Saturday, December 19, 2009

isang Linggong Pag ibig..

Nagtext ka from nowhere.. sabi mo kamusta na ako? nagulat ko sa text mo. Ilang buwan ka din hindi nagparamdam since nung first meet up natin. Siyempre na excite ako kasi i was still hoping na magkikita tayo. Yeah nagkita nga ulit tayo. Akala natin ito na.. Akala ko ikaw na.

Naikwento ko sa mga friends ko ang history natin. They were wishing me luck. Sana daw makita at matagpuan ko na ang hinahanap ko. Kasabay noon ay ang pagkalungkot na maaring mawala na ako sa kanila kung sakaling maging taken na ako.

Since nung nagparamdam ka ulit. Naexcite ako.. nagtapatan tayo kung gusto natin ang isat isa.. Sabi mo OO interesado ka sakin. Sabi ko din OO interesado din ako sayo. Nagkita ulit tayo, nag usap. Ang sabi mo wag tayong mag madali. gusto mo munang magkakilala tayo ng lubos. Tinanong kita kung "tayo" na ba.. ang sagot mo.. "makapaghihintay ka ba?". Ang sagot ko.. "basta ba may aasahan ako eh" Ayaw kong umasa sa wala.

Sabi mo, may aasahan naman ako. Eh di mabuti kung ganun. Hinitayin kita.

Pero anong nangyari. Hindi ko lang nasagot yung text mo dahil nasa meeting ako. late ko na nabasa yun text mo.. pero nagreply naman ako. Ilang beses na akong nag reply.. nag text.. kahit isang sagot wala akong natanggap. Inakala kong baka wala na yung number mo kaya tinawagan ko cellphone mo pero nag riring lang at walang sumasagot. Iniignore mo ako. ilang beses na to nangyari. Akala ko nung una busy ka lang talaga at sabi mong hindi ka talaga pala text. Ok granted na hindi ka mahilig mag text, pero pati ba naman tawag iniignore mo.. Iba na to.. hindi na ito biro. Mahaba mang nag pasensiya ko, nauubos din ito. Ayaw ko ng ganito.. kung kelan mo lang gustong maparamdam tska ka lang nagpaparamdam. Ano ako, naghihintay sa kawalan? umaasa sa wala? it's unfair!! hindi tama ito.

Sabagay, sabi nga ng mga kaibigan ko. it's too early.. masyado pang mababaw ang pinagsamahan natin. Ilang beses nga lang ba tayo nagkita at nagkasama. Hindi pa sapat yun para maging matatag ang foundation ng pinagsamahan natin. Kung emotional investment naman ang pag uusapan, kulang pa din. Kaya ok lang sakin kung ano man ang nangyari. At least di masyadong masakit. At least maaga pa lang natapos na agad..at nalaman ko na kung ano status ko sayo at status nating dalawa.

para akong tanga.. nagsusulat ako ng ganito eh hindi mo naman nababasa.. lols. Wala eh.. way of expression ko lang ito. kahit hindi mo mabasa ok lang at least na express ko yung feelings ko.

Anyway, no hurt feelings naman ako. At hindi rin emo type post itong entry na ito.


===========================

btw: nagpalit na ako ng number deleted na din number mo sa phonebook ko. kaya noway para magkaroon pa tayo ng contacts.. so good luck na lang sakin.. goodluck sayo? ewan ko.. bahala ka na sa buhay mo.

Wednesday, December 16, 2009

It's OVER!!!!

I've given you enough time. I've waited for so long. Now it's FINALLY OVER!!!

Saturday, December 5, 2009

Isang tanong .. isang sagot..

My phone rang.. it was him... I saw his name appeared on the screen.. I ignored his call. My phone rang again. And it was him again... Pretending i didn't recognize him.. so i sent SMS..

Me: Who's this? why miss call?

Him: haaays.. kinalimutan na talaga... drey here..

Me: Ahh.. ok..

Me:Oh napatawag ka?

My phone rang again.. and so I accepted the call..

Him: Ei.. musta na? grabe ka... ang dali mo naman sumuko?

