Tuesday, May 31, 2011

Writing Challenge: Si Adora

Ang kwentong ito ay kadugtong ng dalawang naunang kwento na nangyari din sa City of Pines, Ang Baguio.

Part I
Part II

Bago matapos ang CMLI Seminar/Workshop, sa huling gabi ay nagkakaroon ng tinatawag na LITMUS or Literary Musical. Kanya kanyang presentation. Bawat School ay may inihandang presentation. Pwede Choral Singing, Dance Interpretation, Choral Recitation, Drama Play at kung ano ano pa. Sa uri ng bawat presentation, makikilala mo kung taga saan panig ng bansa naggaling ang mga nagsisipag present. May Muslim inspired number at mula ito sa Mindanao. Mayroon namang Igorot inspired number na nagmula naman sa Kalinga Apayao. Kami bilang taga NCR, siyempre hindi papatalo. Isang Choral singing with matching dance interpretation ang aming ginawa.

Pero bago nagsimula ang LITMUS, nag pre selection na ang committee at isa sa bawat region ang kanilang napili. Bukod tanging ang NCR lang ang may 5 schools ang nag present. Siyempre kasama ang school namin. Ay hindi din papatalo ang teacher delegates sa presentation. Since konti lang naman ang kasamang teacher delegates, at hindi naman talaga kasama sa contest, ginawa na lang itong special number.

Si Adora, kasama kong teacher delagate ng aming school,  na naging chaperon din ng mga girls ang isa sa mga namuno para mag conceptualize ng magiging presentation ng mga teacher delegate. Very creative si Adora pag dating sa mga ganyang bagay. Kahit na sa School namin siya pa din ang mostly nag oorganize ng mga school events. Program Coordinator siya actually. At siya din ang Adviser ng CMLI at Student Government. Palibhasay matalino at graduate siya ng Communication Arts sa FEU, Magaling din siya sa Music and marunong din siyang kumanta. In fact tinagurian siyang "Doxology Queen" Born Again Christian by religion kaya madami siyang alam na Christian Songs. At basta pag dating sa mga ganitong concepto, maasahan at lagi siyang on the go.

Abala ang lahat para sa gabi ng LITMUS. Lahat ng mga delegates ay ipinatawag na at mag uumpisa na ang presentation. Exactly 8pm dapat andun na lahat ng mga delegates sa Session Hall at dumating na din ang mga Visitors na galing pa ng Manila. Ang President ng CMLI, hindi ko lang maalala kung ano name niya. 
"Fox (siyermpre hindi yun ang name ko), samahan mo nga ako sa dorm namin.Magpapalit lang ako ng costume." pakiusap niya sa akin. Habang ako naman ay abala sa paghahanap at pag aasist sa mga batang kasama namin. Since ready na naman ang school namin para sa aming presentation at naghihintay na lang ng kanilang number, nagpaunlak naman ako sa kanyang pakiusap.

"Tara na Ate Dora, para makabalik agad tayo " tugon ko kay ate Adora.

Biglang sumagi sa isip ko ang naging experience ko sa pagbalik namin sa dorm. Madilim at makipot na daan na naman ang aming lalakbayin.

Mas nakakatakot ito sa isip isip ko. Bukod tanging kaming dalawa lang ang tao sa Dorm pag nagkataon. Lahat ng mga delegates at nasa Session Hall na. 

Ang Magsaysay Hall ay isang two storey building na kung saan ang room ng mag girls at nasa 2nd floor pa, pero banda sa kaliwa at dulong bahagi ito ng floor. At at CR sa ay hindi functional kaya kailangan bumaba pa ng 1st floor at ito ay nasa dulong bahagi din pero sa kaliwa naman. 

Umakyat muna kami ng 2nd floor para kunin ang naiwang Costume ni Ate Dora. Madilim ang hall way, walang ilaw. Hindi niya kabisado kung saan ang switch ng ilaw kaya pareho kaming nangangapa sa aming paglalakad. 

