Showing posts with label random thoughts. Show all posts
Showing posts with label random thoughts. Show all posts

Sunday, October 9, 2011

Random Thoughts #7

Here i go again. Wala na naman maisip na ipost.. just want to keep this blog updated kahit paano. And gusto ko din ilabas lang itong mga nilalaman ng aking dalisay, malinis, at walang bahid na isipan (choz!). Mga bagay bagay na naglalaro sa aking isipan. Ganun na din ang mga pinagkakaabalahan ko sa mundo ng cyber at ganun na din sa mundo ng realidad.. Mga nangyayari sa akin at sa mga taong nakapaligid sa akin.

1. Lapit na matapos ang 1st semester. Ngarag na naman ako nito sa preparation ng final exam at requirements para sa Masteral Class. This coming saturday na ang finals namin. Good thing is i have already submitted some of the requirements sa dalawang subjects ko. And one more subject na lang, and it's over! 24 units na ako. Then 2nd semester i'll take another 6 units para  macomplete ko na ang Academic Requirements. Then, thesis writing na. Isang malaking good luck to me!

2. Lapit na ang Pasko. Ilang tulog na lang.. I really dont know what's in store  for me. Pag naiisip ko kasi ang Christmas, isa lang pumapasok sa isip ko. GASTOS!! PERA!!  Haayss.. pwede bang mag Christmas na lang nang hindi na gumagastos? hahaha. Ang mga inaanak ko, pasensiya na sa mga hindi ko na nakikita. Well, sorry na lang kayo. Kung di kayo magpakita eh di walang regalo! Practical lang si ninong! alangan ba namang ako pa pumunta sa mga bahay niyo no!! Hindi ako sa Santa Clause at wala akong sleigh at wala ding mga raindeer na gaya ni rudolf! LOL



3. In relation to upcoming Christmas, Christmas party na naman ito. Sa work, sa family, sa mga friends at kung saan saan pa! Isa sa mga pinakakaabangan kong Christmas Party ay ang Annual Christmas Party ng Engkantadiya. This will be our 4th Christmas Party. Excited na ako ngayon pala kung ano mangyayari this time. Pagpaplanuhan namin itong event na ito. We'll make sure that this will be our best so far.





Wednesday, June 22, 2011

Random Thoughts #6

It's been a while since i last posted my Random Thoughts #5. Here I am again, woke up in the middle of the night thinking of what to do. Hindi na ako dalawin ng antok. And hopefully, after doing this blog entry, antukin na ulit ako. At bilang may pasok maya, i need to rest para may powers pa for my very stressful work.

1. It's me and my father. Just the two of us lang ngayon dito sa bahay. My mom went to province for the wake of her sis (my aunt) who died of cancer. Actually last satruday pa siya doon, the whole family went there except me because i had my satruday class and its the first day of class at hindi ako pwedeng mag absent. Nagpaiwan lang si nanay since this coming saturday pa ang interment. So para hindi na siya mahirapang mag travel, nagpa iwan na lang siya doon. She'll be back right after the interment.
2. Speaking of Masteral Class, i dont know kung makakayanan ko yung bagong class schedule ko. 3 Subjects ang inenroll ko this semester. And my Classes starts at 8:30 am and will end at 6:30 pm. The day of Saturday ito. Good luck na lang sakin. Kaya bawal na gimik pag Friday nights. I need to wake up early every saturday morning.

3. Putcha! ang bilis talga dumaan ng pera. Parang dumaan lang sa kamay ko. Bills! Bills! Bills!.. Meralco, PLDT, Maynilad!.. Sabi nga sa JokeCentral ng Twitter. " Kailangan itaas nyo sahod ko. Kung hindi, 3 kumpanya naghahabol sa kin! BOSS:Ano? JUAN:Meralco, Maynilad at PLDT! Bka putulan kami!" LOL. But seriously, isa sa mga considerations ko kaya hindi pa ako nag aasawa, mahirap ang buhay ngayon. Sarili ko nga nahihirapan akong pakainin, papakainin ko pa hindi ko naman kamag anak. Charot lang! hahaha.