Me: After 2 days of texting you and not even once nag reply ka... do you think hindi ako susuko?

Him: Sensiya na... busy lang talaga... kaya nga bumabawi ako eh.. eto nga tinatawagan na kita.

Me: Buti naman naalala mo pa ako?

Him: Bakit naman hindi? sabi ko nga sayo interesado ako eh.

Me: Interesado ba yung ganun? dedma mo ako sa mga text ko?

Him: Busy nga talaga.. sensiya na.. sorry na po..

and the line was cut.. so we continued in SMS mode.

Him: Naputol na... text text na lang tayo... magkwentuhan na lang tayo..

Me: Teka.. gaya ng tanong ko sayo sa text dati.. ano ba plano mo? sakin.. sa atin?

Him: Ikaw.. ano ba balak mo sakin?

Me: Sagutin mo muna yung tanong ko sayo..

Him: Interesado naman talga ako sayo eh..

Me:. Yung naman pala eh. bakit ganun? dedma mo ako sa text? kung interesado ka.. hindi mo gagawin yun..

Him: So ano ba balak mo sakin?

Me: Gusto kita...

Him: Anong gusto? What do you mean?

Me: Gusto kitang makilala pa...

Him: Makilala ba o gusto talga?

Me: Masasagot ko lang yang tanong mo kung gusto kita o hindi pagkatapos kitang makilala ng lubos..

Him: ganun ba yun?

Me:. So ano din ba plano mo sakin?

Him: Una sa lahat magaan yung pagkikita at pagkakakilala natin.. Ok yung kwentuhan natin at pinagsaluhan natin...

Me: tapos?....

Him: parang masarap kang kasama, mabait ka din.. pero di ko lang alam kung maalagain ka..

Me: what do you mean maalagain?

Him: Liligawan mo ba ako?

Me: Uso pa ba yun? interesado ka sakin.. interesado ako sayo.. kailangan pa ba ng ligawan?

Him: Siyempre naman...

Me: Asus nman.. para ka namang babae na kailangan pang ligawan..

Him: So maalagain ka nga ba?

Me: Bakit di natin subukan?

Him: Ikaw ang ayaw subukan, panu ko malalaman kung maalagain ka kung di mo susubukan..

Me: Kaya nga sabi ko subukan natin diba?

Him: Ano ba gusto mo ngayon? ano plano mo tungkol dito?

Me: Subukan nga natin.. para malaman natin pareho..

Him: Kaya mo bang panghabambuhay?

Me: Depende satin yun.. kung sabihin ko na kaya ko.. pero ikaw hindi naman.. wala ding mangyayari..

Him: kaya nga tinatanong kita eh.. kaya mo ba habangbuhay?

Me: kung sa mga kaibigan nga maalaga ako eh..

Him: eh kung sakin? maalaga ka ba?

Me: Eh di kakayanin.

Him: OO o HINDI lang naman ang sagot dun eh...

Me: OO kaya ko!!

Me: Teka.. isang tanong isang sagot?... GUSTO mo ba ako o hindi?

Him: oo o hindi lang ba ang sagot doon?

Me: Yup.. oo o hindi lang..

Him: OO

Me: Ok

Him: panong ok

Me: Ok as in Ok.. gusto din kita...

Him: seryoso? baka naman panghawakan ko yan di mo magawa..

Me: Kaya nga sabi ko sayo subukan natin eh..

Him: Pangit naman yun ganun.. kasi para mo sinabi na anytime pwede kitang bitiwan dahil subok lang to..

Me: Ikaw.. balik ko sayo tanong... kaya mo din ba?

Him: Diba nga nag uumpisa na tayo?... we're getting to know each other..

Me: hmmm.. ok...






Sunday, November 22, 2009

liham para sa iyo

para sa iyo:

3 months ago nagkakilala tayo sa chat.. we exchanged numbers... we exhanged text messages. Continuous texting, we decided to meet somewhere in cubao. We agreed to meet casually. We agreed not to have any expectations para wala masyadong disappointments.. Bahala na.. come what may.

