Sunday, June 19, 2011

Para Sa'yo! 3rd version (2nd part)

First Part


In fairness, you look good naman, you're the typical ER guy na pak na pak sa panlasa ko, matangkad, moreno, chinito, at you're age na 27, mukha kang twink, lean ang katawan. Sakto! Pero kinabahan din ako. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Inisip ko lang na pwede  naman tayong mag meet na walang sex na mangyayari pero ikaw ang nag first move. I just wanted to get to know you more sana. Pero ang bilis... ang bilis talaga. And with all honesty, type din naman kita. Not because i wanted to do it with you agad. Gusto pa sana kitang makilala.


You asked me kung may alam akong private place na malapit. Sabi ko oo meron, pero the problem is, ayaw mong pumasok nang sabay tayo at siyempre, ganun din naman ako. And you decided to go first, at susunod na lang ako. You texted me the room number, after a minute, then i followed you. 

"Room 330, punta ka na!" you told me sa text mo. Kinakabahan ako. Matagal na yung huling pumasok ako sa ganung place.

Medyo natagalan ako sa pag pasok. Syet! ang daming tao sa reception. Nag hintay pa ako ng turn ko!.. What if kung may makakita sakin na kakilala ko.. patay! Pero naisip ko.. andun na din lang naman ako at hinihintay mo ako. Sige, lakasan na lang ng loob. "sir, confirm ko lang po muna sa room 330 kung may expected visitor po yung naka check in" sabi sakin nung receptionist. Pucha, pinagpapawisan ako habang naghihintay ng confirmation. "sige po sir, akyat na po kayo" sabi  sakin nung lady receptionist.


fast forward!

At nangyari na nga ang dapat mangyari!


After we parted ways, i was thinking kung magtetext ka pa o hindi na. It's a sign for me na pag tapos ng meet up at specially nagkaroon ng intimate moments, hindi na nag text, i guess that's it! End of everthing! I went home. Pagdating ko sa bahay, nakareceive ako ng text mula sayo, "Hey, nakauwi ka na ba? Thanks ha!".

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Matutuwa dahil its a sign na gusto mo pa ding ipagpatuloy ang kabanata natin pagkatapos ng nangyari, o malulungkot dahil iniisip ko na baka yun lang ang gusto mo sakin, yung pinatikim ko sayo at nagustuhan mo, hindi yung ako, kung ano ako para sayo. 

Days after, nagpapalitan pa din tayo ng SMS, kamustahan, balitaan. Ganun pa di, may iba ka pa ding mga katanungan. At patuloy ka pa din ng tanong about other things na may kinalaman sa PLU. At dahil sa pagtetext mo, at consistent ka, walang palya. araw araw. I cant deny my self, nahuhulog na loob ko sayo. At ganun din ang pakiramdam ko, nahuhulog na loob mo sakin.

Madami ka na ding na kwento sakin tungkol sa buhay mo. Ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, ang work mo. At kung ano ano pang mga bagay na lalong nakakapag painterest sakin. 

Until one time, problematic ka. Sabi mo, hinahunting ka ng ex gf mo. At napag alaman mong 3 months pregnant siya at sabi mo at confirmed mo na ikaw nga ang ama. Litong lito ka. Hindi mo alam kung ano gagawin mo. Pinayuhan kita na panindigan mo ang bata. Its a blessing. Sabi ko pa nga sayo, na mas mabuti ka pa nga at may magiging anak ka na at may kikilala sayo na isa kang daddy. Problematic ka, hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Wala kang mapagsabihan kundi ako. At nakadagdag pa sa iniisip mo yung nangyayari sayo. Hindi mo alam kung ano na ang pagkatao mo matapos nang nangyari sa atin. 

Sabi mo, hindi tama! Mali ang ginawa natin. Ang mali at kailan man hindi magiging tama. Para ka sa babae, at hindi ka para sa lalaki. Pero inamin mo sakin na nahuhulog din ang loob mo. At nagpapasalamat ka na nakilala mo ako. Pero mas pinili mong maging tuwid. Nasabi mo pa nga sakin na feeling mo, parang nagiging bad influence pa ako sayo. Naguilty naman ako doon. Ako pa yata ang naging daan para lalo kang malito sa pagkatao mo. 

Nagkaroon tayo ng kasunduan, na hindi na muna kita ititext para makapag isip isip ka. Nang sa ganon, hindi mo ako maisip at magkaroon ka ng pagkakataong harapin ang iyong problema. Pero isang linggo lang, hindi ako nakatiis, na miss kita ng sobra. Nag text ulit ako sayo, nag reply ka agad. Nang sinabi kong hindi na kita ititext, akala ko kaya ko, nagkamali ako hindi ko pala kaya. 

Tinawagan mo ako, at sinabi mong magkita ulit tayo. Inamin mong hindi mo din pala ako matiis. Isang linggo kang naghihintay ng text ko. At naunahan lang kita ng pag text. Kung hindi ako nagtext sayo, magtetext ka na sana.

Pero tapos ng meet natin ng gabing iyon, sabi mo sakin, decide ka na. Haharapin mo na ang iyong problema. Paninindigan mo na yung bata, magpapakalalaki ka na. At kasabay nito, gusto mo na ding kalimutan at putulin ang ating ugnayan. Kaya ka nga nag text sakin ng ganito. Oo aminin ko sayo, may konting kirot sa puso ang mga sinabi mo, pero sabi mo nga, para sa ikakabuti na din natin ito pareho. Tatanggapin ko.

Ngayon, lagpas na isang linggo ang nakakaraan. I deleted your number, para di na ako ma tempt na itext ka pa at gambalain. At sana kung maisip mong iconsider kahit man lang pagkakaibigan natin. Wag ka sanang mag atubiling itext ako. Andito lang ako, naghihintay ng text mo.

Salamat, iyong kaibigan,

FOX






5 comments:

  1. ang suwerte ko naman. kaka-comment ko lang sa previous post, heto na agad ang kasunod. pero nalungkot ako sa twist ng istorya ninyo. ganyan yata talaga ang buhay, laging may gusot. gayunpaman, umaasa pa rin ako ng happy ending para sa inyong dalawa. :)

    ReplyDelete
  2. @aris

    OO mabilis lang ako mag follow up ng blog post ko. Hindi tulad mo ang tagal. hahaha

    well ganun talaga ang buhay. Kakalungkot lang at ganun kadali nagtapos ang kabanata naming dalawa.

    anyway.. thanks sa comment mo. :-)

    ReplyDelete
  3. awwww. well, it happens. the best you can expect is friendship nga naman, yun eh kung ibibigay niya yun.

    ReplyDelete
  4. waaaahhhh... naiyak naman ako... sayang!!!! pero tama nga yung ginawa nyo yung kahit me nararamdaman kayo for each other e dun kayo lumugar sa tama.... congrats sa kaibigan mu daddy na siya eh...

    pero oks lang yun.. pwede naman kayo maging magbestfriends... pero minus sex ha... hahhahaha...

    napakowment lang sir fox... :)

    ReplyDelete
  5. hugs! on the bright side, buti na lang natapos na rin, kasi naguumpisa pa lang naman kayo magkagustuhan.

    Kasi masmasakit kung nagkarelation na kayo at may umentra pa ng ganito.

    i just hope maging friends pa rin kayo. sayang yung friendship.

    ReplyDelete