Showing posts with label thoughts... Show all posts
Showing posts with label thoughts... Show all posts

Tuesday, September 28, 2010

Random Thoughts..

Walang ma ipost.. di ako masyadong nag uupdate nitong blog ko. Most of the time puro basa lang ako ng mga blogs na sinusundan ko. Kaya para at least may ma ipost lang.

1. 88 days to go, it will be Christmas day na. Parang kelan lang. Ang bilis talaga ng takbo ng oras. And 1 week after bagong taon na naman.. 2011. Ano na naman kaya ang hatid satin ng taong 2011? Last Christmas, naging masaya naman ito para sa akin. Nakasama ko mga mahal ko sa buhay. Family.. friends... Sa mga engkanto kong kapatid, ano kaya plano natin this christmas?

2. Single na naman ulit ako. hahaha. Pressured ba ako about that? hindi naman. nagkaka phobia na nga yata ako na makipag relasyon eh. Yung last relationship na pinasok ko, ewan!.. wag na lang nating pag usapan. Di rin naman ako bitter sa nangyari. Ako kasi, i always believe na pag natapos ang isang relasyon, hindi ito kawalan para sa akin. I gave my best effort para gumanda ang takbo ng relasyon. pero sabi nga..it takes two to tango.. pero naging one way traffic lang eh. Sayang kung sayang. Pero ganun talaga eh.

3. Sa work, medyo tinatamad ako lately. Hindi ako inspired. Lalo na kung ang boss ko mismo ang nagbibigay sakin ng dahilan para tamarin pumasok. Kampon yata ni satanas yung boss ko eh. Halos lahat kami, tinatamad mag work. Pero since its our obligation. No choice kundi gawin ang aming duties and responsibilities. Pero namunuro na tong boss namin.. Lapit ka na.. bilang na mga araw mo kupal ka!!!.. hahaha.

4. Pressured din ako lately sa masteral studies ko.. lapit na finals.. at next saturday mag rereport na ako. Kulang sa oras, pero kakayanin. At dapat kayanin. We have only two meetings (saturdays) na lang and finals na.. Haaays.. 9 units din yun. Ilang units pa bubunuin ko para matapos.

So there, yan lang muna ang ramdom thoughts ko... mga tumatakbo sa isip ko lately.


Saturday, July 18, 2009

just a thought...

"Sometimes you just have to put a PERIOD on something that has to END, and not a COMMA... why? 'coz time will come, you'll realize that it's nicer to see a COMPLETE SENTENCE, rather than seeing a phrase that's completely hanging and doesn't even make any sense.."

Tuesday, June 16, 2009

Random Thoughts...

1. The weather is not good... these past few days... it's been raining. Kainis kung kelan aalis ng bahay in going to work, tsaka naman uulan.. at ganun din sa hapon. Kung kelan ako uuwi tsaka naman uulan ulit. Kaya eto.. di ako mawalan ng ubo at sipon. haaayy..

2. Been into texting lately... at mga bagong textmates ang katext ko lately. Mga nakilala ko din sa chat. Most of them gusto agad ng meet up.. Ano ba!!!.. di ako nakikipag meet ng basta basta. Siyempre kinikilala ko muna ng husto sa text.. at least sa text man lang. At eto pa ha... most of them, mga nasa mid 20's lang.. textmates lang naman eh.. ayaw ko muna seryosohin.. sakit lang ulo yang mga yan.. palibhasa mga bata.. haaayy..

3. Mula nang matapos ang summer vacation at mag start ang classes, medyo maaga na ulit akong nagigising.. Yun nga lang.. late pa ding natutulog.. hehehe sanayan lang yan.. late sleeper man ako.. early riser naman.. hehhehe. I have to wake up at 5:30 am.. enough to fix myself.. then before 7:00am strikes... on the way na ako.. one hour almost ang travel time ko.. at 8:00 ang start ng official time ko. Then by 2:30pm.. uwian ko na...

4. On a nightly basis ba din kung mag online ako.. Wala lang.. parang kulang na araw ko kung walang online sa gabi eh.. Eto lang naman kasi libangan ko actually. ang internet.. chatting.. blogging.. Friendster.. Facebook... YM...

5. Daming iniisip na kung ano anong bagay lately... family... work... friends... personal things ko.. napapabayaan ko na.. Nafocus kasi ako lately sa issues ng mga ibang tao.. pero no regrets.. kaibigan ko naman sila.. and i love them.. Weekly nga nagkikita kita kami.. Bonding moments.. kwentuhan.. inuman.. ganun lang naman kababaw ang kaligayan ko eh.. makasama lang yung mga taong mahal ko.. mga kabigan ko.. masaya na ako..