Matapos kunin ni ate Dora ang kanyang mga gamit, paglabas namin mula sa room ay naglakad kami pakaliwa, patungo sa dulong bahagi ng building at doon matatagpuan ang hagdan patungong CR na nasa first floor. Kataka takang bukod tanging ang CR lang ang may ilaw sa buong building. At pagtapat pa lang namin sa hagdan paibaba ay tapat agad ang CR. Maliwanag ang CR. Pakiramdam ko ay para kaming galing sa karimlan at ang pinto ng CR ay parang pinto ng kalangitan na buong ningning na nagliliwanag. Kakaibang ang liwanag, Kakaiba din ang aking pakiramdam nung mga time na iyon.

"Fox bantayan mo ako diyan sa pinto, magbibihis lang ako" pakiusap ni ate Dora sa sakin at direcho siyang nagtungo sa loob at habang ako naman ay nag aabang sa kanya sa pinto. 

Maliwanag ang loob ng CR, samantalang sobrang dilim naman sa labas. Malaki ang CR. Makipot ang unahang bahagi ng CR. Pag pasok sa pinto sa may limang lababo agad sa kanan at may nakatapat na mahabang salamin na medyo nakayuko ng bahagya. Paglagpas mo ng lababo, sa kanang bahagi makikita mo ang 5 cubicles at 5 shower rooms na magkakatapat Siyempre, ako na habang nagbabantay kay ate Dora, mas pinili kong mag antay na lang sa loob na maliwanag kesa sa labas na madilim.

Para malibang libang at ma divert din ang aming attention ni ate Dora sa ibang bagay, nagkwentuhan kami kahit siya na nasa loob na bahagi ng CR at ako na nasa bandang pinto lamang.  Medyo makwento si ate dora habang siya ay nagbibihis sa loob. Tawa siya ng tawa kasabay ng kanyang mga kwento ng mga nangyari sa Session Hall. Habang nakikinig sa kanyang mga kwento, nakikitawa din ako.

Sa aming kwentuhan, medyo napapatagal ang kanyang oras na pag stay sa loob. Since ako lang ang nasa bahaging pinto na nag aantay sa kanya, humarap ko sa mahabang salamin. Nag hilamos ng mukha. tamang tama, may nakaiwan ng sabong mabango na tila bagong gamit pa lang. Naghugas ako ng aking kamay, naghilamos ng aking mukha. Habang kinukuskos ko ang aking mukha, at gawa ng sabon na medyo pumasok sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng pagkahilam, napapapikit ako dahil sa hilam mula sa sabon. 

Patuloy pa din si Ate Dora ng kanyang pagkukwento. Ako habang naghihilamos ng mukha sa harap ng mahabang salamin. At pag pikit pikit ng aking mata, biglang akong kinilabutan sa akin nakita. Mula sa reflection ng mahabang salamin, may nakita akong isang anyong tao na nakasuot ng belong kulay itim na naglakad sa aking likuran. Naka Side View siya. Hindi ko nakita ang kanyang mukha.  Nanlaki ang aking mga mata, at bigla akong napatingin sa likod. Wala akong nakita kahit ano. Dali dali akong naghilamos upang makasiguro kung ano yung aking nakita sa reflection na mahabang salamin. Baka akala ko ay isang malikmata lang ang aking nakita. Kumakabog na ang aking dibdib dali dali akong nagpunas ng aking mukha gamit ang aking panyo. At muli akong napatingin sa mahabang salamin. Putang ina!! ang anyong taong nakita ko na nagdaan sa likod ko at bumalik at naglakad uli patungo sa kabilang direction.

Nung mga time na iyon.. hindi ko na naririnig ang boses ni ate Dora, pero ang totoo, kanina pa ako tinatawag ni ate Dora kung andun pa daw ba ako. Tawag siya ng tawag sakin at bakit daw hindi ako sumasagot.

Saktong kakatapos lang ni Ate Dora sa kanyang pagbibihis at tila yata nagtaka din siya kung bakit hindi ako sumasagot sa kanyang tawag, nang biglang lumabas si ate Dora ay nakita niya akong nakatulala at hindi kumikibo. Saktong nawala ang imahe ng babaeng nakabelong itim na nakita ko mula sa reflection ng mahabang salamin.

