Sunday, September 30, 2007

Cyber Exploration ( First Part)

Kelan ba nag umpisa ang lahat? halos isang dekada na ang nakakaraan.. mula ng matutong gumamit ng computer si caretaker. Sa umpisa ninais lang niya na magkaroon ng kaunting kaalaman sa paggamit ng computer. Naalala niya nung mga unang pagkakataon na siya ay gumamit nito.. halos masira ang kanyang ulo ka sa kakaisip kung ano at paano ang gagawin kapag nagkamali siya ng kanyang napindot sa keypad at may kakaibang nakita sa monitor. Parte na siguro yung ng kanyang pag e explore. Naisip niya, kailangan niyang matutong gumamit nito upang mapadali ang kanyang trabaho at para maging updated na rin sa takbo ng makabagong teknolohiya. May mga pagkakataon din gumagastos siya ng malaking halaga para lang bumili ng mga gamit sa kanyang computer gaya ng printer, speaker, mga harware devices gaya ng camera at head set.

Sa umpisa, inakala niya na ang paggamit ng computer isa lamang paraan upang mapadali ang kanyang gawain. Dito nag umpisa ang lahat. INTERNET... isang kakaibang bagay na natutunan ni caretaker sa paggamit ng computer. Bago pa lang siyang natututong gumamit ng computer ay nadidinig na niya ang salitang ito at hindi niya gaanong binigyang pansin ito sapagkat nakatuon lang siya sa kung paano ito gagamitin . Palibhasa'y bagong bagay ito para sa kanya, naging masidhi ang ang kanyang hangarin na matuto ng bagay na ito.

Ang yahoo messenger ang nagmulat sa kanya ng mga bagay na hindi sa tanang buhay niya ay hindi niya akalaing kanyang mararanas. Si caretaker kasi isang typical na late bloomer pag dating sa ganitong larangan...Kasabay ng pagkakaroon ng cellphone, isang bagay na kung saan mapapadali ang pakikipagkomunikasyon ito'y maari din niyang magamit upang makipag meet up sa mga taong kanyang makikilala sa internet.

Ang yahoo chat room ang isa sa madalas niyang pinapasukan tuwing siya ay nag oonline sa yahoo messenger... dito sa room na ito niya nakilala ang ibat ibang uri ng mga tao na ang tanging dahilan ng pagpasok sa room na iyon ay pawang kamunduhan lamang.

to be continued...

No comments:

Post a Comment