So we had an eyeball.. hesitant ka pa nun.. andun na tayo sa place.. parang ayaw mo pa akong lapitan... pero nakita na din kita base sa description ng kulay ng suot mo.. I was about to text you na kung iwa one way mo lang ako.. bahala ka sa buhay mo.. i was about to press send sa cellphone ko. Buti na lang lumapit ka.. You said "hi " I said "hello".. wala akong masyadong expectation nung time na yun.. kaya nung makita kita.. sabi ko sa sarili ko.. "OK to ah" ma appeal ka naman kahit di ka masyadong gwapo.. tama lang sayo yung hinahanap kong kakisigan. Hindi ka naman halata.. astig ka nga kumilos. Natuwa naman ako siyempre.

Tinanong mo ako "Ano na? what's next?" sabi ko sayo.. "ikaw? ano ba balak mo?".. we decided to go inside the mall.. lakad lakad... kwentuhan ng kaunti. Inakbayan mo ako.. pinisil pisil ang balikat ko.. nakaramdam ako ng kakaiba.. sa isip ko.. "ano kaya gusto nitong mangyari?"

Sa gitna ng ating paglalakad... di ka na nakatiis.. bigla mong nasabi.. "may malamig bang lugar dito?" natawa ako.. sinagot kita ng " dito sa loob ng mall diba malamig dito?" hahaha. Natawa ka din sa sinabi ko pero sinundan mo pa.. "hindi.. ibig kong sabihin doon sa malaming na lugar na tayong dalawa lang heheh"... nakuha ko agad ang ibig mong sabihin... kaya dinirecho na kita... "Trip mo ba? motmot ba ang ibig mong sabihin?" sagot mo... "obvious na ba ako?hehehe.. tara.. may alam ka ba dito sa lugar na ito?"

at nagpatuloy ang ating lakad sa direksyon na kung saan naroroong ang malamig na lugar na sinasabi mo.

(fast pacing) matapos ang nangyari next scene:

"san ba ang uwi mo?" tanong mo sakin. "papuntang fairview ang biyahe ko" sagot ko naman sa iyo.. "o sige.. text text na lang ah" sa ganung linya... malalaman mo kung interesado pa sayo ang taong naka meet mo o hindi.. Ugali kong hindi unang nagtetext... sa puntong iyon.. sa isip ko.. kahit intesado ako sa tao.. di pa din ako ang unang nag tetext.. hinihintay ko siyang magparamdam after nung meet namin.. na kapag una siyang nag text.. ibig sabihin nun ay interesado pa din siya sa akin.. pero kapag hindi na.. wala na akong aasahan pa.. una at huling pagkikita na namin iyon. kahit sabihin pang interesado ako sa kanya.

Lumipas ang ilang araw.. ilang linggo.. wala akong text na natanggap mula sayo.. inisip ko na lang na di ka na talaga interesado sa akin. Pero hindi ko agad binura number mo sa phonebook ko. Ugali ko talaga iyon.. ang di agad nagbubura ng number.. pero sa tinagal tagal mong di pag tetext.. naisama ko na sa mga numbers na dinilete ko ang number mo.

Isang umaga... may unregistered number na nag appear sa cellphone ko.. "hello eric, musta na?" since unregistered number nga.. hindi kita na kilala... tinanong kita kung sino ka.. sabi mo ikaw si Drey.. yung nameet ko sa cubao 2 months ago.. ang tagal na nun.. di na kita maalala masyado.... until you finally told me the key words.. "ako yung nag aaral sa Arellano University... na taga makati"

So ikaw pala yun... ang tagal mong di nagparamdam.. hindi ko alam kung ano nangyari sayo.. pero ang sabi mo.. hinihintay mo lang akong mag text sayo... at inakala mong hindi na ako interesado sayo iyo kaya di ako nag tetext sayo.. Well.. pareho pala tayo ng prinsipyo pag dating sa ganyang bagay.. kaya di rin ako nag tetext sayo.. kasi hinihintay lang kitang mag text sakin... eh yun pala.. nag hihintayan lang pala tayo.. so ibig sabihin pala.. interesado pala tayo sa isat isa..