"Fox, anong nangyari sayo? Bakit di ka kumikibo diyan. Kanina pa kita tinatawag akala ko iniwan mo na ako." " At bakit parang namumutla ka at pinagpapawisan?"

"Kasi Ate Dora.. Kasi. may, may nakita ako.... Tara na alis na tayo dito.."

Nagtataka man si ate Dora, hindi na niya nagawang magtanong pa at dali dali kaming lumabas ng CR at ng Building. At nagtungo na kami ng Session Hall.

========================================

Ilang buwan din ang lumipas bago ko naikwento ng buong buo kay Ate Dora ang nangyari sa akin sa Baguio..


Mga ilang pangyayari na din ang naikwento ni Ate Dora tungkol sa kanyang sariling karanasan sa Baguio City. Isa na dito yung time na nag CR din siya isang beses na maliwanag pa at habang nagsoshower daw siya ay may biglang naghagis ng buhangin sa kanya mula sa bintanang maliit na katapat ng shower. Nagtaka siya kung saan nanggaling ang buhangin at bakit may may hagis mula sa bintanang maliit. Nang tingnan niya at silipin niya ang bintana ay isa bangin ang katapat nito. Kaya kataka taka daw na may aakyat dito para lang hagisan siya ng buhangin. 

=======================================

Year 2010, August... Na stroke si Ate Dora at hindi na siya nakarecover from comatose, SLN.









Sunday, May 29, 2011

What's Wrong?!?

What's wrong with Blogspot? I can't sign out!!

Friday, May 27, 2011

In response to Anti RH Bill



This is why I am PRO RH Bill....

Saturday, May 21, 2011

At last!!!!

Isa sa mga kakilala, ka chat, kaharutan, kaburautan, kakulitan ko sa Twitter world ang aming nakasama at nakatagayan. Mula sa kabilang panig ng mundo at umuwi dito sa pinas upang magbakasyon. Siya ay nag pa unlak sa aming imbitasyon na siya ay aming makatagayan. Salamat sa iyo kaibigan. Salamat sa time mo sa pagpapaunlak mo na kami ay makasama. Hindi mo man na meet lahat ng mga kasama ko pero nirepresent ng ilan sa amin ang buong group. Hanggang sa muling pagkikita!!

Thursday, May 19, 2011

Usapang Multo!! part 2

 Part I

First day of actual activities,

Tuwing may general assembly ng mga delegates, lahat nagpupunta sa session hall ng Teachers' Camp. Medyo malayo sa Magsaysay Hall kung saan kami nag stay ng mga boys. Bago mag start ang sesssion, at 7am we would go to the Mess Hall para mag breakfast then 8am punta na sa Session Hall para sa kanilang first activity of the day. Ako bilang  chaperon ng mga bata.. may activity din kami together with other teacher delegates at nagkikita kita na lang kamin ng mga bata sa Mess Hall pag Lunch,  at tapos ng activity for the day, doon ko na sila sa quarter namin nakikita.

Busy lahat ang mga delegates sa kanya kanyang mga activities, pati na din ang mga teacher delegates. Kanya kanyang mga lugar, merong sa Session Hall, meron sa Field, meron sa garden  at kung saan saan pa. Isa sa mga activities ay ang pagpaplano ng mga gagawing prresentation para sa LitMus or tinatawag na Literary Musical. Para itong isang Culminating activity sa ginagawa ng mga school delegates at ipipresent ito on the last night of the Seminar workshop.

Madalas sa minsan, almost 8pm na natatapos ang activity for the day, depende sa mga groups, may mga groups na maagang natatapos, may mga groups din na late na natatapos ng kanilang mga activities. Ganun din ang mga teachers delegates, may mga activities din kaming gabi na natatapos. Kaya minsan pag uwian na, at balik na sa kanya kanyang quarters ay kailangang umakyat baba ng hagdan at pasikot sikot at madilim na daan patungo sa aming quarter.


