Friday, August 19, 2011

LDR... noon at ngayon!!!


LDR... also known as Long Distance Relationship. Isang di pangkaraniwang status na relasyon ng dalawang mag sing irog. Mag asawa man or magkasintahan pa lamang. Sa ganitong sitwasyon nasusukat ang pagmamahalan ng dalawang magkarelasyon. Malayo sa piling ng isat isa. Milya milya ang layo sa isa isa.

Isang umaga, habang nakasakay ako sa bus patungo sa aking work. Matamang nakabukas ang tv. May isang segment sa isang morning show, kung saan tinalakay ang love problem ng isang viewer na nanghihingi ng payo. Tungkol ito sa LDR. Ang humingi ng payo ay babae at ang kanyang nobyo ay nasa Dubai. Ayun sa letter sender, 4 years na silang magkasintahan ng kanyang nobyo at nitong huling limang buwan at naisipan ng kanyang nobyo na mangibang bayan upang mag work. In other words, 5 months na silang nasa LDR status. Sa takbo ng kwento ng letter sender, unti unti daw nanlalamig ng pakikitungo ang kanyang nobyo. Madalang na daw silang magkausap at pakiramdam daw niya ay may ibang mahal  na ang kanyang nobyo.

Isa sa mga host ng nasabing morning tv show ang nagbigay ng kanyang payo at opinion. Ayun sa kanya, malaki daw ang pagkakaiba ng LDR status NOON kesa LDR status NGAYON. Medyo may edad na ang tv host at ayun sa kanya, naranasan din daw niya ang pumasok sa ganung status. Siya ang nangibang bansa at ang kanyang nobya ang naiwan dito sa Pinas. Ayun sa kanya dalawang bagay at pinaka importanteng sangkap para maging matibay at mag last ang relationship kahit pa nasa LDR status ito. Financial Investment at Emotional Investment

Financial investment - kasi ang mga magkasintahan noon ay gumagastos ng malaking halaga para lang magkaroon ng constant communication. Di pa uso ang YM, tweeter, Text Roaming, Skype that time. Kaya para maka usap mo ang iyong mahal ay kailangang mag Long Distance Call ka gamit ang Landline. Isa pa diyan ang koreo, Mail, Sulat. Na kailangang sulat kamay talaga at ipapadala mo sa Post Office. At ayun sa mga dalubhasa, mas mainam daw ang sulat kamay, kasi dito mo talaga nararamdaman ang tunay na saloobin ng tao sa pamamagitan ng kanyang sulat kamay. Halimbawa na lang ang LOVE LETTER. Kung love letter ang iyong ipapadala, kailangang sulat kamay ito ng nagpadala. Nang sa ganun at maipadama mo ng mabuti ang iyong saloobin at laman ng iyong puso sa taong iyong papadalhan. Hindi gaya ngayon, mura ang bayad para makausap ang iyong mahal. Isang chat or text lang. Andiyan na at nakakausap at nakikita mo pa. Walang financial investment masyado.

Emotional Investment - Magkaiba ang status ng dalawang taong kelan lang naging magkasintahan na pumasok sa LDR at ng dalawang taong matagal na at years nang magkasintahan o mag asawa na pumasok sa LDR. Ang una ay kulang pa sa emotional Investments. Bago pa lang kasi kaya di pa ganun kalalim ang kanilang pinagsamahan. Samantalagang ang ikalawa at subok at matatag na. Kung emotional investment lang ang sukatan, di hamak na sobra sobra na ang ikalawa.  Taon na ang kanilang binilang. Taon na ang kanilang pinagsamahan. At sa puntong ito. Malaking factor talaga ang Emotional Investment para makasurvive sa LDR status na yan. Particular ito sa mga Mag asawa na may mga anak. Pero applicable din ito sa mga partner or magkasintahan nasa long time relationship na. years na din ang inabot.


Now, alin ka sa dalawa? Yung bago pa lang? or yung years na? At paano mo matatagalan ang LDR status nyo ng partner mo? Kaya mo ba? or kakayanin mo?
At dahil diyan, panoorin niyo ito..






4 comments:

  1. ang example sa kwento mo ay: LALAKI AT BABAE

    therefore, hindi yan applicable sa ating mga PLU kaya ang sagot ko NEITHER. Gawin mong example ang pag-iibigan ni Papa Pilyo at Sam Concepcion para makapag-react ako.

    next case analysis please!

    - Mr. Mahusay (hinahamon ng burautan si Pilyo)

    ReplyDelete
  2. @Mr Mahusay

    hindi bat mas matindi pa ng ang love affair ng mga PLU? mas sobrang attached sila sa isat isa.. therefore, mas lalong applicable ito sa mga PLU.


    and speaking of Papa Pilyo and Sam Concepcion's love affair, EXCEPTIONAL yun!.. tailor made ang love affair na yun. walang kaparis... walang kasing ganda!.. Botong Boto ako sa pag iibigang iyon! CHOZ!

    ReplyDelete
  3. tama nga siguro yung nasa video, na dahil marami na ring tukso kaya di na gaanong feasible ang LDR, unless talagang malalim na ang emotional connections ng dalawang taong involved dito..

    ReplyDelete