Saturday, January 26, 2008

Single Blessedness......

A conversation with a long lost friend:

Friend: Uy, musta na? Long time no see ah...

Me: Oo nga eh. Ayos lang naman ako. Ikaw?

Friend: Eto may asawa na.. 3 na anak ko pre. Ikaw? may asawa ka na ba?

Me: Ala pa pre!.. Wala pang magkamali! hehehe

Friend: Ano? owwss... sayo walang pang magkamali? Eh nung araw.. daming nagkakagusto sayo.

Me: Well ganun talaga eh.. gusto man nila ako.. hindi ko naman sila gusto.

Friend: Aba pre, baka mahuli ka na sa biyahe niyan... sayang ang lahi mo.

Me: ok lang pre. masaya naman ako sa ganito eh.

Friend: Hindi ka ba natatakot tumandang mag isa? Ikaw din.. mahirap tumanda ng walang mag aalaga sayo. Pano na lang yan pag nagkasakit ka? Sino mag aalaga sayo? Mag asawa ka na.. Sarap kaya ng buhay may asawa.. kita mo ako naka tatlong anak na.. hehehe

Me: Alam mo pre, hindi naman ako natatakot tumanda mag isa eh...kasi hindi naman ako tatanda eh.. maaga akong mamatay... hehehe

Friend: Sira ulo!.. hehehe.. ayaw mo bang magkaanak man lang? daming babae diyan.. willing magpabuntis...

Me: Saan? Hanap mo nga ako? hehehe

Friend: Taka nga ako sayo pre... nakailang girfriends ka ba?

Me: Well.. naka apat ako pre... isa nung high school, isa nung college, at 2 nung may work na ako.

Friend: Yun naman pala eh... anong nangyari? nasa na sila ngayon? Bakit hindi kayo nagkatuluyan?

Me: Ganun talaga eh.. hindi yata kami compatible..

Friend: Compatible? ano ka ba pre.. hindi na uso yun no? kita mo kami ni Mrs ko.. nung una hindi naman kami compatible niya eh.... kita mo ngayon. 3 na anak namin at masaya naman kami.

Me: Good for you!... (serious mode). Alam mo pre.. ang pag aasawa darating at darating yan... kahit hindi mo hanapin kusang darating yan... Tsaka.. masaya naman ako sa buhay ko kahit single pa din ako ... Hindi naman kasi assurance ang pag aasawa para lang maging masaya ka sa buhay mo diba?

Friend: Sabagay!... dami nga diyan... may asawa na.. impriyerno naman ang buhay... pero sa kaso mo pre...kahit anak man lang dapat meron ka..

Me: Oo nga pre... kaso kung meron lang ba willing na babaeng magpapaanak lang sakin.. why not.. pero mahirap din kayang mag palaki ng anak... hayaan mo na ko pre... madami naman akong pamangkin eh... sila na mga anak ko..

Friend: Pero iba pa din yung sarili mong dugo at laman....

Me: Well ganun talaga ang buhay.. ito na siguro kapalaran ko.. hehehe

========================

Ganito lagi ang eksena tuwing may makakausap akong kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita... Kamustahan.... batian... at tanungang nag mga buhay buhay... Kadalasan itanatanong sakin kung ako ba ay may asawa na... ilan na anak ko... san ako nag wowork.. Paulit ulit na lang.. ganun lagi ang aking paliwanag sa mga tanong nila. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, mula pa noong bata ako hanggan ngayon.. hindi sumagi sa isip ko ang pag aasawa... ang pagkakaroon ng anak oo... Na sa tuwing makakakita ako ng isang lalaki na may tangan tangang bata ay iniisip ko na sana... magkaroon din ako ng anak... naiingit ako sa mga ganung eksena. Pero ano magagaw ko... hindi yata ako tadhana para maging isang "Family Man"... Pero how I wish kahit man lang sana maging "Father" ako. Haaayyy...

Pero sa totoo lang... kung gugustuhin ko... matagal na akong naging family man.... at siguro sa edad ko ngayon... sanay may anak na akong binatilyo o dalaga. Pero ganun talaga ako buhay. Ayaw kong lokohin ang sarili ko at ayaw kong makasakit ng tao.. Maraming masasaktan hindi lang ako.. Siguro tama na lang yung ganito.. Masaya naman ako sa buhay ko... andiyan naman ang family ko.. mga kaibigan ko... mga taong nagmamahal sakin... At hingit sa lahat ang Diyos... na alam kong may plano Siya para sakin... kailangan ko lang sigurong mag hintay kung anong plano man yun.

7 comments:

  1. hehehe...ok lang yan pinuno. kung sa'n ka masaya suportahan ta ka. ^^

    ReplyDelete
  2. napagdesisyunan ko na, mag-aampon ako. :)

    ReplyDelete
  3. ang alam ko.. mahabang proseso ang pag aampon... noon ko pa naisip yan kaso may nakapagsabi sakin.. na kailangan may asawa ka bago ka makapag ampon.. yung tipong hindi kayo magkaanak ng asawa mo...

    ReplyDelete
  4. hmmm...pinuno, hindi na po required na may asawa para makapag-ampon. hehe.

    pero tama po kayo, around 6months to a full year ang proseso dito sa Pilipinas.

    aw....i feel geeky...

    *law student mode on*

    ReplyDelete
  5. ahhh ganun ba? sige.. ampunin na lang kita DN.. hahaha

    ReplyDelete
  6. Ayon po sa Domestic Adoption Act, hindi maaring ampunin ang isang "bata" kung walang pahintulot ng kanyang "biological" na magulang..

    Hehe. Hingi po kayo ng consent kay idol-nanay. Lol

    ReplyDelete
  7. sabagay.... parang inampon ka na din namin si idol-inay mo... hehehe

    kailangan ko lang ay maging legal ang pag aampon namin sayo.. lolz...

    ReplyDelete