Nang unang gabi na matapos ang whole day activity. May ilan sa mga kasama kong boys ang hindi pa bumabalik sa aming quarter. Usually dapat by 8pm nasa kanya kanyang quarter na lahat ng delegates at may curfew time ng around 10pm. Almost 9pm na ay may 2 delegates pa ang hindi bumabalik sa aming quarter.

Noong mga panahong iyon di pa naman masyadong uso ang cellphone at wala akong way para makontak ang dalawang bata na nawawala.


Siyempre ako ang kanilang chaperon, kargo ko sila kung ano man ang mangyari sa kanila. Kaya nag pasama ako sa isa sa mga alaga kong boys at pumunta kami sa Session Hall kung saan andoon ang office ng mga namumuno ng Seminar Workshop at tanungin kung may mga groups pa ding naghohold ng kanilang activities.


On the way to the Session Hall, aakyat baba ng hagdan at malayo layo din naman ito sa Magsaysay Hall. May mga daan na walang ilaw, kaya kailangan mong mangapa at baka sa maling hakbang ay siguradong sa mabangin na bahagi ang bagsak mo. Kasama ang pinaka leader ng group of delegates, binagtas namin ang daan patungo sa Session Hall. Dala na din ng experience ko nung unang gabi, aminado akong may takot ako kaya nagsama ako ng isang bata.

Nililibang namin ang isat isa sa pagkukwentuhan habang kami ay naglalakad. Pansin ko na medyo palingon lingon ang batang kasama ko habang kami naglalakad. Sinabihan ko siya na direcho lang ang tingin niya at baka may makita siyang kakaiba na ikatakot namin pareho.

Naka akbay ako sa bata habang kami naglalakad at patuloy ang aming kwentuhan na naka focus sa ibang bagay para madivert ang attention namin.  Mga ilang sandali pa ay narating namin ang Session Hall. At sa aming pagtatanong, na ayon sa mga organizers ay wala na daw mga delegates na nag hohold ng activity sa ganung oras. Inireport ko na din na may two boy delegates from our school and hindi pa bumabalik sa aming quarter. Kaya wala din kaming nagawa kundi ang bumalik sa aming quarter. Sa loob ko.. eto na naman ang aming struggle, tatahakin na naman namin ang daan pabalik sa aming quarter. Kaming dalawa lang ulit ng aking kasama ang babalik pababa sa aming quarter.

Same way ulit ang aming tinahak. this time naman.. pababa, sa parehong hagdan na aming inakyat. Dadaan ulit kami sa mga parteng madidilim. Bago pa kami umalis sa Session Hall, may tila kumakabog na sa akin dibdib. Kahit alam kong may kasama naman ako pero kakaiba ang aking pakiramdam. Pero no choice kailangang bumalik din kami at dumaan ulit sa aming dinaanan patunong Session Hall.

Sabi ko sa sarili ko, kailangan lakasan ko ang aking loob at huwag magpakita ng takot sa aking kasama. Umalis na kami at ganun pa din ang strategy na ginawa ko. Makipag kwentuhan sa batang kasama ko at ifocus sa ibang bagay ang kwentuhan para malibang.

May maliit, makipot at madilim na bahagi ng daan na kung saan ay may dalawang malaking Pine trees na halos magkadikit. Mga isang dipa lang ang pagitan. Madilim ang bahaging iyon at kailangan ng maingat na kilos at paglalakad. Dangan kasing hindi ito nilagyan ng kahit man lang maliit na ilaw para makita ang dadanan.

Pinauna ko ang batang kasama ko. Medyo nangangapa din siya sa kanyang pag lalakad. Hindi pa man siya nakakalayo nang biglang namalikmata akong nakita siya na may isang puting bagay na kung ano ang nakasunod sa kanya. Putang Ina!.. White Lady! Nakatalikod ito at sinusundan niya ang batang nauuna sa akin. Napahinto ako ng aking paglalakad at gustuhin ko mang humakbang ay parang may pumipigil sa aking mga paa. Tinatawag ko ang bata, pero walang lumalabas na boses sa aking lalamunan. Hindi rin ako napapansin ng bata na unti unti siyang napapalayo ng distansiya mula sa akin. At habang siya ay papalayo, nakikita ko pa din ang White Lady na nakasunod sa kanya. Kitang kita ng aking dalawang mata!. Nung napansin na nung bata  na hindi na ako nakasunod sa kanya ay bigla itong lumingon at sabay nawala ang puting imahe na nakasunod sa kanya.

