Showing posts with label love matters.... Show all posts
Showing posts with label love matters.... Show all posts

Sunday, June 20, 2010

back to blogging...

It's been a while since mag last post ako dito sa blogsphere. Though i did not delete my accout here i still manage to view some of my favorite blogs which i usually read. Maganda din naman kahit paano updated ako on what's happening in blogsphere.

Bakit ko nga pala naisipang mag post ulit after almost 3 months of hiatus?

mdami na din mga nangyari s buhay ko lately.. eh wala naman akong outlet para i share kundi dito lang sa blog.. kaya random na lang... here are some of my latest events sa buhay ko..

1. according to my last post... destined to be single na yata ako.. pero fortunately.. nakahirit pa yata ako... may nabulag pa sa alindog ko.. hahaha ayun... medyo colorful naman lovelife ko ngayon.. masaya.. inspiring.. 2nd relationship ko ito sa PLU world.. medyo.. ok naman.. alam ng mga friends kong PLU ang story namin.. feeling ko ako si Sunshine Cruz... (hahahaha)

2. Kakatapos lang ng summer... medyo madaming lugar akong napuntahan this summer vacation. I've been to Bicol.. together with my officemates.. we went to Albay to see the famous Mayon Volcano.. after that.. we went to Quezon Province.. hometown ng isang officemate ko.. Then.. together with 2 of my PLU friends.. we went to Pangasinan to attend a blowout celebration.. nag lunch lang kami doon.. then we went straight to Baguio.. spent the whole nightt.. went to bar.. gimik night.. and for the 2nd time.. bago matapos ang summer vacation.. a work related activity... i went again to Baguio for a seminar..

3. I enrolled in graduate studies.. i started my classes yesterday.. im taking 9 units this semester.. Classes is on every Friday afternoon.. and Saturday morning... Tagal na din kasi akong di nag aaral.. tutuloy ko lang.. nakakuha na kasi ako ng 6 units before.. that was 4 years ago na yata..

so there... yang ang mga latest sa buhay ko.

Saturday, December 19, 2009

isang Linggong Pag ibig..

Nagtext ka from nowhere.. sabi mo kamusta na ako? nagulat ko sa text mo. Ilang buwan ka din hindi nagparamdam since nung first meet up natin. Siyempre na excite ako kasi i was still hoping na magkikita tayo. Yeah nagkita nga ulit tayo. Akala natin ito na.. Akala ko ikaw na.

Naikwento ko sa mga friends ko ang history natin. They were wishing me luck. Sana daw makita at matagpuan ko na ang hinahanap ko. Kasabay noon ay ang pagkalungkot na maaring mawala na ako sa kanila kung sakaling maging taken na ako.

Since nung nagparamdam ka ulit. Naexcite ako.. nagtapatan tayo kung gusto natin ang isat isa.. Sabi mo OO interesado ka sakin. Sabi ko din OO interesado din ako sayo. Nagkita ulit tayo, nag usap. Ang sabi mo wag tayong mag madali. gusto mo munang magkakilala tayo ng lubos. Tinanong kita kung "tayo" na ba.. ang sagot mo.. "makapaghihintay ka ba?". Ang sagot ko.. "basta ba may aasahan ako eh" Ayaw kong umasa sa wala.

Sabi mo, may aasahan naman ako. Eh di mabuti kung ganun. Hinitayin kita.

Pero anong nangyari. Hindi ko lang nasagot yung text mo dahil nasa meeting ako. late ko na nabasa yun text mo.. pero nagreply naman ako. Ilang beses na akong nag reply.. nag text.. kahit isang sagot wala akong natanggap. Inakala kong baka wala na yung number mo kaya tinawagan ko cellphone mo pero nag riring lang at walang sumasagot. Iniignore mo ako. ilang beses na to nangyari. Akala ko nung una busy ka lang talaga at sabi mong hindi ka talaga pala text. Ok granted na hindi ka mahilig mag text, pero pati ba naman tawag iniignore mo.. Iba na to.. hindi na ito biro. Mahaba mang nag pasensiya ko, nauubos din ito. Ayaw ko ng ganito.. kung kelan mo lang gustong maparamdam tska ka lang nagpaparamdam. Ano ako, naghihintay sa kawalan? umaasa sa wala? it's unfair!! hindi tama ito.

