Sunday, November 4, 2007

Todos Los Santos Reunion....


November 1, 2007, maaga pa ay nagpunta kami sa sementeryo kasama ang buong pamilya... dinalaw namin ang puntod ng mga yumaong kamag anak. Lolo ko, lola ko, auntie ko at pinsan kong lalaki na magkakatabing nakabaon, anim na talampakan sa ilalim ng lupa. Nagsidatingan din ang iba pa naming kamag anak mula sa ibat ibang lugar. Ito'y isang pagkakataon na itinuturing naming "Family Reunion" mula sa side ng father ko. Masayang natitipon tipon... may kanya kanyang dala ng ibat ibang uri ng pagkain. Batian, kamustahan at umaatikabong kwentuhan at tawanan. Ganito lagi ang eksena sa tuwing nagkikita kita ang buong angkan.

Sa isang banda.. naisip ko habang ako'y nakatingin at nagsisindi ng kandila sa puntod ng aking mga yumaon kamag-anak. "Mabuti pa kayo at tahimik na... samanatalang kami dito.. ay patuloy pa din nakikibaka sa takbo ng buhay". Simpleng mga kataga pero malalim ang kahulugan.

Totoo nga naman diba? Ang mga yumao na.. wala nang iba pang iniisip na problema.. kasi nga patay na sila. Tahimik na ang buhay nila. Samantala tayong mga buhay pa. Sandamakmak na problema pa din ang patuloy nating kinakaharap. At hindi lang natin alam kung kelan ito matatapos. Bukod tanging Diyos lamang ang nakakaalam.


Natapos ang buong maghapon... unti unting nagsipag uwian na ang aming mga kamag anak. baon ang mga alaalang minsan lang sa isang taon nila nararanasan, ang makipagkitang muli sa mga kamag anak.. Nagsipag gayak na rin kami.. niligpit ang mga gamit.. ang tent.. mga silya at lamesa.. at isinakay na lahat sa sasakyang nakaparada sa di kalayuan. At bago pa kami tuluyang nakalabas ng sementeryo ay nakibaka pa muna kami sa mabagal na pag usad ng trapiko bunsod ng halos pagkakasabay sabay ng labas ng mga saksakyan na halos tumagal ng kalahating oras.

Sa aming mga kamag anak... Hanggang sa muling pagkikita... Same time.... same place.. same occassion...

2 comments:

  1. Pasko naman ang padating. Buti pa ang mga bata, nagtwitwinkle pa rin ang mga mata kapag nakakakita ng parol o kaya naman ay christmas lights.

    ReplyDelete
  2. totoo ngang ang Pasko ay para lang sa mga bata...

    ReplyDelete