Tinawag ako ng bata. Maski siya parang nag alala na hindi na ako nakasunod sa kanya. Bumalik ang bata at tsaka lang ako nakakilos at nakapagsalita ng nawala na sa paningin ko ang White Lady. Hindi ko ipinahalata at kinuwento sa bata ang nangyari. Baka matakot at bata at magtatakbo ito at akoy tuluyan iwan. Sinabi ko na lang na nahirapan akong mangapa ng daan dahil sa madilim nga ang parteng iyon.

Kabog ang aking dibdib at medyo napansin ng bata na ako'y pinagpapawisan samantalang malamig naman ang panahon nang mga oras na yun. Nakabalik kami sa aming quarter nang hindi nalalaman ng bata ang aking kakaibang experience.






Wednesday, May 18, 2011

Usapang Multo!!

Bagong trend ngayon sa blogging... mag kwento ng mga kakaibang experience about paranormal experiences. Inumpisan ito ni Mugen. About sa kanyang experience while working on a nightshift. I would like also to share my experience and see if you have the same experience.. here it goes.

Way back in October 1993, my first time to Baguio.. yeah.. first time kong makapunta ng Baguio City to attend a seminar workshop with bunch of High Schoolers. Together with a female co-teacher, we were asked to attend and accompany at the same time 12 high school students, 6 boys and 6 girls. This was sponsored by Children's Museum Library Incorporated (CMLI) which annually holds a workshop seminar in Baguio.I just dont know kung nag e exist pa itong non government org na ito.  They usually  invite highschool students nationwide to attend this Leadership Training Seminar/Workshop which aims to develop students to become future leaders.

And the venue, the famous Teachers' Camp, along Lenard Wood St. Known for its ghost stories na nababasa ko sa mga kwentong kakatakutan.

 We arrived at the place almost midnight na. And since the place is huge and the houses/boarding houses  are far distant to one another. Me and the boys were assigned to occupy the Magsaysay Hall and those girls were assigned to the so called White House (saki kulay puti yung building) .  At the Magsaysay Hall, we occupied a room which has 7 separate beds. Sakto lang para sa aming lahat. Unfortunately, sakin napunta yung gitnang bed. which is directly opposite to the entrance door. Sabi nila... masama daw nakatapat ang bed sa pinto.

Since gabi na kami dumating, konting ayus lang ng gamit ay nagpahinga na muna kami at start na agad kinaumagahan ang first activity. Around 4am tingin sa aking relo, sa kalagitnaan ng aming pagpapahinga, palibhasay namamahay ako sa lugar, hindi ako dalawin ng antok kahit pagod na pagod sa biyahe. nakapikit lang ako pero gising ang aking diwa. Mababaw lang ang aking pagkakaidlip at maya maya ay tila parang  pinagpapawisan ako. Katakataka, malamig naman sa baguio at bakit ako pinagpapawisan. Madilim ang room, patay ang ilaw... tanging liwanag lang sa  lamppost na malapit sa bintana ang nagsisilbing liwanag sa buong room. Ang headboard ng akingbed at nakasandal sa wall.. at ang pananan naman ay nakatapat sa pinto. Nakapikit ako at hindi mapakali sa aking kinahihigaan. Pinagpapawisan..  pero malamig ang hangin na pumapasok mula sa bintana. Tulog na lahat ang aking mga kasama.. Nadidinig ko pa na ilan sa kanila ay naghihilik.

