Monday, December 31, 2007

Bagong Taon... Bagong????

Ilang oras na lamang ay magpapalit na ng taon. Isang taon na naman ang sasalubungin ng buong mundo. Panibagong taon, panibagong pakikipagsapalaran. Ano nga ba ang bago sa bagong taon? Meron nga ba tayong aasahang bago?

Noong ako'y musmos pa lamang, tuwing sasapit ang New Year's Day, para sa akin. Isa itong engrandeng selebrasyon. Kung saan lahat ng tao ay naghahada sa pagdating ng Bagong Taon. Andung magsuot ng polka dot na damit, tumalon habang sinasalubong ang pagpasok ng bagong taon, mag lagay ng barya sa bulsa at alugin ito. Sa parte naman ng paghahanda ng pagkain. Kailangan daw mag lagay ng labindalawang klase ng ibat ibat prutas. At huwag daw mag hahanda ng manok sa araw ng bagong taon sa paniniwalang lilipad daw ang swerte sa pagpasok ng bagong taon.
Ganito ang nakagisnan kong mga tradisyon. Na sa tanda ko ay palaging ganito na lang kagi ang paraan ng pagdiriwang ng bagong taon.

Ngunit habang ako'y nag mamature at nagkakaisip, nag iiba na ang aking pananaw tungkol sa kung ano nga ba talga ang Bagong Taon. Para sa akin, ito ay isa lamang pagpapalit ng kalendaryo. Sa taon taong pagdiriwang ng New Year's Day, walang naman akong masyadong napapansin na pagbabago sa takbo ng buhay. Ang New Year's Resolution ay kadalasan ay hindi natutupad.. sa tanda ko... wala yata akong natupag na resolution. hehehe.. sa umpisa oo, pero sa katagalan ay balik lang ulit sa dati.

Sa ngayon, darating na naman ang isang bagong taon, at sa mga nakaraang taon, nakalimutan ko na yatang gumawa ng New Year's Resolution. hehehehe

well... wish ko lang sana.. maganda ang maging kapalaran ko sa bagong taon na papasok. Gud luck sa akin, sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko. sa Bayang Pilipinas at sa buong mundo.




2 comments:

  1. goodluck talaga sa bayan natin,hehehe..sana may pagbabago nga

    ReplyDelete
  2. salamat corps sa pag popost.. sana nga gudluck talga sa ating lahat..

    ReplyDelete