4. May mga tao akong namimiss. Yung taga Bulacan, yung taga Nueva Ecija, at yung nasa USA. Kilala niyo kung sino kayo. Medyo matagal tagal ko na din silang hindi nakakausap. I dont know what went wrong between us. Bigla na lang naputol communications namin. Pero lahat sila minahal ko.. tinuring kong younger brothers.. Hindi ko sila basta basta makakalimutan. Kahit paano may pinagsamahan din naman kami. Ako kaya namimiss din nila? :-)

5. I have this weird feelings. Lately ko lang narealized ito. I get attracted by hot sexy body. Gym toned and and find it very sexy. It doesnt matter kung HIPON or not. Pero the thing is, once i get to see the tool weather in personal or in picture, nawawala attraction ko. Nawawala libog ko. At first when i see him topless, syet! parang gusto ko siyang sunggaban. Dilaan ang buong katawan. Pero pag nakita ko na yung kahubdan niya, whole nakedness niya, parang gusto ko na siyang tadyakan!. Weird diba? hehehe.


so there, my random thoughts #6.




Wednesday, May 11, 2011

Random Thoughts #5

Since mag start ang vacation, medyo naging busy ako sa paglalakbay. I've been to many places, like Iloilo, Guimaras, Bacolod, Laguna and Baguio. At kahit paano nakapag unwind ako from my very stressful work. Medyo tinatamad na din ako mag blog. Wala akong maisip na good and interesting blog entry. Kaya eto ramdom thoughts na naman ako. hehehe

1. I've just celebrated my birthday with the engkantos. Na touched naman ako sa birthday greeting na ginawa ni Papa Pilyo para sakin. Ako daw ang THOR ng buhay nila.. hahaha Kaso parang may pagka selfish yata ang kanyang greeting. Ayaw niya akong maging taken. Para wala daw silang kaagaw sakin. hahaha Pero ok lang.. kung destined talaga akong maging single para sa kanila, so be it. Thankful din ako kahit di lahat nakarating but at least they remembered my special day. Thank you to all my kapatid na engkantos. You always make me happy. 

2. Nag renew ako ng aking driver's license kahapon. 2 days lang ang lagpas sa expiration date may penalty na agad ng P75.00. Pero ayus lang. at least nakapag renew na ulit ako and this will expire on my birthday in 2014. Three hours lang naman akong nag process ng license renewal ko. From Urinalysis to medical exam to appication. inabot lahat ng almost P900 ang nagastos ko. Habang naghihintay na tawagin ang aking name, medyo naaliw din naman ako sa kaka sight ng mga eye candies. Karamihan sa kanila nag aapply ng student permit. Yung isa nga naka kwentuhan ko pa habang naghihintay. Sayang nga lang di ko na getching ang name at number niya.. hahahaha.

3. Kahit vacation pa ako, nagpunta ako sa office kanina to get the order ng uniforms ng mga kasama ko. Ayun, apat lang ang nag order. Yung iba next time na lang daw pag may pera. Eh kakakuha lang ng mid year bonus and i told them na mag order na agad para isang puntahan na lang sa supplier ng uniform. Oh well.. since apat lang ang nag order, apat plus ako, limang orders lang ang bibilhin kong uniforms. Bahala silang pumunta sa supplier. Ayaw ko na ng pabalik balik. 

4. Lately medyo nag eenjoy ako sa pag oonline sa twitter.com. 2nd account ko na actually. Nag delete ako nung 1st account ko dahil lang sa tinamad ako. Hehehe. But not this time. Mukhang enjoy ngayon ang atmosphere sa twitter. May mga new found friends ako. Andiyan sila Astroboi, Handyman_ph, Carlodlopez, Claudiopoy, greatkid_08, ewankojohn, Jap_nishi, MsChuniverse, MarioBro28, Nimmychan, Dhouseboy, LouieSantos, boybakulaw, Ceiboh, DocCed  at marami pang iba. Siyempre di mawawala ang mga dati ko nang nakakausap sa twitter, sila soul_jacker, notthewimpykid, Rain_darwin, Worlack, Marhk, Mksurf8, Popoy, Maxwell, nubadi, mybleedingangel, xallthethird, mynameisewik, iamshoti, at marami pang iba. May na meet din akong bagong friends from twitter. and soon to meet.