Nang tangkain kong tumayo mula sa pagkakahiga para tingnan kung may gising pa sa aking mga kasama.. Namangha akong napatingin sa pinto na tapat ng aking kama. May isang anyong kulay itim na tila hugis ng isang lalaking nakatalikod at nakaharap sa pinto. Mga ilang segundo ko itong tinitigan, inaninag sa pag aakalang baka isa ito sa mga kasama ko na gising at gustong lumabas ng aming room. Maya maya, biglang naglaho ang aninong itim. Tumagos ito palabas sa pinto. Kinilabutan ako sa aking nakita. Gusto kong sumigaw pero hindi ako makasigaw. Napabaligwas ako at humiga at nagtalukbong ng kumot. Hindi na ako nakatulog. Ramdam ko ang takot pero kinalma ko ang aking sarili..hindi na ako nakatulog mula noon..

kinabukasan...

=====================================

itutuloy...

Monday, May 16, 2011

Mga Ginagawa ng Walang Magawa..

Bakasyon, walang pasok. Walang work! tambay! Walang maisip kung ano dapat gawin. Kaya eto ang mga bagay bagay na ginagawa ng mga walang magawa.

1. KUMAIN - Pucha! puro na lang pagkain ang naiisip ko dito pag nasa bahay ako.. napapadalas ang merienda ko.
Nabili ko lang sa kanto.


sarap diba?
Merienda na nabili ko kay Manang...


2. MATULOG - I'll go to bed at 2am.. gigising ng 11am.. matutulog ulit ng mga 4pm.. gigising ng 7pm. everyday yun. hehehe. Late Sleeper ako pero early Riser naman kapag may pasok.

Ganyang position ang pinakamasarap kong tulog. May kayakap ng unan..
3. MALIGO -. Sa panahon ngayon na sobrang init, hindi lang isa o dalawang beses akong maligo. Minsan umaabot ng hanggang apat na beses. Minsan lima pa.. depende kung sobrang init talaga. 24 hours naman ang tubig dito sa amin. one to sawa sa tubig.

bagong paligo...




4. MAG MALLING - kung saan saang SM mall na yata ako nakapunta.. bilang souvenir.. eto mga ilang  SM mall na napuntahan ko nitong bakasyon.. hahaha (sensiya na.. SM mall lang ang mostly na napuntahan ko. Ako na ang isa sa mga stockholders ng SM Holdings! hahaha)






5. MAG ONLINE SA NET - tuwing nag oonline ako.. ito lang naman most of the time ang pinupuntahan ko. Blogspot.com, FACEBOOK, Twitter.com at Yahoo messenger.  At minsan YOUTUBE.com





6. MOVIE - mahilig din akong manood ng mga movies. Eto ang ilan sa mga movies na napanood ko lately..





7. Manood ng TV - dito lang sa channels na ito umiikot ang TV veiwing habits ko.. hehehe Wala kaming cable eh.. kaya UHF channels lang..






8. At iba pa.. (go figure them out) hehehe






Wednesday, May 11, 2011

Random Thoughts #5

Since mag start ang vacation, medyo naging busy ako sa paglalakbay. I've been to many places, like Iloilo, Guimaras, Bacolod, Laguna and Baguio. At kahit paano nakapag unwind ako from my very stressful work. Medyo tinatamad na din ako mag blog. Wala akong maisip na good and interesting blog entry. Kaya eto ramdom thoughts na naman ako. hehehe

1. I've just celebrated my birthday with the engkantos. Na touched naman ako sa birthday greeting na ginawa ni Papa Pilyo para sakin. Ako daw ang THOR ng buhay nila.. hahaha Kaso parang may pagka selfish yata ang kanyang greeting. Ayaw niya akong maging taken. Para wala daw silang kaagaw sakin. hahaha Pero ok lang.. kung destined talaga akong maging single para sa kanila, so be it. Thankful din ako kahit di lahat nakarating but at least they remembered my special day. Thank you to all my kapatid na engkantos. You always make me happy. 

2. Nag renew ako ng aking driver's license kahapon. 2 days lang ang lagpas sa expiration date may penalty na agad ng P75.00. Pero ayus lang. at least nakapag renew na ulit ako and this will expire on my birthday in 2014. Three hours lang naman akong nag process ng license renewal ko. From Urinalysis to medical exam to appication. inabot lahat ng almost P900 ang nagastos ko. Habang naghihintay na tawagin ang aking name, medyo naaliw din naman ako sa kaka sight ng mga eye candies. Karamihan sa kanila nag aapply ng student permit. Yung isa nga naka kwentuhan ko pa habang naghihintay. Sayang nga lang di ko na getching ang name at number niya.. hahahaha.