At nagpatuloy ang ating communication thru text.. nasabi mo sakin na you're considering me.. kasi ok naman ako sabi mo.. sinabi ko din sayo na interesado din ako sayo.. at bihira akong magka interest sa mga na meet ko...

Kahapon... inaya kitang lumabas... manood ng sine... kumain sa labas... Date nga yata na maituturing yung ginawa natin.. pero.. friendly date lang siguro muna yun.. kasi.. we're just getting to know each other pa lang... dami nating napag usapan.. dami nating napag kwentuhan.. until matapos ang "date" natin.. at nag decide na tayong mag hiwalay... inaya kita na sumama sa gimik ko kasama ang mga kaibigan ko.. pero tumanggi ka at nahihiya ka kamo sa kanila. Tinanong mo ako kung paano kita ipakikilala sa kanila. Sabi ko sayo.. ipapakilala kita bilang kaibigan ko.. wala nang iba pa.. at yun lang naman talga ang kung ano meron satin diba? kaibigan lang.. Tinanong mo din ako kung ilan ang mga makakasama ko.. at ilang taon na sila.. Sabi ko sayo.. marami sila.. mga nasa age 22-33 sila... i just wondered why did you ask those question... tinanong kita kung bakit mo tinatanong yung mga bagay na yun.. "para mapanatag ako kung saan at sino sino makakasama mo".... "mga kaibigan ko sila.. lagpas 2 years na kaming magkakakilala.. kaya wala ka dapat ipag alala... at di sa pagiging defensive.. walang something na nangyayari sa amin ng mga kaibigan ko.. mababati sila.. at parang mga kaptid na ang turingan namin sa isat isa.."

habang nasa gimik ako... tinanong mo ako kung anong oras ako matatapos.. gusto mong makipag meet pa ulit sa akin.. kaso.. medyo nakainom na ako.. kaya tinanong kita kung ok lang sayo na nakainom na ako.. sabi mo.. ok lang.. basta di ako gumagapang sa kalasingan.. at tinanong mo din ako kung ano ba ako pag lasing.. sabi ko sayo.. ok lang ako.. matino naman ang isip ko pag lasing.. at alam ko pa naman ang ginagawa ko...

nagkasundo tayo na mag kikita after ng inuman namin ng mga kaibigan ko.. pero sa kasamaang palad... inabot na kami ng 2am.,, tinext kita kung gising ka pa.. sabi mo.. oo at hinihintay mo lang text ko.. pero since umaga na... almost 2am na nga... sinabihan kita na mag pahinga ka na lang at masyado na kitang naabala... at ako.. medyo tipsy na din sa kalasingan.. kaya di ko na din yata kayang pumunta pa sa lugar na ating pag tatagpuan...

kinaumagahan... tinext kita.. pero di ka nagparamdam... inakala ko na baka tulog ka pa... hanggang pagkagising ko ng tanghali.. tinext ulit kita... wala pa ding reply... hanggang ngayong gabi... at last nag text ka din... akala ko.. nagtampo ka na sakin... sabi mo.. maghapon ka ding natulog.. kaya di ka nakakapag reply sa mga text messages ko..

sa muling pagkikita...

eric






Wednesday, September 9, 2009

S.O.S. / 911

SOS is the commonly used description for the international Morse code distress signal (· · · — — — · · ·). This distress signal was first adopted by the German government in radio regulations effective April 1, 1905, and became the worldwide standard under the second International Radiotelegraphic Convention.

In popular usage, SOS became associated with phrases such as "Save Our Seamen", "Save our Ship", "Survivors On Shore" or "Save Our Souls". These were a later development, most likely used to help remember the correct letters (something known as a backronym).

==========================
Source: Wikipedia


Kadalasan, kapag nakikipag meet up ka lalo na kung wala kang idea kahit isa kung ano ang hitsura ng iyong kikitain, masasabi kong ito ay isang makikipag sapalaran. No Idea ika nga. Nakakakaba, nakakatakot. Bawat isa naman siguro sa atin ay may kanya kanyang preferences sa kung ano o gusto natin sa isang taong kikitain or i mi meet up natin.