5. May bagong additional member na naman ang mga engkantos. Nadagdagan na naman ng isa ang aking mga junakis. Long time friend siya ni Mugen at ilang beses ko na din siyang nakasama sa tagay. He's such a nice guy. Ok siyang kasama. walang kiyeme. Nakasama ko na din siyang manood ng movie, kaming dalawa lang. And take note, siya pa ang nanlibre sakin. hahaha. Hopefully magtagal siya sa group namin. With papa joms around im sure he will. Welcome to the world of engkantadiya Papa Rocco.

So there, yan lang muna ang aking Ramdom thoughts....

Sunday, January 16, 2011

Random Thoughts # 4

Habang nagtatype ako dito sa aking laptop, daming tumatakbo sa aking isipan. Kaya mabuti pa gumawa na lang ako ulit ng another version ng Random thoughts. part 4. Wala na naman akong magawa. Wala na naman akong maisip na topic dito sa aking munting blog. Yung Mike Series ko.. part 3 na ang natapos. Inabot na ilang araw bago ko matapos ang ikatlong part. Putcha.. ang hirap mag recall kasi ng mge events. 16 years na kasi ang nakakaraan. Anyway, yung part 4 pala.. after 16 years.. mauling nagpakita si Mike. Last December 2010 lang kami ulit nagkita. On the process na ang Part 4. Wait niyo lang..

For the mean time, random thoughts muna..

1. Nakuha ko na yung grade ko  sa ika 3rd subject ko sa Masteral. Studies ko.Tumataginting ng 1.0 lang naman. (pagbigyan niyo na ako.. magyayabang lang hehe) . Yung una 1.0, yung pangalawa, 1.25. Not bad diba? Im currently enrolled sa 2 subjects equivalent to 6 units. Yes 6 units lang ang aking kinuha, hirap kasi pag March na.. dami na trabaho. Baka di ko kayanin. And next week may premils kami sa isang subject. May part 1 at part 2, Yung part 2 daw take home exam. Sana wag mahirap ang mga questions.

2. May planong tagayan last Jan 7, for the birthday celebration ng isa sa mga engkantos, unfortunately hindi natuloy yung celebration, kasi may susunduing balik bayan na relatives yung may birthday. But nevetheless  tumagay pa din kami. apat lang kaming nagsalo salo sa 2 buckets fo sanmiglights. And the birthday celebrator na next week na Jan 14 ituloy ang tagayan celebration. Pero Hindi pa din natuloy, nagkasakit, nagkatrangkaso ang may birthday.

3. So since walang tagayan, nakipag meet na lang ako sa isang long time chatmate/textmate na matagal nang nag iinvite sakin ng meet up. He is ok naman, hindi naman sablay, ok din siyang conversationalist.. kahit sa text or chat naman before pa.. madaldal na siya kausap. Nagpunta kami sa isang videoke bar na pag aari daw ng girl tropa niya. We had 4 bottles of Red Horse, tig 2 kami. Nag videoke din kami. Aba, napalaban na naman ako ng kantahan. Medyo madali akong tinamaan ng redhorse, pagod at galing pa kasi ako sa work. tapos naming uminom, nagdecide na kami magpaalam sa isat isa. Ok naman sana siya, kaso nung pauwi na kami, bigla akong na turn off. First time pa lang naming magkita eh tinatawag na agad akong "bhe". Tapos sakay kami ng jeep kung makahawak sa tagiliran ko parang sawa. Buti na lang sa likod ako ni manong driver at hindi masyado obvious yung kamay niya na nakapalupot sa tagiliran ko. Hindi pa nakakalayo masyado yung jeep nang biglang may sumakay. Fuck syet!!.. neighbor pa namin!! Buti na lang.. pinatanggal ko yung kamay nung kasama ko sa aking tagiliran bago pa man siya nakasakay. Ang nakakatawa nito, pareho kaming di nagpansinan, ako nagtatago sa kanya kaya ikinapit ko ang aking kamay sa hawakan para matakpan ang akung mukha, at tingin ko ganun din siya, kasi may nakita akong kasama niya, babae, na sure akong di niya asawa yun kasi kilala ko din ang kanyang asawa. Kaya ayun. pareho kaming nagtatago sa isat isa.. hahaha. Ang kaibahan nga lang.. siya babae ang kasama ako lalaki. Lols. 

