Tuesday, September 28, 2010

Random Thoughts..

Walang ma ipost.. di ako masyadong nag uupdate nitong blog ko. Most of the time puro basa lang ako ng mga blogs na sinusundan ko. Kaya para at least may ma ipost lang.

1. 88 days to go, it will be Christmas day na. Parang kelan lang. Ang bilis talaga ng takbo ng oras. And 1 week after bagong taon na naman.. 2011. Ano na naman kaya ang hatid satin ng taong 2011? Last Christmas, naging masaya naman ito para sa akin. Nakasama ko mga mahal ko sa buhay. Family.. friends... Sa mga engkanto kong kapatid, ano kaya plano natin this christmas?

2. Single na naman ulit ako. hahaha. Pressured ba ako about that? hindi naman. nagkaka phobia na nga yata ako na makipag relasyon eh. Yung last relationship na pinasok ko, ewan!.. wag na lang nating pag usapan. Di rin naman ako bitter sa nangyari. Ako kasi, i always believe na pag natapos ang isang relasyon, hindi ito kawalan para sa akin. I gave my best effort para gumanda ang takbo ng relasyon. pero sabi nga..it takes two to tango.. pero naging one way traffic lang eh. Sayang kung sayang. Pero ganun talaga eh.

3. Sa work, medyo tinatamad ako lately. Hindi ako inspired. Lalo na kung ang boss ko mismo ang nagbibigay sakin ng dahilan para tamarin pumasok. Kampon yata ni satanas yung boss ko eh. Halos lahat kami, tinatamad mag work. Pero since its our obligation. No choice kundi gawin ang aming duties and responsibilities. Pero namunuro na tong boss namin.. Lapit ka na.. bilang na mga araw mo kupal ka!!!.. hahaha.

4. Pressured din ako lately sa masteral studies ko.. lapit na finals.. at next saturday mag rereport na ako. Kulang sa oras, pero kakayanin. At dapat kayanin. We have only two meetings (saturdays) na lang and finals na.. Haaays.. 9 units din yun. Ilang units pa bubunuin ko para matapos.

So there, yan lang muna ang ramdom thoughts ko... mga tumatakbo sa isip ko lately.


13 comments:

  1. Dapat nomo nomo tayo after your finals! Hehehe

    Break a leg fox!

    ReplyDelete
  2. Ngayong pasko, sisimulan kong mag-aral magmaneho. Para cool.

    Cool din maging single.

    Sunugin na yang boss na yan.

    Wow. Masters. Ikaw na. Balang araw, pag naka ipon na ako, magmamasters din ako.


    Ayun. Pinatulan ko random thoughts mo. Lol.

    ReplyDelete
  3. @mugen

    yeah.. nonomo tayo tapos ng finals.. it's a celebration!!! hehehe

    @wanderingcommuter

    yup. kailangan talaga ng focus!!! kundi masisiraan ako ng ulo.. hahaha

    @Ex Jason

    salamat sa pagpatol mo sa ramdom thoughts ko. hahahaha

    ReplyDelete
  4. ako rin gusto kong mag M.A kaso ang mahal ng professional course na gusto ko..hehehe

    ReplyDelete
  5. @maginoongbulakenyo

    kailangan din kasi i upgrade natin sarili natin professionally.. para di tayo ma stock up.

    go for it.. good luck

    ReplyDelete
  6. 1. nagka-countdown din ako. apir! nagtatabi ako ng P100/day simula nung 100 days before Christmas para may 10k ako sa pasko. lol.
    2. masaya maging single. tahimik buhay. haha.
    3. booooo to evil bosses!
    4. good luck sa finals, yakang yaka mo yan! ;)

    ReplyDelete
  7. @jc

    naks.. 10k.. gift ko sa christmas ah.. lols

    thanks.. kakayanin ko.. kailangang kayanin..

    ReplyDelete
  8. gift? libre na lang kita ng... kape, yung 3in1. lols.

    ReplyDelete
  9. @jc

    bakit 3in1 coffee lang? kung pwede namang SML.. hahaha

    ReplyDelete
  10. @ JC & Fox - Get a Room! bwahahha :P


    ehehe..seriously, good luck sa finals mo tsong and yeah kainis ang bilis ng araw, december na ulit, mag pebrero na hayyyst i will turn 27 na choz! and wala pa rin akong balentayms eheheh :P

    ReplyDelete
  11. good luck sa studies mo gusto mo turuan pa kita ng cheating skills hehehehe

    @soltero uwi ka na kasi sa pinas eh im sure sobra dami ang gusto makipagdate sa yo kung alam mo lang

    ReplyDelete