Isang stratehiya ang natutunan ko mula sa isang kaibigan, ang tinatawag na S.O.S. or 911, na ang ibig sabihin ay kapag may na meet kang hindi pasado sa iyong panlasa ay maaring mong gamitin ang stratehiyang ito. Ititext mo ang iyong kaibigan ng S.O.S. or 911. Na ang ibig sabihin ay nanghihingi ka ng tulong mula sa tinext mo na i save ka sa isang sitwasyon na ayaw mo at gusto mo agad makaalis o iwasan ang taong na meet mo. Kapag na send thru text ang S.O.S / 911.. ikaw ay tatawagan ng pinadalhan mo ng mensahe nang sa gayon ay magkaroon ka ng reasonable (kunwari) na dahilan upang umalis at magpaalam sa ka meet mo na hindi mo tipo.

Ako, paminsan minsan ay nakikipag meet din ako, hindi man lahat pasado sa panlasa ko ang mga na mi meet ko, pero hindi ko pa yata nagamit ang stratehiyang ito. May sarili akong paraan upang magkaiwas sa sitwasyon hindi ako kumportable. Hindi naman ako yung tipo ng nakikipag meet ng one - way. Marunong akong humarap sa taong ka meet ko. Hinaharap ko siya kahit hindi man siya pumasa sa panlasa ko. Isa lang naman ang panuntunan ko pag dating sa ganyang bagay. Kung sa unang meet up namin at nakita kong hindi sumang ayon sa pamantayan ko ang ka meet ko. Isang casual na meet up lang, yung tipong tahimik lang ako at hindi masyadong kumikibo. Pero tao ko siyang haharapin. Kakausapin. Iniiwasan ako ang mga usapang may kinalaman sa sexual. Kung malakas ang senses ng ka meet ko mahahalata niyang hindi ako kumportable sa kanya. Na hindi siya pumasa sa panlasa ko. Hindi ako sobrang gwapo kaya wala ako karapatang maging choosy or whatever, pero naman, magiging totoo lang sana ang ka meet ko. Pag sinabi niyang ganito siya, dapat panindigan niya. Huwag naman siyang maging faker, pretender.

Sa recent meet up ko, may nakilala ako from chatroom. Isang IT professional na nagtatrabaho sa makati. Maganda ang naging simula ng aming usapan. Hindi man kami nagkaroon ng pagkakataong magpakitaan ng face pic. at natural na sa akin ang hindi manghingi ng face pic ng kachat ko dahil ayaw ko ding hingian ako ng face pic. Tama na yung magsabihan kami ng ASL or STATS. Kapag nagbigay kay ng mga ganung detalye, ibigay mo ang totoo para di madisappoint sayo ang ka meet mo. Sa ganang akin, since hindi man ako nagpapakita ng face pic, nagbibigay naman ako ng tamang description ng sarili ko.

Itong na meet ko recently, ayun sa kanya, 35 m fairview ang kanyang ASL, at 5' 6 fair medium built, discreet at straight acting naman ang kanyang STATs. So base sa kanyang description, na figure out ko na kung ano ini expect kong hintura ng taong i mi meet ko. Tumagal nang halos 3 weeks ang aming communication thru text messages at nag decide kaming makita. since pareho kaming available ng mga oras na iyon at halos magkalapit lang ang aming lugar. Pero, Nampucha!! anak ng pusang gala!!.. nang makita ko na eh. Kabaligtaran sa lahat ng mga descritions na binigay niya. Sobrang disappointed ako. Ayaw kong maging brutally frank sa kanya at hindi natural sakin ang ganun, pero ganun pa man, pinakiharapan ko pa din siya ng maayos. So habang magkasama kami, pinaramdam ko sa kanya na disappointed ako sa nakita ko at hindi ako kumportable na kasama siya. Isang tanong at isang sagot lang ang ginawa ko. All througout, tahimik lang ako. At nang makaramdam ako ng bored na ako, ako na din mismo ang unang nag paalam.