Thursday, August 18, 2011

Sa Bus Part 3

Bus Part 2

Tinatamad akong mag kwento ngayon. At dahil diyan, post na lang ako ng pics ng guy na sight ko sa bus na aking nasakyan kaninang umaga. hahaha




Saturday, August 6, 2011

One Day ...



One day.... Charice!!!

Monday, August 1, 2011

How time flies....

Ang bilis ng takbo ng panahon. August na. the 8th month of the year. Next month "ber" months na.. September, October, November and finally DECEMBER! Parang kelan lang nag celebrate tayo ng Christmas. At eto ilang months na lang, Christmas na naman... (sasakit na naman ang ulo ni Pilyo) Mababawasan na naman daw kasi ang kanyang kayamanan! LOL.

So far, 2011 has been doing good, maliban na lang dun ng mga untoward incidents na mga nangyari. But im still looking forward for more blessings to come kahit ilang months na lang ang natitira!!! Lord Thank you....for the family that i love most, my friends.. and my work.



* * * * * * * * * * * * *

Wednesday, July 20, 2011

Sa Bus Part 2

Sa Bus Part 1

New Schedule ako sa work this year. This time sobrang aga ko umalis lagi ng bahay, but still nasa peak hour pa din ang aking biyahe. Mabuti na lang sa Bus Station ako sumasakay at nakakakuha ako ng maganda pwesto tuwing bibiyahe. Sa totoo, gustong gusto kong sumakay sa bus station kasi doon ako sa window side nakakakuha ng vacant seat. Kapag sa center aisle ako napwesto, malamang puro crotch na naman ang sasagi sa aking balikat nito. hahaha.. (kunwari ayaw!)

Pero minsan, na giguilty ako, lalo na pag punuan na ang bus, at karamihan kasi ng mga nakatayong pasahero ay babae. Minsan naisip ko, sa layo ng biyahe ko, magpapaka gentleman ba ako para i offer ang seat ko parasa babaeng nakatayo? Oh well.. nagbayad ako ng tama pamasahe at kaya nga ako sa terminal sumakay para makahanap ng maganda at comfortableng upuan tapos i offer ko lang sa babaeng nakatayo? Bakit naman kasi makikipag siksikan sila sa bus  kahit tayuan na! Pero sa araw araw na biyahe ko.. wala pa yata akong nakikitang gentleman na nag ooffer ng seat nila. Iba na talaga ang takbo ng mundo ngayon. Practical na mga tao. Unless senior citizen na yun nakatayo at dapat lang naman talaga offer an ng seat no! tigas naman ng mukha ng guy pag ganun na ang sitwasyon. Pero so far sakin, hindi ko pa naman na experience yung ganun. Tsaka tinitingnan ko kung babae kung malakas pa naman at mukhang di kagandahan, eh mag tiis siya! Sumakay siya sa tayuang Bus eh! LOL

Kaninang umaga, as usual, puno na naman ang Bus. Pero since galing sa terminal nakapwesto naman ako ng maganda. Along the way na lang unti unting napupuno ang bus. Buraot din kasi si Manong Driver. Kumita lang ng malaki kesehodang pati yata bubong ng bus gustong punuin ng pasahero. Pero siyempre sa mga pasaherong nakatayo, may i spot ng mga kaaya ayang tanawin. And sakto, may na spot an ako. Si kuyang executive!. Naka polo barong si kuya. Sumakay siya sa Fairview at ayun na din sa nadinig ko, nang magbayad siya ng pamasahe kay manong kundoktor  ay sa East Ave siya bababa. Kaya matagal tagal siyang tatayo. At siyempre, inilabas ko ang aking phone cam at pasimpleng nakuhaan ko si kuyang executive. Mukhang malinis at ang bango bango ni Kuyang Executive. Flawless ang kanyang  skin. At kahit seryoso ang look niya, gwapong gwapo siya. Mas lalo siguro kung nakangiti siya. hehehe


eto siya...




Saturday, July 16, 2011

STOP!!!

Tumigil ka na!! 
Pinahihirapan mo lang sarili mo. 
Nangyari na! 
Hindi na maibabalik pa!
Nakasakit ka, kaya tanggapin mo 
ang sakit na nararamdaman mo ngayon.


PS: Note to self