Sunday, November 22, 2009

liham para sa iyo

para sa iyo:

3 months ago nagkakilala tayo sa chat.. we exchanged numbers... we exhanged text messages. Continuous texting, we decided to meet somewhere in cubao. We agreed to meet casually. We agreed not to have any expectations para wala masyadong disappointments.. Bahala na.. come what may.

So we had an eyeball.. hesitant ka pa nun.. andun na tayo sa place.. parang ayaw mo pa akong lapitan... pero nakita na din kita base sa description ng kulay ng suot mo.. I was about to text you na kung iwa one way mo lang ako.. bahala ka sa buhay mo.. i was about to press send sa cellphone ko. Buti na lang lumapit ka.. You said "hi " I said "hello".. wala akong masyadong expectation nung time na yun.. kaya nung makita kita.. sabi ko sa sarili ko.. "OK to ah" ma appeal ka naman kahit di ka masyadong gwapo.. tama lang sayo yung hinahanap kong kakisigan. Hindi ka naman halata.. astig ka nga kumilos. Natuwa naman ako siyempre.

Tinanong mo ako "Ano na? what's next?" sabi ko sayo.. "ikaw? ano ba balak mo?".. we decided to go inside the mall.. lakad lakad... kwentuhan ng kaunti. Inakbayan mo ako.. pinisil pisil ang balikat ko.. nakaramdam ako ng kakaiba.. sa isip ko.. "ano kaya gusto nitong mangyari?"

Sa gitna ng ating paglalakad... di ka na nakatiis.. bigla mong nasabi.. "may malamig bang lugar dito?" natawa ako.. sinagot kita ng " dito sa loob ng mall diba malamig dito?" hahaha. Natawa ka din sa sinabi ko pero sinundan mo pa.. "hindi.. ibig kong sabihin doon sa malaming na lugar na tayong dalawa lang heheh"... nakuha ko agad ang ibig mong sabihin... kaya dinirecho na kita... "Trip mo ba? motmot ba ang ibig mong sabihin?" sagot mo... "obvious na ba ako?hehehe.. tara.. may alam ka ba dito sa lugar na ito?"

at nagpatuloy ang ating lakad sa direksyon na kung saan naroroong ang malamig na lugar na sinasabi mo.

(fast pacing) matapos ang nangyari next scene:

"san ba ang uwi mo?" tanong mo sakin. "papuntang fairview ang biyahe ko" sagot ko naman sa iyo.. "o sige.. text text na lang ah" sa ganung linya... malalaman mo kung interesado pa sayo ang taong naka meet mo o hindi.. Ugali kong hindi unang nagtetext... sa puntong iyon.. sa isip ko.. kahit intesado ako sa tao.. di pa din ako ang unang nag tetext.. hinihintay ko siyang magparamdam after nung meet namin.. na kapag una siyang nag text.. ibig sabihin nun ay interesado pa din siya sa akin.. pero kapag hindi na.. wala na akong aasahan pa.. una at huling pagkikita na namin iyon. kahit sabihin pang interesado ako sa kanya.

Lumipas ang ilang araw.. ilang linggo.. wala akong text na natanggap mula sayo.. inisip ko na lang na di ka na talaga interesado sa akin. Pero hindi ko agad binura number mo sa phonebook ko. Ugali ko talaga iyon.. ang di agad nagbubura ng number.. pero sa tinagal tagal mong di pag tetext.. naisama ko na sa mga numbers na dinilete ko ang number mo.

Isang umaga... may unregistered number na nag appear sa cellphone ko.. "hello eric, musta na?" since unregistered number nga.. hindi kita na kilala... tinanong kita kung sino ka.. sabi mo ikaw si Drey.. yung nameet ko sa cubao 2 months ago.. ang tagal na nun.. di na kita maalala masyado.... until you finally told me the key words.. "ako yung nag aaral sa Arellano University... na taga makati"

So ikaw pala yun... ang tagal mong di nagparamdam.. hindi ko alam kung ano nangyari sayo.. pero ang sabi mo.. hinihintay mo lang akong mag text sayo... at inakala mong hindi na ako interesado sayo iyo kaya di ako nag tetext sayo.. Well.. pareho pala tayo ng prinsipyo pag dating sa ganyang bagay.. kaya di rin ako nag tetext sayo.. kasi hinihintay lang kitang mag text sakin... eh yun pala.. nag hihintayan lang pala tayo.. so ibig sabihin pala.. interesado pala tayo sa isat isa..

At nagpatuloy ang ating communication thru text.. nasabi mo sakin na you're considering me.. kasi ok naman ako sabi mo.. sinabi ko din sayo na interesado din ako sayo.. at bihira akong magka interest sa mga na meet ko...

Kahapon... inaya kitang lumabas... manood ng sine... kumain sa labas... Date nga yata na maituturing yung ginawa natin.. pero.. friendly date lang siguro muna yun.. kasi.. we're just getting to know each other pa lang... dami nating napag usapan.. dami nating napag kwentuhan.. until matapos ang "date" natin.. at nag decide na tayong mag hiwalay... inaya kita na sumama sa gimik ko kasama ang mga kaibigan ko.. pero tumanggi ka at nahihiya ka kamo sa kanila. Tinanong mo ako kung paano kita ipakikilala sa kanila. Sabi ko sayo.. ipapakilala kita bilang kaibigan ko.. wala nang iba pa.. at yun lang naman talga ang kung ano meron satin diba? kaibigan lang.. Tinanong mo din ako kung ilan ang mga makakasama ko.. at ilang taon na sila.. Sabi ko sayo.. marami sila.. mga nasa age 22-33 sila... i just wondered why did you ask those question... tinanong kita kung bakit mo tinatanong yung mga bagay na yun.. "para mapanatag ako kung saan at sino sino makakasama mo".... "mga kaibigan ko sila.. lagpas 2 years na kaming magkakakilala.. kaya wala ka dapat ipag alala... at di sa pagiging defensive.. walang something na nangyayari sa amin ng mga kaibigan ko.. mababati sila.. at parang mga kaptid na ang turingan namin sa isat isa.."

habang nasa gimik ako... tinanong mo ako kung anong oras ako matatapos.. gusto mong makipag meet pa ulit sa akin.. kaso.. medyo nakainom na ako.. kaya tinanong kita kung ok lang sayo na nakainom na ako.. sabi mo.. ok lang.. basta di ako gumagapang sa kalasingan.. at tinanong mo din ako kung ano ba ako pag lasing.. sabi ko sayo.. ok lang ako.. matino naman ang isip ko pag lasing.. at alam ko pa naman ang ginagawa ko...

nagkasundo tayo na mag kikita after ng inuman namin ng mga kaibigan ko.. pero sa kasamaang palad... inabot na kami ng 2am.,, tinext kita kung gising ka pa.. sabi mo.. oo at hinihintay mo lang text ko.. pero since umaga na... almost 2am na nga... sinabihan kita na mag pahinga ka na lang at masyado na kitang naabala... at ako.. medyo tipsy na din sa kalasingan.. kaya di ko na din yata kayang pumunta pa sa lugar na ating pag tatagpuan...

kinaumagahan... tinext kita.. pero di ka nagparamdam... inakala ko na baka tulog ka pa... hanggang pagkagising ko ng tanghali.. tinext ulit kita... wala pa ding reply... hanggang ngayong gabi... at last nag text ka din... akala ko.. nagtampo ka na sakin... sabi mo.. maghapon ka ding natulog.. kaya di ka nakakapag reply sa mga text messages ko..

sa muling pagkikita...

eric