3. Kahit vacation pa ako, nagpunta ako sa office kanina to get the order ng uniforms ng mga kasama ko. Ayun, apat lang ang nag order. Yung iba next time na lang daw pag may pera. Eh kakakuha lang ng mid year bonus and i told them na mag order na agad para isang puntahan na lang sa supplier ng uniform. Oh well.. since apat lang ang nag order, apat plus ako, limang orders lang ang bibilhin kong uniforms. Bahala silang pumunta sa supplier. Ayaw ko na ng pabalik balik. 

4. Lately medyo nag eenjoy ako sa pag oonline sa twitter.com. 2nd account ko na actually. Nag delete ako nung 1st account ko dahil lang sa tinamad ako. Hehehe. But not this time. Mukhang enjoy ngayon ang atmosphere sa twitter. May mga new found friends ako. Andiyan sila Astroboi, Handyman_ph, Carlodlopez, Claudiopoy, greatkid_08, ewankojohn, Jap_nishi, MsChuniverse, MarioBro28, Nimmychan, Dhouseboy, LouieSantos, boybakulaw, Ceiboh, DocCed  at marami pang iba. Siyempre di mawawala ang mga dati ko nang nakakausap sa twitter, sila soul_jacker, notthewimpykid, Rain_darwin, Worlack, Marhk, Mksurf8, Popoy, Maxwell, nubadi, mybleedingangel, xallthethird, mynameisewik, iamshoti, at marami pang iba. May na meet din akong bagong friends from twitter. and soon to meet.

5. May bagong additional member na naman ang mga engkantos. Nadagdagan na naman ng isa ang aking mga junakis. Long time friend siya ni Mugen at ilang beses ko na din siyang nakasama sa tagay. He's such a nice guy. Ok siyang kasama. walang kiyeme. Nakasama ko na din siyang manood ng movie, kaming dalawa lang. And take note, siya pa ang nanlibre sakin. hahaha. Hopefully magtagal siya sa group namin. With papa joms around im sure he will. Welcome to the world of engkantadiya Papa Rocco.

So there, yan lang muna ang aking Ramdom thoughts....

Monday, May 9, 2011

Ang makulit at malungkot na batang si FOX Part II

 part I


Pansamantalang na lay off si Nanay sa work. Kulang ang sweldo ni Tatay pantustos sa pag aaral naming limang magkakapatid. Naisip ni Nanay mag negosyo. Ang pagtitinda ng gulay. Hindi lang basta pag titinda, inilalako pa. Nakalagay sa isang bilao at inilalako sa kung saan saan. Katulong ako ni Nanay bitbit ang isang bayong na puno ng gulay at si Nanay at isang bilao na nakapatong sa kanyang ulo. Nagbabahay bahay kami aming lugar para maubos ang mga gulay na inangkat pa namin mula sa Balintawak na sentro ng bagsakan ng gulay mula sa Baguio. Sa maghapong maglalako ng gulay, sapat na yun kita para sa pambaon naming magkakapatid sa school. Kapag hindi nagtitinda si nanay, tumatanggap din siya ng labada para dagdag na kita din yun para sa amin.

Bata pa lang ako, nasanay na ako sa gawaing bahay. Pati na ang pagluluto natutunan ko agad. Tuwing may pasok sa school, ako lang ang naiiwan sa umaga. Lahat ng mga kapatid ko ay pang umaga ang pasok at sila Tatay at Nanay naman ay pumapasok din sa pabrika na malapit lang sa amin. Ako lang ang naiiwan sa bahay, pang hapon kasi ang schedule ng pasok ko sa school. Bago ako pumasok, handa na ang lahat. Ang kanilang tanghalian, idadaan ko pa sa pabrika ang lunch na kakainin ng aking mga magulang bago pumasok sa school.

