagal na yung huling pumasok ako sa ganung place.

Medyo natagalan ako sa pag pasok. Syet! ang daming tao sa reception. Nag hintay pa ako ng turn ko!.. What if kung may makakita sakin na kakilala ko.. patay! Pero naisip ko.. andun na din lang naman ako at hinihintay mo ako. Sige, lakasan na lang ng loob. "sir, confirm ko lang po muna sa room 330 kung may expected visitor po yung naka check in" sabi sakin nung receptionist. Pucha, pinagpapawisan ako habang naghihintay ng confirmation. "sige po sir, akyat na po kayo" sabi  sakin nung lady receptionist.


fast forward!

At nangyari na nga ang dapat mangyari!


After we parted ways, i was thinking kung magtetext ka pa o hindi na. It's a sign for me na pag tapos ng meet up at specially nagkaroon ng intimate moments, hindi na nag text, i guess that's it! End of everthing! I went home. Pagdating ko sa bahay, nakareceive ako ng text mula sayo, "Hey, nakauwi ka na ba? Thanks ha!".

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Matutuwa dahil its a sign na gusto mo pa ding ipagpatuloy ang kabanata natin pagkatapos ng nangyari, o malulungkot dahil iniisip ko na baka yun lang ang gusto mo sakin, yung pinatikim ko sayo at nagustuhan mo, hindi yung ako, kung ano ako para sayo. 

Days after, nagpapalitan pa din tayo ng SMS, kamustahan, balitaan. Ganun pa di, may iba ka pa ding mga katanungan. At patuloy ka pa din ng tanong about other things na may kinalaman sa PLU. At dahil sa pagtetext mo, at consistent ka, walang palya. araw araw. I cant deny my self, nahuhulog na loob ko sayo. At ganun din ang pakiramdam ko, nahuhulog na loob mo sakin.

Madami ka na ding na kwento sakin tungkol sa buhay mo. Ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, ang work mo. At kung ano ano pang mga bagay na lalong nakakapag painterest sakin. 

Until one time, problematic ka. Sabi mo, hinahunting ka ng ex gf mo. At napag alaman mong 3 months pregnant siya at sabi mo at confirmed mo na ikaw nga ang ama. Litong lito ka. Hindi mo alam kung ano gagawin mo. Pinayuhan kita na panindigan mo ang bata. Its a blessing. Sabi ko pa nga sayo, na mas mabuti ka pa nga at may magiging anak ka na at may kikilala sayo na isa kang daddy. Problematic ka, hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Wala kang mapagsabihan kundi ako. At nakadagdag pa sa iniisip mo yung nangyayari sayo. Hindi mo alam kung ano na ang pagkatao mo matapos nang nangyari sa atin. 

Sabi mo, hindi tama! Mali ang ginawa natin. Ang mali at kailan man hindi magiging tama. Para ka sa babae, at hindi ka para sa lalaki. Pero inamin mo sakin na nahuhulog din ang loob mo. At nagpapasalamat ka na nakilala mo ako. Pero mas pinili mong maging tuwid. Nasabi mo pa nga sakin na feeling mo, parang nagiging bad influence pa ako sayo. Naguilty naman ako doon. Ako pa yata ang naging daan para lalo kang malito sa pagkatao mo. 

Nagkaroon tayo ng kasunduan, na hindi na muna kita ititext para makapag isip isip ka. Nang sa ganon, hindi mo ako maisip at magkaroon ka ng pagkakataong harapin ang iyong problema. Pero isang linggo lang, hindi ako nakatiis, na miss kita ng sobra. Nag text ulit ako sayo, nag reply ka agad. Nang sinabi kong hindi na kita ititext, akala ko kaya ko, nagkamali ako hindi ko pala kaya. 

Tinawagan mo ako, at sinabi mong magkita ulit tayo. Inamin mong hindi mo din pala ako matiis. Isang linggo kang naghihintay ng text ko. At naunahan lang kita ng pag text. Kung hindi ako nagtext sayo, magtetext ka na sana.

Pero tapos ng meet natin ng gabing iyon, sabi mo sakin, decide ka na. Haharapin mo na ang iyong problema. Paninindigan mo na yung bata, magpapakalalaki ka na. At kasabay nito, gusto mo na ding kalimutan at putulin ang ating ugnayan. Kaya ka nga nag text sakin ng ganito. Oo aminin ko sayo, may konting kirot sa puso ang mga sinabi mo, pero sabi mo nga, para sa ikakabuti na din natin ito pareho. Tatanggapin ko.

