Saturday, January 12, 2008

Isang Linggong nakakapagod...

Hindi ako karaniwang gumagawa ng mga talaan ng mga nangyari sa buhay sa araw araw.... pero try ko kung paano... eto yun.. hehehe..

Lunes....

Ito na talaga ang unang araw ng pasukan... matapos ang mahabang bakasyon. Siyempre, balik ulit sa trabaho. Haayyy.. nakakapagod... magdadaldal ka ba naman ng isang oras na apat na beses sa buong maghapon eh.. Naghahabol sa deadline ng mga lessons na kasama sa darating na exam. Baka kasi hindi matapos. Submission na din ng mga text questions..

Martes....

Busy ulit sa work... naghahabol nga ng lessons. Hindi ko pa din natatapos ang test questions. Stenciling na lang ang kulang.. Minamadali nga ako ng boss ko. May pinagawa pa sa akin na forms na gagamitin sa Mock test ng National Achievement Test sa Jan 18. Naku... nag encode pa ako ng mga names ng mga bata.. tapos ini alphabetize ko pa.. haaayyy.. sumakit ang mga mata ko sa kakatingin sa monitor ng computer.

Miyerkules.....

Na late ng gising... late din ako sa work ng 15 minutes... Pesteng trapik kasi yan eh.. (sinisi pa trapik eh... kailan ba hindi naging trapik sa metro manila? hehehe). Hindi pa din tapos yung lessons ko. Pero nai submit ko na yung stenciled test questions sa production staff namin.. ready na siya for memeographing. Bahala na kung hindi matapos yung lessons.. mag advance reading na lang sila ng mga lessons ko.. hehehe

Huwebes....

As usual.. late na naman ako.. this time kasalanan ko na... maaga akong nagising pero late na ako nagprepare.. Ang bagal ko nga kumilos... parang mahaba pa oras ko.. hehehe... Ang totoo niyan... hindi ko feel pumasok.. pero kailangan.. Pag dating ko sa work... nag aantay pala yung boss ko at may nakahanda na naman akong trabaho... haaayyyy.. bakit pa kasi ako natutong mga computer.. hehehe wala na bang ibang maasahan sa amin... AKo.... Ako... lagi na lang ako... hehehe.

Biyernes...

Thank God It's Friday.... haaay... salamat... weekend na... Makakalakwatsa na naman ako... Well.. actually... may naka sched akong meet up... sa gateway mall sa cubao... Nagkita kami ng mga alas singko kaninang hapon. Ok naman siya... maayos namang kausap. Disente at ayos ding pumorma... ewan ko lang kung iyon na ang una't huli namin pagkikita..


Bukas....mamaya (Sabado).....

Alis kami ng parents ko.. punta kami ng Anonas... doon sa bagong nilipatan bahay ng bunso kong kapatid at ng kanyang pamilya... Isang linggo pa lang silang nakakalipat ng bahay... Namiss ko tuloy ung dalawang pamangkin ko...

3 comments:

  1. Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my site, it is about the CresceNet, I hope you enjoy. The address is http://www.provedorcrescenet.com . A hug.

    ReplyDelete
  2. thanks for the compliments!!! crescenet...

    ReplyDelete