Friday, October 26, 2007

I'm Back!!!!

It's been a long time since i posted my last blog here.

well.. what's new with me right now? hmmm let me think.... ahhh i've got a new phone... hehehe. i bought it last october 13... from the money i received from GSIS early this october. It's a new cellphone... this time i'll make it sure i have to be extra careful. Remember my previous entry? In which i've lost my 2 cellphones... hmmm.. this time... i'll take care of it. Mahal kaya ang bili ko dito... sana naman wag na mawala..

whatelse?

hmmm... i'll think first...

to be continued....

Tuesday, October 2, 2007

Cyber Exploration ( Last Part)

Oktubre, taong 2005, unang pumasok si caretaker sa yahoo chat room.. nakilala niya si Alex, isang duktor ng medisina, 29 anyos, mula sa bayan ng Las Piñas. Sa una nilang pag uusap sa chatroom ay nagpalagayan agad sila ng loob. Mga ilang minuto lang silang nag usap sa chatroom nag tanungan agad sila ng mga personal na bagay gaya ng ASL o acronym ng salitang AGE, SEX at LOCATION na karaniwang tinatanong kapag nag uumpisa pa lang nag uusap ang dalawa tao sa chat room. Hindi pa man masyadong nagtatagal ang kanila pag uusap at hiningi agad ni Alex ang numero ng telopono ni caretaker upang sa gayon ay magkausap sila nang naririnig ang boses ng bawat isa. At agad na lumipat sila sa telepono at ipinagpatuloy ang kanilang pag uusap.

Sa umpisa, andoong magkahiyaan sila at maiging pinagkikinggan ang boses ng bawat isa na sa tingin nila ay mahalagang bagay na mag sisilbing daan kung ipagpapatuloy pa nila ang kanilang pag uusap. Hindi lingid sa bawat isa, gustong nilang marinig ang boses upang mapatunayan kung ito'y boses ng isang lalaki , astig o matigas na boses at hindi ang boses ng tinatawag na effeminate na salitang ginagamit para matukoy kung ang isang lalaki ay malamya sa kilos o pananalita. Si caretaker, sa simula pa lang ay matigas na ang kanyang boses at yun ang kanyang natural na boses na ginagamit sa pakikipag usap. Nang marinig niya ang boses ng kanyang kausap sa kabilang linya ng telepono, hindi pa man niya nakikita ang mukha at hitsura ng kanyang kausap ay nakasiguro na agad siya na ito'y isang matikas at astig na lalaki. Na ayon sa kanyang kausap, ito raw ay talgang astig at matikas sa kilos at pananalita, na lalong nagbigay ng interest kay caretaker upang ito'y kausapin.

Maraming bagay ang kanilang napag usapan nang gabing iyon na halos tumagal ng 5 oras at hindi man lang namalayan ang pagsikat ng araw. Isang bagay ang hindi pa nagagawa ni caretaker ang makipag usap sa telepono ng ganoong kahaba at katagal. Mula noon ay halos gabi gabi na silang nag uusap sa telepono. At sa tuwing sasapit na ang gabi, ramdam ni caretaker ang kasabikan makausap muli ang unang taong kanyang nakilala mula sa cyberworld.

Dumating ang buwan nang Nobyembre, isang buwan na ang nakakaraan mula nang una silang magkakilala ni Alex sa yahoo messenger. Isang gabi ng sabado, natanggap si caretaker ng isang text message mula kay Alex at ito'y nag aaya meet up. Katuwiran niya'y wala siyang magawa at gusto niyang uminom. Sa isip ni caretaker, isa itong bagong ideya at wala namang masama kung makikipag meet up siya kay Alex, kung sabagay. matagal na rin naman silang nagkakausap nito at siguro ito na ang pagkakataon upang magkakilala na sila ng lubos. Ngunit sa kabilang banda, takot ang naramdaman ni caretaker sapagkat hindi natural sa kanya ang nagkikipagkita sa isang tao ng basta basta. At nasa isip din niya kung ano ang idadahilan niya sa kanyang mga magulang kapag umalis siya ng bahay at siguradong uumagahin na niya ng uwi. Sa kabila noon, nanaig pa din sa kanya ang kasabikan makita at makasama ng personal ang unang taong nakilala at nakausap niya sa telepono ng matagal na mula sa cyber world. Kaya nagpasiya siyang mag reply sa text message ni Alex at sumang ayon sa imbitasyon nitong makipag kita

Sakay ng isang Bus, tumulak patungo si caretaker sa lugar na kanilang napag usapan. Habang nasa bus siya at patuloy silang nagpapalitan ni Alex ng mga text messages. Isang text message mula kay Alex ang nagsabing "Sir, wag kang mag expect sakin ha? Hindi ako gwapo." na may himig ng pag aalinlangan. "Ano ka ba? Hindi naman ako tumitingin sa hitsura ng tao no!" reply ni caretaker. Isang pagsisiguro na laging sinasabi niya sa tuwing si Alex ay nag aalinlangan at nagsasabing hindi daw siya gwapo.