Sa murang edad, natuto na ako mag survive. Gumawa ng paraan para mabuhay. Dahil nga sa kakulangan ng pera, lingid sa kaalaman ng aking mga magulang, nag iipon ako ng mga lumang diyaryo at mga bote garapa na hinihingi ko sa aming mga kapitbahay na siyang ibinibenta ko sa junk shop. Sapat na iyon lang makaipon ng pambaon sa school sa buong isang linggo. Mahirap ang buhay noon. Mura nga ang pamasahe at bilihin, pero mura din ang minimum wage na nakukuhang sweldo ng aking mga magulang. Sapat lang talaga para makabuhay ng isang pamilya. Ang tanging bilin saming magkakapatid ng aming mga magulang ay pagbutihin ang pag aaral, wala man silang material na bagay na maipamamana sa aming magkakapatid pero ang edukasyon ang tanging mahalaga na maipamamana nila sa amin kaya pinag sisikapan nilang maiahon kami sa aming pag aaral. 

Grade 5 lang ako sa elementary, bakasyon, inihabilin ako ng aking mga magulang sa aking kamag anak. Doon ako pinatira, hindi para maging kasambahay ngunit para mayroon makakasama ang aking mga pinsan na higit na mas matatanda sa akin. Dalawa silang babae (kambal) pareho pang mga nag aaral ng kolehiyo. Dahil sa kagustuhan nilang magkaroon pa ng bunsong kapatid at lalaki ang gusto nila. Napag desisyunan nila na akoy ampunin. Agad na pumayag ang aking mga magulang. Paghahanda nila siguro sa nalalapit na pasukan, Na sa tingin nila.. hindi nila kakayanin na ako'y papag aralin sa high school. Graduating sa highschool ng aming panganay at 2nd year high school naman ang aking kuya, Tiyak na malaking gastos ang kanilang kakarapahin pag pumasok na sa kolehiyo ang aking ate, ang aming panganay. 

Noong mga unang buwan, hindi ko na isip na ang pag pisan ko sa aking mga kamag anak ay isang pagpapa ampon. Sa totoo, nag enjoy naman ako, dahil doon ko naranasan ang magkaroon ng medyo maluwag na pamumuhay. Nakakakain ako ng masasarap na pag kain, nabibilhan ako ng mga laruan. Pero may mga gabing umiiyak ako dahil sa kalungkutan. Namimiss ko ang aking mga kapatid. Ang aking mga magulang. Wala ako sa piling nila. Ako, na nagpapasasa sa medyo maayos na buhay samantalang ang aking mga kapatid ay patuloy na nakikibaka sa kahirapan ng buhay. Dumating ang pasukan, pareho ding school ang aming pinapasukan, Grade 6 ako noon, Grade 4 at Grade 3 naman ang aking dalawang kapatid na babae, magkaiba lang kami ng inuuwin. Sa school lang kami nagkikita kitang magkakapatid. Kapag may sobra, bibigyan ko ng extrang baon tuwing nakikita ko ang aking dalawang kapatid sa school. Sa kanila ko kinakamusta sila nanay at tatay.

==================

may kadugtong pa....


Saturday, May 7, 2011

Only in the Philippines...

Sa paglilibot at pag bobrowse sa mga pics ng Facebook ng aking mga kaibigan, nakita ko ang mga samut saring Signs, Notices, Billboards, na dito lang makikita sa Pilipinas.


Bawal Daw magbasa ng Newspaper, kasi nalulukot

Bili na daw kayo ng BedSheets.. ibat ibat klase

Kung gusto niyong magpa repair ng kung ano anong sirang gamit, hanapin niyo lang daw Si Mr. BBOY ALULOD

Bili na kayo ng Grand Matador! Long Neck

Sino Gusto Sumali sa Videoke Contest? Sali Na!

Bago Mag Withdraw sa ATM na ito.. dapat Magaling sa ka Math

Jejomon yata ang MMDA na Gumawa nito..

Meron kayang Sign na gaya nito para sa mga TATAY? LOL

Kaya kung makakakita pa kayo ng mga ganitong klase ng Signage.. for sure dito lang yan sa Pilipinas. Hehehe