Sabagay, sabi nga ng mga kaibigan ko. it's too early.. masyado pang mababaw ang pinagsamahan natin. Ilang beses nga lang ba tayo nagkita at nagkasama. Hindi pa sapat yun para maging matatag ang foundation ng pinagsamahan natin. Kung emotional investment naman ang pag uusapan, kulang pa din. Kaya ok lang sakin kung ano man ang nangyari. At least di masyadong masakit. At least maaga pa lang natapos na agad..at nalaman ko na kung ano status ko sayo at status nating dalawa.

para akong tanga.. nagsusulat ako ng ganito eh hindi mo naman nababasa.. lols. Wala eh.. way of expression ko lang ito. kahit hindi mo mabasa ok lang at least na express ko yung feelings ko.

Anyway, no hurt feelings naman ako. At hindi rin emo type post itong entry na ito.


===========================

btw: nagpalit na ako ng number deleted na din number mo sa phonebook ko. kaya noway para magkaroon pa tayo ng contacts.. so good luck na lang sakin.. goodluck sayo? ewan ko.. bahala ka na sa buhay mo.

Saturday, March 14, 2009

two for the road....

Pag ibig... ang sarap sa pakiramdam. Lalo na kung nasusuklian ito ng taong iyong iniibig. Sabi nga "it takes two to tango". Sino nga ba ang taong hindi pa nakakaranas ng pag ibig. Wala yata. Kaya nga tayo iba sa mga hayop. Meron tayong sariling damdamin na sadyang ibinigay satin ng Diyos para gamitin. Umibig at ibigin ng kapwa natin.

Sa tagal ko na dito sa mundong ibabaw, nakaranas na din ako sa masayang pag iibigan. Nasawi.. nakabawi.. nagmahal.. minahal. Naka apat na relasyon na din naman ako. Mga babae na pawang minahal ko at pinag ukulan ng panahon. Napakasarap umibig. Para kang nakalutang sa hangin. Cloud 9 na daw ang sabi nila. Totoo nga naman.. parang cloud 9 talaga. "it's you and me against the world.

Sa mundo na PLU... parang taliwas yata sa aking prinsipyo na umibig sa kabaro. Noong una akong pumasok sa ganitong mundo. Itinatak ko na sa isip ko na hindi ako papasok sa ganitong klase ng pag iibigan. Na sa tingin ko ay pawang laro laro lamang. Crush kita.. crush mo.. tayo na.. Eh teka.. ang pagkakaroon ba nag crush sa isang tao ang nangangahulugan bang iyon ay pag ibig na? Hindi siguro. Sa ganang akin. ang pag kakaroon ng crush.. ay parang humahanga ka lang sa kanya. Sakin kasi pag ako nagka crush sa isang tao, ma lalaki man o babae.. ito ay nangagahulugang may isang aspeto niya na gusto ko. Kadalasan.. yung aspetong yun..ay inaasam asam ko na sana may ganun din ako. Halimbawa na lang ng aspeto na kagandahan. Sa mga lalaki na nagiging crush ko. Iniisip ko na sana gwapo din ako tulad niya. Maganda ang kanyang katawan. Sana.. may ganun din akong katawan. Yung tipong physical lang ang lahat.

Dito sa mundo ng PLU, una akong nakaramdam ng "pag ibig" sa isang lalaki na nakilala ko yahoo messenger. Naikwento ko na yun dati pa dito sa isa sa mga blog entries ko. Noong mga panahon na nag eexplore pa lang ako. HIndi ako alam nung una na pag ibig na pala yun. Noong una hindi ko matanggap sa sarili ko na , ako, umiibig sa kabaro ko. Mantakin mo yun? Kung kelan pa ako nag ka edad.. tsaka pa ako nakaramdam ng ganito? Hirap ng pinag daanan mo nun. Isang taon kung pinigil ang sarili ko. Na akala ko ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya. HIndi pala.. Higit pa pala sa isang kaibigan. At ka kanya ko unang na experience yung lakas ng loob na magsabi ng mga katagang "I Love You" sa isang lalaki. Haaaayyy.. ewan ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob that time. Anyway.. past is past ika nga.. nagyari na.. at tapos na ang nakaraan.