Eksaktong alas nuebe ng gabi. dumating si caretaker sa lugar na kanilang pinag usapan. Malayo pa lang siya ay tanaw na agad niya si Alex na naka suot ng T shirt na grey at naka maong pang na sakto sa kanyang ibinigay na deskripsyon. Sa unang pagtama ng kanilang mga mata, nakaramdam si caretaker ng pagka ilang. Kung hindi lang niya nadidinig ang boses ni Alex., iisipin niyang hindi ito ang kanyang kausap sa telepono nang halos gabi gabi na walang puknat. Sapagkat kung ikukumpara ang boses sa hitsura ng kaharap at kausap ni caretaker, malayo ito at hindi mo mapagkakamalang isa siyang Doktor. Mataas na tao si Alex at kayumanggi ang kulay na kaiba sa mga karaniwang Doktor na nakikita niya. "Mukha siyang kargador hindi Doktor" sa isip ni caretaker. Hahaha

Nilakad nila ang daan patungo sa bahay na kanilang pupuntahan. isa itong boarding house na ayon kay Alex, dito siya nanirahan noong panahong siya ay isa pa lang estudyante sa medisina. Bumungad sa kanila ang may ari ng bahay, si Charlie, na sa unang tingin pa lang ay mahahalata mo na agad na hindi tunay na lalaki. Bago sila tumungo sa boarding house, sa daan pa lang ay sinabihan na agad ni Alex si caretaker tungkol sa pagkatao ni Charlie, na sabihin daw ni caretaker sakaling tanungin kung sino siya ay kasamahan siya ni Alex sa Clinic at isa siyang X-Ray Technician. At yun nga ang sinabi ni caretaker kay charlie nang itong tanungin.

Nagsimula na ang kanila inuman nang gabing iyon kaharap ang si Charlie na sa tingin at pakiramdam ni caretaker ay may duda sa kanyang pagpapakila. Masayang nakipag kwnetuhan si caretaker kila Alex at Charlie. Hanggang hindi nila namamalayan ang takbo ng oras. At sa mga sandaling iyon, nakaramdam na rin si caretaker ng pagkahilo dulot ng alak na kanila ininom. Sa isip ni caretaker, kung hindi magpapahiwatig si Alex ay magpapasiya siya umuwi ng lang siya ng bahay kahit sa ganung oras. Ngunit lingid sa kaalaman ni caretaker ay nakikiramdam lamang si Alex. At nang matapos ang kanilang inuman ay gusto na sanang magpaalam ni caretaker ng biglang. “ Dito ka na matulog, may vacant room sa itaas, doon sa dating room ko” sambit ni Alex. Biglang nakaramdam si caretaker ng pagkatuwa, ito lang ang kanyang hinihintay na pagkakataon, ang siya ay imbitahan ni Alex. “Baka nakakahiya kay Charlie.Uwi na lang ako, may masasakyan pa naman siguro ako” Pakitpot na tugon niya. “Hindi, ok lang kay Charlie yun, anyway, wala naman akong kasama sa room eh, alangan naming umuwi din ako ng Las Piñas?Sige na ditto ka na matulog” Pamimilit ni Alex.

Inakyat nila ang kwarto na sinsabi ni Alex. Isang kwarto na may dalawang Double Deck na kama. Kinuha ni Alex ang mattress ng isang kama at inilatag sa sahig. “Dito ka na mahiga, dito na lang ako sa isang kama” habang iniaabot ang isang unan kay caretaker. Kapwa silang walang imik ng mga sandaling iyon habang inaayos ang kani kanilang higaan.