Ngayon, lagpas na isang linggo ang nakakaraan. I deleted your number, para di na ako ma tempt na itext ka pa at gambalain. At sana kung maisip mong iconsider kahit man lang pagkakaibigan natin. Wag ka sanang mag atubiling itext ako. Andito lang ako, naghihintay ng text mo.

Salamat, iyong kaibigan,

FOX






Friday, June 17, 2011

Para Sa'yo! 3rd version

" hello daddy!"

Iyan ang unang bati mo sa akin nang una tayong magkakilala sa chat. Ewan ko ba kung bakit malakas ang dating ko sa mga youngster. Daddy kung ituring ako pero hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Isa ka sa mga "nahumaling" sa aking kong kagandahan! choz! 


You asked for my number. And i gave it to you. Maya maya.. nakatanggap ako ng anonymous call. Ikaw pala yun. We talked for almost 3 hours. Dami nating napag usapan. Dami mong tanong. Dami mong gustong malaman. At napag alaman kong bago ka pa lang sa ganitong mundo. Mundo ng mga katulad ko. Mundo ng PLU. Nagkataong nacurious ka sa site na iyon at nakita ko nga.  "new" ang nakakabit sa username mo. Bago ka pa nga lang.

Naglakas loob kang i message ako dahil ayun sa iyo. Striking para sayo ang dating ng aking profile at hindi ka nagkamaling i message ako. Ayun din sa iyo gusto mo ng makakausap na matino. Madalas kasi ikaw ang pinapadalhan ng message. Mostly ng mga message ay sex agad ang hinahanap sayo. At nang makita mo ang aking profile. Na amaze ka kamo. Direct to the point ang nakalagay. Walang paligoy ligoy, Frank masyado. 


Mga ilang araw din tayong nag usap. Ikaw ang laging tumatawag sa akin. At alam na alam mo agad kung kelan ako pwedeng tawagan. Alam mo din kung available ako at hindi masyadong busy. Ikaw ang kusang nag tetext sakin na hudyat para sa akin na ikaw at tatawag.

You asked me kung pwede akong i meet sa personal. Ayun sa iyo, ngayon mo lang gagawin ito, ang makipag meet sa taong nakilala mo lang sa chat, lalo na doon sa site na iyon.  Masyado ka kamong nacu curious sa personality ko. Ibang iba kamo ang dating ko sayo. Bakit? ano ba ang dating ko sayo?

Until one afternoon, you asked me kung pwede tayong mag meet. I asked you kung saan at kung ano plans mo sa meet up natin. You said, gusto mong manood ng movie, mag dinner then later uminom, at sabi mo ikaw ang taya. Oh well, sino ba naman ako para tumanggi! Eh libre yata yun! hahaha

So we decided to meet. Nauna ka sa meeting place natin.Late ako ng 30 minutes. Akala ko nga maiinis ka pero matiyaga kang nag hintay sa akin. At nang makita mo ako, all smile ka pa. Ikaw pa ang unang bumati sa akin. Nalaman mo agad kung ano hitsura ko base sa description ko sayo sa text. At nang lumapit ako sayo, iniabot mo agad ang kanang kamay mo. "hello, kamusta" nakangiti ka, at mahigpit ang pagkakakapit ng iyong kamay sa aking kamay.

Pumila ka agad sa ticket booth, bumili ng 2 tickets, ang movie.. SCREAM4. Gusto ko sana na ibang movie pero ayun sayo napanood mo na yung movie na gustong kong panoorin. Pero gusto mo ulitin na kasama ako. Hindi ako pumayag, siyempre napanood mo na yun. So we decided to see another movie na hindi pa nating napapanood pareho.

Pag pasok sa loob ng movie house, doon tayo puwesto sa itaas. J11 at J12 ang nakaassigned na seats para sa atin. Doon ako sa aisle naupo. Sa umpisa pa lang ng movie, scream na agad. kakatakot, kakagulat. May mga times pa na sayo ako nagugulat, feel na feel mo kasi ang bawat eksena. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nang ipatong ko ang aking kamay sa arm ng chair, nakapatong pala ang kamay mo, nahawakan ko ang iyong kamay, hindi mo ito inalis, hindi ko din inalis ang pagkakapatong na aking kamay sa iyong kamay, mga isang segundo yata iyong. Pero ramdam ko kinabahan ka. Halos nadidinig ko ang tibok ang iyong puso. Kabado ka. Inalis ko agad ang kamay ko na nakapatong sa iyong kamay.