4. Nasira ang aking printer, ayaw marecognize yung ink na magenta sa continuous ink na aking ipinakabit. Buti na lang hindi pa expire ang 6 months warranty. kaya ayun, sugod ako sa SM kaninang hapon. Pero pinaiwan na lang ang printer kasi madami silang customers. Kontakin na lang daw nila ako pag ayus na. On my way home, muntik pa akong di nakauwi. Nagkadiperensiya yung aking dalang sasakyan. Buti na lang.. kahit paano may alam na ako sa troubleshooting..

5. Lately nahihilig ako sa PBA. Oo basketball. Actually. dati na akong mahilig sa sports. Way back 1998. Panahon nag Purefoods vs Alaska. Favorite players ko that time sila Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa at Gerry Cordiniera. Even nung college days ko naglalaro na ako ng basketball. Isa sa mga PE classes ko was Basketball. This time, SMB ako. Na engganyo uli ako maging PBA fanatics ng isa sa mga engkanto. Si karpentero. Katunayan, twice na kaming nanood ng live games sa Araneta. And pareho kaming SMB fanatics. Cross fingers, habang ginagawa ko itong blog entry na ito, kasalukuyang naglalaro ang SMB vs. Ginebra. Pag nanalo ang SMB makakalaban nila ang Talk n Text sa Championship!!.. at pag nanalo ang Ginebra, may Game 7 pa. Cross fingers talaga.. sana manalo ang SMB!!

so there... ramdom thoughts part 4





Wednesday, December 22, 2010

Random Thoughts # 3 (at 1:00am)

Haays, di ako makatulog, natulog kasi ako kanina hapon.  kaya eto para lang zombie. dilat na dilat pa din kahit madaling araw na. Nagpapa antok kaya gawa muna ako ng blog, kung ano ano lang maisip sulat lang nang sulat.

1. Bago pa man magsimula ang aking Very Very Long Vacation, naka gawa na ako ng sked at itineraries. 3 reunions ang naka sked kong pupuntahan, I just hope maattendan ko mga ito. Nakakahiya naman invited na nga ako at nag effort pa talaga yung mga organizers na contact ako thru FB tapos dedmahin ko pa. hehehe. I would love to see them again for how many years din kaming di nagkikita kita. 

2. Kanina before lunch, i went to mall with my father, bumili kami ng Hot-Cold Water dispenser. Luma na kasi ang defective na yung dating dispenser namin. Ayun.. nabasan na naman ang aking kayamanan. Mahal pala ang dispenser huh. Pinakamura yung 5k. Pero maganda naman yung nabili namin. Sabi nung pinagbilhan 5 hours daw muna bago gamitin kasi yung compressor medyo naalog, para daw kasi ref yun. so nung gabi na.. ayun, ginamit na agad.

3. Excited much na ako sa nalalapit na Christmas Party ng engkantadiya, sana maging masaya ang lahat. Dalawang galing abroad ang dumating. Yung isa galing ng Indonesiya, yung isa kakadating lang galing ng Europe. Sayang nga lang yung isa nasa SG pa. At mukhang di talaga makakapunta. Pero kahit wala siya, parang kasama na din namin siya.

4. Mukhang nagalit sa akin ang isang kaibigan.. sana tampo lang yun.. di niya ako kamuhian. Biruan lang naman yun, burautan lang.. at wala akong malicious intent. Tawa nga ako ng tawa nung ginagawa ko yun eh. Kung napikon man siya, sensiya na lang.. wala akong masamang intension. At the end of the day, magkaibigan pa din kami. Love you!!!. mwaah.

5. Haays, for the 4th time nasira na naman yung ATM card ko. Di na mabasa ng ATM machine. Defective na yung black strip sa likod. Lagi kasing nadidiinan pag nasa wallet ko, ayun parang nabura na yata yung black strip. One week na naman ang replacement. Haaays. Ang layo pa naman ng main branch kung saan ako naka register at kailangan mag over the counter para makakuha ng pera. Tapos madami pang holidays, sarado ang bank. haaays talaga..

6. Nag start ang simbang gabi last dec 16, never ko pa yatang na kumpleto itong simbang gabi na ito. Usually, hanggang umpisa lang ako. Dec 16, nag simba ako, pag dating ng dec 17, di na ako nagising. hahaha. Next simba ko. dec 21 na, tapos eto di pa ako natutulog, makakapag simba kaya ako mayang 4am? hahaha. gudluck na lang sakin. hahaha Potah!, 2am na hyper pa ako. hahaha

yan lang muna...