Ito lang lately, nakaramdam na naman ako ng pag ibig sa isang tao na sa umpisa at akala ko kaibigan lang ang turing ko sa kanya. To think na 2 times pa lang naman kaming nagkakasama. Marahil gawa ng constant na pag uusap sa chat, sa text, at sa landline, nahulog ang loob ko sa kanya. Noong una, iniisip ko na kung tama bang mahulog ang loob ko sa taong yun. Pero hindi mapigilan ang puso. Sabi nga kapag puso na ang umiral, wala nang pakialam.

Gaya nga ng sabi ko dati, sa isang barkadahan, pag tinuring mong kaibigan ang isang tao, hindi mo ito dapat haluan ng ibang anggulo. Maaring masira ang pagkakaibigan dahil lamang sa hinaluan mo ng love angle ang samahan. Binalewala ko ang prinsipyong yon. Siyempre pag ibig, kaya ayun.. sabi ko bahala na.. Ayun, naglakas loob ulit ako, sinubukan ko ulit. Gawa ng sobrang pagpapakita sakin ng kakaibang atensyon ng taong ito, nagawa ko uling magbakasakali, nag tapat ulit ako ng aking saloobin sa taong iyon.

Pero dahil sa nagkamali yata ako ng interpretasyon sa kanyang mga pinakita, nauwi lang din sa wala. Isang kabiguan ang aking napala. Umasa, naghintay, pero kalaunan, wala palang mapapala. Isa akong malaking bigo.

Naisip ko, totoo nga yung tinuran ko na masisira ang pagkakaibigan pag hinaluan ng ibang anggulo. Nagkasira kami. Pinilit kong kalimutan siya, inalis ko lahat ng mga contacts niya. Ang friensdter, YM, cellphone number, lahat yun, tinanggal ko para lang tuluyang mawala ang kuneskyon ko sa kanya. Pero maliit lang ang mundo ng cyber, hindi ko naiwasang magkita at magtagpo ulit ang landas namin.

Pinilit kong ibalik yung dating samahan, yung dating pagkakaibigan. Pansamantala, naibalik ko din naman. Nagcha chat pa din kami. Nagtetext padin. Nagkikita pa din sa forum. Kamustahan. Noong una, pinakiramdaman ko sarili ko kaya ko bang ibalik yun dating pagkakaibigan namin. OO nagawa ko, naibalik ko din sa dati. Na parang walang nangyari. Nagpatuloy ang aming communication. Pagka minsan, nagbiburan pa kami na parang walang nangyari. Back to normal ika nga.

Nang minsang magkaroon kami ng nightswimming sa grupo namin, nagkaroon kami ulit ng pagkakataong magkasama muli ng taong ito. Sa di inaasahan, nakaramadam ulit ako na kakaibang feelings. Ewan ko ba, tila yata nagbalik ulit yung dating pakiramdam ko sa kanya. Haaayyy... for the second time around, ganun na naman ang sitwasyon. Pinakitaan na naman niya ako ng mga sensyales na hindi ko alam kung misinterpretation lang on my part. Pero hindi lang ako ang nakakapansin, maski mismo mga kasama ko, ganun din ang tingin nila. Sa natural kasi, kapag ang isang kaibigan, nagpakita sayo ng concern, ng mga moves na hindi karaniwang ginagawa sa isang ordinaryong kaibigan lamang, bibigyan mo ito ng ibang kahulugan. Ganun ang nangyari samin. Siyempre sa part ko, bilang dati nang may nakaraan sa taong yun, hindi ko maiwasang mahulog ulit ang dadamdamin ko sa kanya. Sa buong grupo, lahat sila, ganun ang interpretasyon nila sa mga pinakitang gestures ng taong ito sa akin. Kaya nag expect lahat sila, na later on.. mauuwi din kami sa relasyon.

Pero taliwas sa inaasahan, nauwi din sa wala ang lahat. And for the second time around, isa na naman akong napakalaking bigo. Haaayyy centurion, bakit ka ganyan... nag feeling ka na naman.. Ang tigas ng ulo mo. Hindi ka na nadala!!, Well kasalanan ko naman talaga.. Bakit kasi inulit mo pa. Nabigo ka na nga nung una, inulit mo pa. Sa isang banda, oo nga naman, bakit inulit ko pa. Gayong may history na ako ng kabiguan. Well, masisisi niyo ba ako? Kasalanan bang magmahal? Tao lang ako, may puso at damdamin, marunong magmahal. Pero bakit sa iisang tao ka lang nagkaganyan? Umibig, nabigo, umibig ulit at eto nabigo na naman.. Haayyy... pag ibig nga naman.