Matapos nating manood ng movie, nakaramdam tayo pareho ng gutom. Inaya mo akong kumain. Sunod naman ako sayo kung saan mo ako dalhin. Sa isip ko tutal ikaw naman kamo ang taya, eh di ikaw ang bahala kung saan tayo kakain. Dinala mo ako sa isang inuman place na malapit sa mall kung saan tayo nanood ng sine. Sabagay, sabi mo nga, kasama sa agenda natin ang iminom, eh di direcho na tayong iinom tapos nating mag dinner.


Nang matapos ang ating dinner, umorder ka ng 4 bottles ng SanMigLights. Doon na tayo nagpatuloy ng ating kwentuhan. Madami ka pa ding katanungan. Mga bagay bagay na gusto mong malaman. Curious ka nga talaga. Akala ko mga simpleng tanong lang ang gusto mong magkaroon ng kasagutan. May isang tanong ka na bigla akong nataranta.  

"Pano ba makipag sex sa kapwa lalaki? Parang gusto kong subukan" 

Hindi ko alam kung seryoso ka ba sa tanong mo o hindi. Hindi agad ako nakasagot. Imbes ay ibinalik ko sayo ang tanong.

"Bakit gusto mong subukan? Kanino mo gustong subukan?" at walang kagatol gatol na sagot mo,

"Sa 'yo?"

Nagulat ako, akala ko gusto mo lang ng company. Gusto mo lang ng kausap, sabi mo kasi nababagot ka at wala kang magawa.  Pero bakit gusto mo na subukan yong bagay na yun? at bakit sakin pa? (Pa inosente epek pa! sabay hawi ng bangs! lol)  

"Teka, sigurado kang gusto mong subukan? as in ngayon na? dadalawang bote pa lang yang naiinom mo lasing ka na agad?" tanong ko sayo.

"Mukha na ba akong lasing? Pero sa totoo, nagdadalawang isip pa ako kung gusto ko nga o hindi. 50-50 pa."

"well kung nagdadalawang isip ka pa, wag mo na ituloy, baka ako pa sisihin mo later" sagot ko sayo.

At parang bigla kang naging desidido.

"No! sure na ako. gusto kong subukan ngayon!"

"As in ngayon na?" paniniguro ko sa yo.

"Oo, sige ubusin na natin itong iniinom natin."

===========================

itutuloy.....



Tuesday, June 14, 2011

Linya...

"Pasensiya ka na at di ako nagreply. La akong load. Isa pa, inisip ko yung sinabi mo kahapon. 
Wag kang mag alala sakin. Siguro para sating 2 na rin ito. 
Wag na nating balakin subukan. Ang mali di magiging tama kailaman. 
Salamat sa sandaling nakasama kita, namulat ako sa ibang kahulugan ng pagmamahal."

* * * * * * * * * * * * *

"Mahirap yun! Masasaktan lang kita and unfair sayo yun. 
Sa umpisa lang masakit. 
Mas mabuti na mag isa ako kesa may ibang tao akong masasaktan. 
Please wag mo na pahirapan ang sitwasyon. 
Ang sinasabi ko lang sayo na appreciated ko na nagkakilala tayo,
Magulo ang mundo ko, wag mo na sana akong paasahin. 
Tanggap ko na ang sitwasyon ko na mag isa lang talaga ako"


* * * * * * * * * * * * *

Sunday, June 12, 2011

Happy Birthday Tatay!!!

To you Tatay!!!
 


 Every year, your birthday reminds me
how grateful I am that you are my father.
With all that’s going on in the world today,
I’m thankful I get to watch you,
to look up to you, being an example of a good man.
What a privilege it is to observe your strength,
your competence, and your kindness.
I am so blessed to be under your wing,
your protection, your care,
learning important life lessons from you.
If all fathers were like you,
the world would be a very different
and much better place.
Happy Birthday, Tay,
from your admiring son..
 
 
Fox 
 
 
 

June 12, 2011
(Today is his actual birthday)

Thursday, June 9, 2011

A Wedding Proposal!!!

If I could, I would!!



Thursday, June 2, 2011

Back to Work!!!

Tapos na!!
Tapos na ang maliligayang araw ng bakasyon grande ko!!
Back to work na ulit. 
Sabagay worth naman ang aking 2 months vacation.
At hindi lang basta vacation,
Vacation with PAY!! heheh
I've been to different places. 
Nakapag full time rest din ako. 
Salamat sa bakasyon grande!! 
Next year ulit!! hehehe