Habang nakatalikod na nakahiga si caretaker, pinakikiramdaman niya si Alex ng mga sandaling iyon. Iniisip niya na kung sakaling magbigay ng motibong sekswal itong si Alex ay hindi siya magdadalawang isip na tumugon dito. Hindi nga nagkamali si caretaker. “ Halika dito sa tabi ko” mahinang boses mula kay Alex. “Anong sabi mo?” Pakunwaring hindi masyadong narinig ni caretaker kaya ito ay nag tanong. Na sa totoo lang, ay malinaw na malinaw sa kanyang pandinig ang mga katagang sinabi ni Alex. “Sabi ko, halika dito sa tabi ko at dito ka muna mahiga” Paulit na sinabi ni Alex nang medyo may kalakasan ng kaunti. Kasabay ng malakas na kabog ng kanyang dibdib, pabulong na sinabi ni caretaker sa kanyang sarili. “Yes!, ito na ang hinihintay kong pagkakataon”. Tumayo siya sa kanyang kinahihigaan at lumapit sa kama ni Alex at biglang umupo sa gilid nito.

Mabilis ang naging takbo ng mga pangyayari para sa kanilang dalawa. Wala nang salita na namutawi sa kanilang mga bibig. Namalayan na lang na kapwa sila walang nang damit at nilalasap ang sarap ng kanilang pagtatalik. Si caretaker, na sa una palang nang mag text sa kanya si Alex at mag aya ng meet up ay nasa isip na agad niya na mangyayari ang ganitong tagpo. Sa isip ni caretaker, natupad na ang isa sa kanyang mga pantasyang sekswal. Ang pakipag sex sa kapwa lalaki. Sa isang tao na minsan lang niya nakilala. Alam niya ang kanyang mga limitasyon pag dating sa sex. Alam niya kung ano ang kaya niyang gawin at ang mga hindi niya kaya. At nagkasundo sila ni Alex sa puntong iyon. At kapaw sila nag enjoy sa kanilang ginawa. At lumipas ang buong magdamag na pinagsaluhan nila ang sarap.

Kinaumagahan, naunan nang bumangon si caretaker mula sa kama ni Alex at masinsin niyang pinagmasdan ang kahubdan ng buong katawan ni Alex. Sa isip niya, si Alex na kaya ang taong makapagpapabago ng kanyang isipan. Na sa simulat simula pa lang at hindi pumasok sa isipan niya ang makipag relasyon sa kapwa lalaki.”Pero hindi, hindi ko kaya. At ayaw ko. Wala sa plano ko to.” tugon ng isang bahagi ng kanyang utak. Na para bang nagbigay sa kanya ng katinuan ng isip. Ginising niya si Alex at inaya itong mabihis at umalis.

Sa kanilang paghihiwalay, mga katanungan ang pumasok sa kanyang isipan. Matapos ang pangyayaring iyon sa kanilang dalawa ni Alex, ano na ang kasunod? Tuloy pa rin ba ang kanilang komunikasyon? Ganun pa din ba ang magiging pakikitungo sa kanya ni Alex? Nag enjoy ba si Alex sa kanilang ginawa? Masusundan pa ba ito o yun na ang una at huli?

Lumipas ang mga araw. Kahit isang text message ay hindi nakatanggap si caretaker mula kay Alex. Na labis niyang ipinagtaka at ipinag alala. Nagsend si caretaker ng text kay Alex upang malaman kung anong nangyari ditto at bakit hindi na ito nagtetext sa kanya. Isang text reply ang natanggap niya mula kay Alex na labis na ikinabigla at ikinalungkot niya. “ Hu u?” Mga katagang narereply kung ang nakatanggap ng message ay hindi niya kilala at wala sa kanyang phone book at number ng nagpadala ng text message. “Bakit Doc? Erased mo na agad ako sa phone book mo? Ang bilis naman?"Reply ni caretaker sa katext.” Si Sir to,” kasunod na text niya kay Alex.

Masakit man sa kalooban ni caretaker, alam na agad niya ang magiging takbo ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ni Alex. Isang katotohanang na ayaw na ni Alex na magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. At lubos niyang napatuyan ito ng huling magtext siya kay Alex at nag reply ng “ Sir, leave me alone.. gusto ko nang magbagong buhay. Iwan ko na yung mga kalokohan ko dito sa cyberworld.”

Inisip na lang ni caretaker, nasayang lang ang mga panahon iniukol niya kay Alex at hindi naman siya naghahangad pa ng iba. Tanging pagkakaibigan lang ang lubos na kanyang pinaghihinayangan. At mula nga noon ay hindi na nagawa pang itext si Alex at inisip na lang niya na isa itong karanasan na magbibigay sa kanya ng leksyon.


------------------------------
Ito ang simula ng pag eexplore ni caretaker sa mundo ng mga PLU.