Monday, November 29, 2010

Random Thoughts.. (again)

Been busy lately.. daming ginawa.. daming nangyari.. pero good thing.. i still manage to keep myself composed. Daming inisip, daming pinag kaabalahan, daming taong nakasalamuha. Here are some ramdon thoughts (again) na pwede kong balik balikan if ever..

1. Lapit na ang christmas, pang ang bilis bilis ng takbo ng panahon. kelan lang, nag UNDAS  (November 1), ngayon.. patapos na ang buwan ng nobyembre. (Bonifacio Day na nga Bukas ,Nov. 30)Sabi nga nila pag tapos daw ng UNDAS, Christmas naman ang pagkakaabalahan ng mga tao. Maagang naibigay ang aming BONUS, ayun... awa ng Diyos.. Paubos na! hahaha.

2. Nag start na ulit akong pumasok sa Graduate school. 6 units lang ang kinuha ko (2 subjects) kaya medyo petiks lang. Hindi ako kumuha ng full load (9 units) sigurado yan pag dating ng march, sasabay ang finals  sa activities namin sa work. Ngarag na naman ako nito pag nagkataon. Kaya ayun, 2 subjects lang kinuha ko. And good thing, when i was given the topic to be reported in class, ayun.. sa March 12, 2011 pa ako mag rereport. Oh diba, tagal pa, dami pang time mag research.

3. Inspired akong mag patuloy ng aking Graduate Studies, lalo pat nakakuha ako ng flat 1 sa isa kong subject. Ewan ko lang sa ibang subjects. hahaha.. Pero confident naman ako na maganda din grades ko. Sana!.. hehehe

4.  Dalawang bagong nilalang from cyberworld ang naging kaibigan ko at naging part ng barkadahan. Si Jc, at si Karps short for Karpentero (ayaw pabanggit ang name niya eh). They are good naman. Madaling nakagaanan ng loob. I just hope we could have more time with them. Lalo na si Karp na medyo malayo pa ang pinaggagalingan.. at sana mag enjoy sila sa company namin. 

5. Hindi all the times laging masaya sa barkadahan, may times din na medyo nagkaproblema kami. Isang issue ng pagkakaibigan ang naging dahilan. Pati ako nadamay, though naintindihan ko naman kung bakit naging ganun. At mabuti na lang, naagapan ko agad at napagpaliwanagan ng mabuti. Konting time pa and later on, maayos din ang lahat.Natural lang siguro sa magkakaibigan ang pagkakaroon ng samaan ng loob. But sooner or later everything will be alright. Pasko na.. dapat magmahalan ang lahat diba?

6. Last night i had the chance na makasama/makabonding si bunso. For a long time medyo matagal na yung last time na kami ay lumabas.. na dalawa lang kami.  We had joy, we had fun, we had season in the sun!.. (ay kanta pala yun! hehe). Two nights ago pa kasi nag aaya ng inuman yung bunso namin.. kaso mga busy busyhan ang mga kuyas niya. Kaya ayun.. sinamahan ko na lang. Kakatuwang isipin, si bunso na matagal ko na ding nakasama.. And i considered him already at my younger brother. (wala kasi akong kapatid na lalaki na mas bata sakin) kaya mahal na mahal ko yang bunso namin.

7. Kanina, i had the chance also na maipasyal sa mall ang parents ko. (dakilang driver ako btw! hehe) We went to a newly opened SM  City Novaliches. Though di naman kami masyadong nag tagal, kain lang ng medrienda, ikot ikot, Observe observe, and i realized, maliit lang pala ang mall na yun. Walang sinabi sa SM Fairview na madalas naming puntahan. So yun, enjoy naman kami sa pamamasyal kahit paano.


8. Bukas, pasok na naman, tapos na ang LONG WEEKEND ko. Pahirapan na naman sa pag travel nito. Kailangan maaga akong umalis ng bahay kundi, abutin na naman ako ng trapik nito. Ganito lagi ang eksena sa lugar namin tuwint start ng week. Parang lahat yata ng tao at mga sasakyan ay lumuluwas papuntang manila. Ang laki ng volume ng mga vehicles ang bumibiyahe tuwing start ng week. 
so there, and random thoughts ko... bow!!